Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Juan 1:4 - Ang Biblia 2001

4 Nasa sa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

4 Ang Salita ang pinagmumulan ng buhay, at ang buhay na itoʼy ilaw, dahil ito ang nagbibigay-liwanag sa mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya




Juan 1:4
30 Mga Krus na Reperensya  

mga taong nagtitiwala sa kanilang kayamanan, at ipinaghahambog ang kasaganaan ng kanilang mga kayamanan?


Sapagkat ang Panginoong Diyos ay araw at kalasag, siya'y nagbibigay ng biyaya at karangalan. Walang mabuting bagay ang ipagkakait ng Panginoon sa mga nagsisilakad nang matuwid.


At aking aakayin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman sila ay aking papatnubayan. Aking gagawing liwanag ang kadiliman sa kanilang harapan, at ang mga baku-bakong lugar ay papatagin. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin sa kanila, at hindi ko sila pababayaan.


Ngunit sa inyo na natatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran, na may pagpapagaling sa kanyang mga pakpak. Kayo'y lalabas at luluksong parang mga guya mula sa silungan.


Ang bayang nakaupo sa kadiliman, ay nakakita ng dakilang ilaw, at sa mga nakaupo sa lupain at lilim ng kamatayan, ang liwanag ay sumilay.”


isang ilaw upang magpahayag sa mga Hentil, at para sa kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.”


Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, ay mabubuhay.


Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang ilaw ay kasama ninyo ng kaunti pang panahon. Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim. Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.


Ako'y naparito na isang ilaw sa sanlibutan, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.


Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.


At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanlibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama.


Sapagkat kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang nais niya.


Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay pinagkalooban din niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili.


Muling nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”


Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”


na ang Cristo ay dapat magdusa at sa pagiging una sa pagbangon mula sa mga patay, ay ipahayag ang liwanag sa bayan, at gayundin sa mga Hentil.”


Kaya't nasusulat, “Ang unang taong si Adan ay naging buháy na nilalang.” Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay.


sapagkat anumang bagay na nakikita ay liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, at bumangon mula sa mga patay, at si Cristo ay magliliwanag sa iyo.”


Kapag si Cristo na inyong buhay ay nahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.


Yaong buhat sa pasimula, na aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming napagmasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay—


at ang buhay na ito ay nahayag, aming nakita, aming pinatototohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa amin ay ipinahayag.


At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak.


At ipinakita sa akin ng anghel ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng kristal, na lumalabas mula sa trono ng Diyos at ng Kordero


“Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesya. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas