Jeremias 23:10 - Ang Biblia10 Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid. Tingnan ang kabanataAng Biblia 200110 Sapagkat ang lupain ay punô ng mga mangangalunya; dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; at ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi tama. Tingnan ang kabanataAng Biblia (1905-1982)10 Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia (2005)10 Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh; ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama. Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain at natuyo ang mga pastulan. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Biblia10 Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh; ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama. Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain at natuyo ang mga pastulan. Tingnan ang kabanataMagandang Balita Bible (Revised)10 Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh; ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama. Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain at natuyo ang mga pastulan. Tingnan ang kabanataAng Salita ng Dios10 Puno na ang lupain ng mga taong sumasamba sa mga dios-diosan, dahil gumagawa ng kasamaan ang mga propeta at nagmamalabis sa kapangyarihan nila. At dahil ditoʼy isinumpa ng Panginoon ang lupain, kaya natuyo at nalanta ang mga tanim. Tingnan ang kabanata |
Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis, at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy, sapagka't nasunog ang mga yaon, na anopa't walang dumaraan; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas, ang mga ito'y nagsiyaon.
At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.