Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 8:12 - Ang Biblia 2001

12 Muling nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

12 Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

12 Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 8:12
31 Mga Krus na Reperensya  

Kanyang tinubos ang kaluluwa ko mula sa pagbaba sa hukay, at makakakita ng liwanag ang aking buhay.’


Oo, iyong papagniningasin ang aking ilawan; pinaliliwanag ng Panginoon kong Diyos ang aking kadiliman.


siya'y paroroon sa salinlahi ng kanyang mga magulang; na hindi sila makakakita ng liwanag kailanman.


Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid; at ang kagalakan para sa may matuwid na puso.


oo, kanyang sinasabi: “Napakagaan bang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ni Jacob, at panumbalikin ang iningatan ng Israel; ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga bansa upang ang aking kaligtasan ay makarating hanggang sa dulo ng lupa.”


Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kanyang lingkod, na lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag? Magtiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kanyang Diyos.


Ang bayan na lumakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman, sa kanila sumikat ang liwanag.


At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon; ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway; at siya'y paparito sa atin na parang ulan, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”


Ngunit sa inyo na natatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran, na may pagpapagaling sa kanyang mga pakpak. Kayo'y lalabas at luluksong parang mga guya mula sa silungan.


“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago.


isang ilaw upang magpahayag sa mga Hentil, at para sa kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.”


Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang ilaw ay kasama ninyo ng kaunti pang panahon. Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim. Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.


Samantalang nasa inyo ang ilaw, sumampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.” Nang masabi ni Jesus ang mga bagay na ito siya'y umalis at nagtago sa kanila.


Ako'y naparito na isang ilaw sa sanlibutan, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.


Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.


At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanlibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama.


Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos, o kung ako'y nagsasalita mula sa aking sarili.


Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”


Sapagkat ganito ang ipinag-utos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, ‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil, upang ikaw ay magdala ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”


na ang Cristo ay dapat magdusa at sa pagiging una sa pagbangon mula sa mga patay, ay ipahayag ang liwanag sa bayan, at gayundin sa mga Hentil.”


Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, mga ulap na tinatangay ng unos. Sa kanila'y inilaan ang pusikit na kadiliman.


Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel nang magkasala sila, kundi sila'y ibinulid sa impiyerno, at nilagyan ng mga tanikala ng kadiliman, upang ingatan hanggang sa paghuhukom;


Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kanya, at tayo'y lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang katotohanan.


nagngangalit na alon sa dagat, na pinabubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga pagala-galang bituin, na silang pinaglaanan ng pusikit na kadiliman magpakailanman.


At ang mga anghel na hindi nag-ingat ng kanilang sariling katungkulan, kundi iniwan ang kanilang sariling tirahan, ay iginapos niya sa mga tanikalang walang hanggan sa pinakamalalim na kadiliman hanggang sa paghuhukom sa dakilang araw.


Ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito; at ang mga hari sa lupa ay magdadala ng kanilang karangalan sa kanya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas