Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Juan 1:4 - Ang Biblia

4 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ako'y labis na nagalak na aking natagpuan ang ilan sa iyong mga anak na lumalakad sa katotohanan, ayon sa utos na ating tinanggap mula sa Ama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Labis kong ikinagagalak na makitang ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay ayon sa katotohanan, alinsunod sa utos ng Ama sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Labis akong nagalak nang makita ko ang ilan sa iyong mga anak na namumuhay ayon sa katotohanan, alinsunod sa utos ng Ama sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Labis kong ikinagagalak na makitang ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay ayon sa katotohanan, alinsunod sa utos ng Ama sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

4 Labis ang kagalakan ko nang malaman ko na ang ilan sa mga anak mo ay sumusunod sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Dios Ama.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Juan 1:4
12 Mga Krus na Reperensya  

Sino ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.


Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami.


Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;


Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?


At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.


Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan:


Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.


Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas