Jeremias 23:14 - Ang Biblia14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra. Tingnan ang kabanataAng Biblia 200114 Ngunit sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya at lumalakad sa mga kasinungalingan; pinalalakas nila ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan. anupa't walang humihiwalay sa kanyang kasamaan: Silang lahat sa akin ay naging tulad ng Sodoma, at ang mga naninirahan doon, sa akin ay tulad ng Gomorra.” Tingnan ang kabanataAng Biblia (1905-1982)14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia (2005)14 Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.” Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia14 Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.” Tingnan ang kabanataMagandang Balita Bible (Revised)14 Ngunit mas lalo pang kasuklam-suklam ang namasdan ko sa mga propeta sa Jerusalem: Sila'y nangangalunya at mga sinungaling, pinapalakas pa nila ang loob ng gumagawa ng masama, kaya wala nang tumatalikod sa kanyang masamang gawa. Naging katulad na sila ng mga taga-Sodoma at Gomorra.” Tingnan ang kabanataAng Salita ng Dios14 Pero nakita ko ring mas masama pa ang ginagawa ng mga propeta ng Jerusalem dahil nangangalunya sila at nagsisinungaling pa. Pinapalakas nila ang loob ng masasamang tao para gumawa pa ng kasamaan, kaya hindi sila tumatalikod sa kasamaan nila. Ang mga taga-Jerusalem ay kasingsama ng mga taga-Sodom at Gomora. Tingnan ang kabanata |
Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.
Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;
At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.