Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 10:18 - Ang Biblia 2001

18 Siyang nagkukubli ng pagkamuhi ay may labing mapanlinlang, at siyang naninirang-puri ay isang hangal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; At siyang nagpaparatang ay mangmang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

18 Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

18 Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

18 Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

18 Ang nagkikimkim ng galit ay sinungaling, at ang naninira sa kanyang kapwa ay hangal.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 10:18
18 Mga Krus na Reperensya  

Nang bumalik si Abner sa Hebron, siya ay dinala ni Joab sa isang tabi ng pintuang-bayan upang makipag-usap sa kanya ng sarilinan, at doon ay kanyang sinaksak siya sa tiyan. Kaya't siya'y namatay para sa dugo ni Asahel na kanyang kapatid.


Ang lihim na naninirang-puri sa kanyang kapwa ay aking pupuksain. Ang taong may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.


Bawat isa ay nagsasalita ng kabulaanan sa kanyang kapwa, sila'y nagsasalitang may mapanuyang mga labi at may pusong mandaraya.


siyang hindi naninirang-puri ng kanyang dila, ni sa kanyang kaibigan ay gumagawa ng masama, ni umaalipusta man sa kanyang kapwa;


Sapagkat walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang puso ay pagkawasak, ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan, sa pamamagitan ng kanilang dila ay nanlilinlang.


Ikaw ay umuupo at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong sinisiraan ang anak ng iyong sariling ina.


Higit na pino kaysa mantekilya ang kanyang pananalita, ngunit ang kanyang puso ay pakikidigma; higit na malambot kaysa langis ang kanyang mga salita, gayunman ang mga iyon ay nakaumang na mga tabak.


“Huwag kang magkakalat ng di-totoong balita. Huwag kang makikipagkapit-kamay sa taong masama upang maging isang saksing may masamang hangarin.


Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik, gumagala na may paninirang-puri; sila'y tanso at bakal, silang lahat ay kumikilos na may kabulukan.


Mag-ingat ang bawat isa sa kanyang kapwa, at huwag kayong magtiwala sa sinumang kapatid; sapagkat bawat kapatid ay mang-aagaw, at bawat kapwa ay gumagala bilang isang maninirang-puri.


Huwag kang magpaparoo't-parito sa iyong bayan bilang tagapagdala ng tsismis, ni huwag kang titindig laban sa dugo ng iyong kapwa: Ako ang Panginoon.


ay lalong natakot si Saul kay David. Kaya't patuloy na naging kaaway ni David si Saul.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas