Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Juan 1:1 - Ang Biblia 2001

1 Ang matanda, sa hinirang na ginang at sa kanyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan, at hindi lamang ako, kundi pati ang lahat ng mga nakakaalam ng katotohanan,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan;

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan;

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para sa minamahal na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Mula sa Matandang pinuno ng iglesya— Para sa hinirang na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para sa minamahal na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

1 Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Juan 1:1
25 Mga Krus na Reperensya  

ay minabuti ko naman, pagkatapos na siyasating mabuti ang lahat ng mga pangyayari buhat sa pasimula, na sumulat ng isang maayos na salaysay para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo,


At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”


at kanilang ginawa ito at ipinadala nila sa matatanda sa pamamagitan ng mga kamay nina Bernabe at Saulo.


Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kanyang ina at ina ko rin.


Ngunit nang makita ko na hindi sila lumalakad nang matuwid sa katotohanan ng ebanghelyo, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, “Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Hentil at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Hentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?”


sa kanila ay hindi kami sumuko upang magpasakop, kahit isang saglit, upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatili sa inyo.


O hangal na mga taga-Galacia! Sino ang gumayuma sa inyo? Sa harapan ng inyong mga mata ay hayagang ipinakita si Jesu-Cristo na ipinako sa krus!


Kayo ay tumatakbo noon ng mabuti, sino ang humadlang sa inyo sa pagsunod sa katotohanan?


dahil sa pag-asa na nakalaan para sa inyo sa langit, na inyong narinig noong una sa salita ng katotohanan, ang ebanghelyo,


na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan.


Sapagkat kung sinasadya nating magkasala, matapos nating tanggapin ang lubos na pagkakilala sa katotohanan, ay wala ng natitira pang alay para sa mga kasalanan,


pinili at itinalaga ng Diyos Ama, at ginawang banal ng Espiritu upang sumunod kay Jesu-Cristo at mawisikan ng kanyang dugo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.


Ngayon, bilang kapwa matanda at isang saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at bilang kabahagi sa kaluwalhatiang ihahayag, ipinapakiusap ko sa mga matatanda sa inyo,


Binabati kayo ng babaing nasa Babilonia, na kasama ninyong hinirang, at ni Marcos na aking anak.


Sinusulatan ko kayo, hindi dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil nalalaman ninyo iyon, at nalalaman ninyo na walang kasinungalingan na nagmumula sa katotohanan.


Mga munting anak, huwag tayong umibig sa salita, ni sa dila kundi sa gawa at sa katotohanan.


Ang mga anak ng iyong hinirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.


Ngunit ngayo'y hinihiling ko sa iyo, ginang, na hindi para bang sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi ang ating tinanggap buhat nang pasimula, na tayo'y mag-ibigan sa isa't isa.


Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas