Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 2:1 - Ang Biblia

1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Anak ko, kung ang mga salita ko'y iyong tatanggapin, at mga utos ko sa iyo ay iyong pagyayamanin,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, At tataglayin mo ang aking mga utos;

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

1 Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 2:1
21 Mga Krus na Reperensya  

Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.


Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.


Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;


Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.


Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:


Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:


Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.


Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.


Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.


Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?


Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:


Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili ang bukid na yaon.


Datapuwa't iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.


At lumusong siyang kasama nila, at napasa Nazaret; at napasakop sa kanila: at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.


Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka't ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.


Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?


Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas