Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 5:2 - Ang Biblia

2 Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Sa Jerusalem nga'y may isang tipunan ng tubig sa tabi ng Pintuan ng mga Tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Bet-zatha na may limang portiko.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking imbakan ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

2 Sa isang pintuan ng lungsod ng Jerusalem, kung saan idinadaan ang mga tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Hebreo ay Betesda. Sa paligid nito ay may limang silungan,

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 5:2
14 Mga Krus na Reperensya  

At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda, at sa moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay.


Nang magkagayo'y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa; kanilang itinalaga, at inilagay ang mga pinto niyaon; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga, hanggang sa moog ng Hananeel.


At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng pintuang-bayan ng mga tupa, ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal.


Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.


At inyong nakita ang mga sira ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang tangke.


Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.


Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:


Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.


Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.


Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga natutuyo.


Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon.


At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,


At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.


Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas