Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 2:18 - Ang Biblia

18 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

18 sapagkat ang kanyang bahay ay lumulubog sa kamatayan, at ang kanyang mga landas tungo sa mga kadiliman;

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

18 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, At ang kaniyang mga landas na sa patay:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

18 Kapag pumunta ka sa bahay niya, para ka na ring pumunta sa kamatayan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 2:18
11 Mga Krus na Reperensya  

At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti, At ng lupang kaayaaya; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan, At naging aliping mangaatag.


Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.


Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.


Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.


Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.


Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas