Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 101:3 - Ang Biblia (1905-1982)

3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: Aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: Hindi kakapit sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Hindi ko ilalagay sa harapan ng aking mga mata ang anumang hamak na bagay. Kinapopootan ko ang gawa ng mga tumalikod; hindi ito kakapit sa akin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 101:3
44 Mga Krus na Reperensya  

Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; Paano nga akong titingin sa isang dalaga?


Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.


Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.


Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.


Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: Sila'y naging mga kaaway ko.


Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.


Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.


Aking sinabi, Ako'y magiingat sa aking mga lakad, Upang huwag akong magkasala ng aking dila: Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, Samantalang ang masama ay nasa harap ko.


Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.


Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, Na kumain ng aking tinapay, Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.


At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, At minungkahi ang Banal ng Israel.


Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: Sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.


Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; Kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.


Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.


Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.


Taong walang kabuluhan, taong masama, Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;


Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;


Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.


Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, At ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.


Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.


Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.


Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;


Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin.


At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.


At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.


Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.


Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.


Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?


At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang;


Pagingatan mong huwag magkaroon ng masamang pagiisip sa iyong puso, na iyong sabihin, Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad, ay malapit na; at ang iyong mata'y magmasama laban sa iyong dukhang kapatid at hindi mo siya bigyan; at siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at maging kasalanan sa iyo.


Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.


Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;


Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.


Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.


Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas