Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Juan 1:8 - Ang Biblia 2001

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

8 Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Juan 1:8
33 Mga Krus na Reperensya  

“Kung sila'y nagkasala laban sa iyo, (sapagkat walang taong hindi nagkakasala,) at ikaw ay nagalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, anupa't sila'y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo man o malapit;


Kanyang sinabi, “Anong nakita nila sa iyong bahay?” At sumagot si Hezekias, “Kanilang nakita ang lahat ng nasa aking bahay. Walang anumang bagay na nasa aking mga bodega ang hindi ko ipinakita sa kanila.”


“Kung sila'y magkasala laban sa iyo,—sapagkat walang taong hindi nagkakasala,—at ikaw ay galit sa kanila, at ibinigay mo sila sa isang kaaway, kaya't sila'y dinalang-bihag sa isang lupaing malayo o malapit;


Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi? Walang sinuman.


Ano ang tao na siya'y magiging malinis? O siyang ipinanganak ng babae, na siya'y magiging matuwid?


Paano ngang magiging ganap ang tao sa harapan ng Diyos? O paanong magiging malinis ang ipinanganak ng isang babae?


“Sa katotohanan ay alam kong gayon nga: Ngunit paano magiging matuwid ang isang tao sa harapan ng Diyos?


At huwag kang pumasok na kasama ng iyong lingkod sa kahatulan; sapagkat walang taong nabubuhay na matuwid sa iyong harapan.


Sinong makapagsasabi, “Puso ko'y aking nalinisan; ako'y malinis mula sa aking kasalanan”?


Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.


Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.


Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan. Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon, at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.


ay sinasabi mo, ‘Ako'y walang sala; tunay na ang kanyang galit sa akin ay lumayo na.’ Narito, sa kahatulan ay dadalhin kita, sapagkat iyong sinabi, ‘Hindi ako nagkasala.’


At kung kumalat ang ketong sa balat, at ang ketong ay bumalot sa buong balat ng may salot, mula sa ulo hanggang sa kanyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng pari;


Kayo'y mula sa inyong amang diyablo, at ang nais ninyong gawin ay ang kagustuhan ng inyong ama. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa sa simula, at hindi naninindigan sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita ayon sa kanyang sariling likas, sapagkat siya'y isang sinungaling, at ama ng kasinungalingan.


gaya ng nasusulat, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa;


yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;


Huwag dayain ng sinuman ang kanyang sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-aakalang siya ay marunong sa kapanahunang ito, ay magpakahangal siya, upang siya ay maging marunong.


Sapagkat kung inaakala ng sinuman na siya'y may kabuluhan, gayong wala naman siyang kabuluhan, ay dinadaya niya ang kanyang sarili.


pag-aaway ng mga taong masasama ang pag-iisip at salat sa katotohanan, na inaakalang ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.


Subalit ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama nang sasama, sila'y mandaraya at madadaya.


Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.


Kung inaakala ng sinuman na siya'y relihiyoso, subalit hindi pinipigil ang kanyang dila, kundi dinadaya ang kanyang puso, ang relihiyon ng taong iyon ay walang kabuluhan.


Sapagkat tayong lahat ay natitisod sa maraming bagay. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa pananalita, ito ay isang taong sakdal, may kakayahang pigilan ang buong katawan.


na pagdurusahan ang parusa sa paggawa ng masama. Itinuturing nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw. Sila ay mga bahid at dungis, na nagpapakalayaw sa kanilang mga daya, habang sila'y nakikisalo sa inyong mga handaan.


Kung sinasabi nating tayo'y hindi nagkasala, ginagawa natin siyang sinungaling at ang kanyang salita ay wala sa atin.


Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kanya, at tayo'y lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang katotohanan.


Ang nagsasabing, “Kilala ko siya,” ngunit hindi tinutupad ang kanyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya.


Kung sinasabi ng sinuman, “Iniibig ko ang Diyos,” at napopoot sa kanyang kapatid, siya ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita.


dahil sa katotohanan na nananatili sa atin, at sasaatin magpakailanman:


Ako'y labis na nagalak nang dumating ang mga kapatid at nagpatotoong ikaw ay nasa katotohanan, kung paanong lumalakad ka sa katotohanan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas