Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 10:6 - Ang Biblia

6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 Nasa ulo ng matuwid ang mga pagpapala, ngunit nagtatago ng karahasan ang bibig ng masama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

6 Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

6 Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

6 Ang taong matuwid ay pinagpapala; ang bibig ng masamang tao ay nakakapinsala.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 10:6
14 Mga Krus na Reperensya  

Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman.


Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.


Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.


Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.


Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.


Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.


Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.


Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.


Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.


Sabihin ninyo sa matuwid, na ikabubuti niya: sapagka't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa.


Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.


Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:


At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas