Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 8:1 - Ang Biblia

1 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 O Panginoon, aming Panginoon, sa buong lupa ay napakadakila ng iyong pangalan! Sa itaas ng mga langit ay inaawit ang iyong kaluwalhatian

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

1 O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 8:1
27 Mga Krus na Reperensya  

Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!


Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.


Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.


Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.


Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.


Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.


Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.


Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!


Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,


Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo!


Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?


Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.


Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.


Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.


Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?


Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.


Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)


Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.


Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,


Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;


At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas