Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 13:5 - Ang Biblia (1905-1982)

5 Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang gawa ng masama ay kahiyahiya at kasuklamsuklam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 13:5
16 Mga Krus na Reperensya  

Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.


Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.


Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak, At kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.


Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.


Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: Huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; Pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:


Mga palalong mata, sinungaling na dila, At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;


Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.


At doo'y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa.


Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam.


At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam.


At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.


At aking inihiwalay ang tatlong pastor sa isang buwan; sapagka't ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila, at sila'y nayamot sa akin.


Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.


Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,


Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.


At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas