Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 11:10 - Ang Biblia

10 Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

10 Kapag napapabuti ang matutuwid, ang lunsod ay nagdiriwang, at kapag ang masama ay napapahamak, may sigawan ng kagalakan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

10 Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

10 Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

10 Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

10 Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

10 Kapag ang matuwid ay pinagpapala, mga taoʼy sumisigaw sa tuwa. At kapag ang masama ay napapahamak ganoon din ang kanilang ginagawa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 11:10
14 Mga Krus na Reperensya  

Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari.


At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng kaniyang haligi sa pasukan, at ang mga punong kawal at ang mga may pakakak ay sa siping ng hari: at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak; ang mga mangaawit naman ay nagsitugtog ng mga panugtog ng tugtugin, at tinugmaan ang awit ng papuri. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang suot, at sinabi: Paglililo, paglililo.


Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay natahimik: at pinatay nila ng tabak si Athalia.


Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.


At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.


Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.


Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian: nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.


Pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagkubli ang mga tao; nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.


Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.


Kung magkagayo'y ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon.


Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas