Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 100:3 - Ang Biblia

3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Kilalanin ninyo na ang Panginoon ay Diyos! Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kanya; tayo'y kanyang bayan, at mga tupa ng kanyang pastulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 100:3
44 Mga Krus na Reperensya  

Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios, ikaw lamang.


Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan.


Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?


Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.


Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?


Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.


Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.


Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.


Sa gayo'y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man: aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.


Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios,


At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.


Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;


Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?


Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.


At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.


Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.


Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.


At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.


Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.


Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.


Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.


Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.


Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.


Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.


Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;


Sapagka't kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.


Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:


Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.


At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas