Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

111 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagiging Mananalo ng Kaluluwa

Alam mo ba, ang pinakamahalagang magagawa natin ay ang pagtulong sa iba na mapalapit kay Hesukristo. Kailangan ng mundo natin ang Diyos, at ikaw, napili ka para gabayan ang isang henerasyon palabas sa kadiliman, patungo sa Kanyang kahanga-hangang liwanag.

Kung lagi mong aalalahanin kung bakit namatay si Kristo, mag-aalab ang puso mo na ibahagi ang mensahe ng kaligtasan. Katulad ng pagmamahal at awa na ipinakita sa’yo ng Ama, mahalaga rin na ibahagi mo ito sa mga nakapaligid sa’yo.

Walang pinipiling oras ang pagbabahagi ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Ang bawat kaluluwang maligtas ay isang walang hanggang pagdiriwang sa langit, isang kagalakan para kay Hesus dahil may nakikibahagi sa Kanyang paghihirap para sa sangkatauhan.

Ayaw ng Diyos na may mapahamak, kaya’t ikaw ang Kanyang instrumento para maabot ang mga naliligaw at mailigtas sila sa kapahamakan. Dapat maging pinakamalaking kagalakan natin bilang mga anak ng Diyos ang pagliligtas ng kaluluwa, dahil sa pagtupad natin sa utos ni Hesus dito sa lupa, nagdudulot tayo ng kagalakan sa langit.

Tandaan natin ang sinasabi sa Santiago 5:20, "Sinumang magpabalik-loob sa isang makasalanan mula sa kanyang maling landas ay magliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan at magtatakip ng maraming kasalanan."


Mateo 28:19-20

Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Biglang lumindol nang malakas. Bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon.

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Marcos 16:15

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita.

Roma 10:14-15

Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?

At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!”

Lucas 10:2

Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.

1 Pedro 3:15

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.

2 Corinto 5:20

Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos.

Filipos 2:15-16

upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan,

habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.

Daniel 12:3

Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman.

Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.

Mateo 4:19

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”

1 Corinto 9:19

Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami sa Panginoon.

Roma 1:16

Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.

1 Corinto 9:20

Sa piling ng mga Judio, ako'y namumuhay tulad ng isang Judio upang mahikayat ko sila. Kahit na hindi ako saklaw ng Kautusan, nagpailalim ako rito alang-alang sa mga nasa ilalim ng Kautusan, upang mailapit ko sila sa Diyos.

Mga Awit 126:5-6

Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.

Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!

Santiago 5:20

ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.

1 Timoteo 2:4

Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.

Judas 1:23

Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom. Ang iba nama'y kaawaan ninyo nang may halong pag-iingat; kasuklaman ninyo kahit ang mga damit nilang nadumihan dahil sa kahalayan.

Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Roma 10:1

Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel.

Mateo 9:37-38

Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani.

Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

1 Corinto 9:22

Sa piling ng mahihina sa pananampalataya, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang.

Mga Gawa 4:20

Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita at narinig.”

Mga Awit 51:13

Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan.

Colosas 4:5-6

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon.

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.

2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Mga Awit 67:1-2

O Diyos, pagpalain kami't kahabagan, kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)

upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Roma 15:20

Ang hangad ko'y ipangaral ito sa mga lugar na wala pang alam tungkol kay Cristo, upang hindi ako magtayo sa pundasyon ng iba.

Mateo 5:14-16

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.

Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Mga Gawa 26:18

Isusugo kita sa mga taong iyon upang imulat ang kanilang mga mata, ibalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, iligtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at sila'y mapapabilang sa mga taong pinaging-banal ng Diyos.’

Mga Awit 19:1-4

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.

Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod.

Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan.

Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay.

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig;

ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,

1 Juan 1:3

Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo.

Lucas 15:10

Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

1 Corinto 3:6-7

Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago.

Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago.

2 Corinto 2:14

Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya kaming isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo, dahil sa aming pakikipag-isa sa kanya. At sa pamamagitan namin ay pinalalaganap ng Diyos sa lahat ng dako ang mabangong halimuyak ng pagkakilala sa kanya.

Mga Awit 119:46

At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin.

Genesis 12:3

Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”

Mga Kawikaan 14:25

Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit ang salita ng sinungaling ay pawang kataksilan.

Juan 4:35-36

“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.

Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't kapwa nagagalak ang nagtatanim at ang umaani.

Mga Gawa 8:4

Dahil dito, nagkahiwa-hiwalay ang mga mananampalataya sa iba't ibang lugar, ngunit saanman sila makarating ay ipinapangaral nila ang salita.

Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.

Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak

dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Efeso 4:12

Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya,

Mga Awit 118:17

Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay.

Lucas 19:10

Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.”

Mga Gawa 2:47

Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan rin sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal.

Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

Galacia 1:10

Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo.

Mateo 13:38

ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama.

Isaias 58:10

kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

2 Timoteo 1:8

Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos

1 Tesalonica 2:4

Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso.

Mga Awit 138:4-5

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi;

ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Mga Hebreo 12:1

Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan.

Mateo 28:18

Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.

1 Corinto 15:58

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

Mga Kawikaan 24:11

Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan.

Mga Awit 122:1

Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

Colosas 3:2

Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,

Roma 5:8

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Mga Awit 105:1

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

Mga Gawa 1:14

Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus; gayundin ang mga kapatid ni Jesus.

Isaias 49:6

Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.”

Mga Awit 4:1

Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.

Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,

kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mateo 6:33

Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.

Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Lucas 12:8

“Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos.

Mga Awit 56:13

Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Mga Awit 37:23

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.

Efeso 2:8-9

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili;

hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

1 Juan 5:4

sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Mateo 7:7-8

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Mga Awit 119:11

Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

Mga Kawikaan 15:23

Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.

Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Mga Awit 119:76

Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos, katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.

Colosas 1:28

Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo.

1 Corinto 4:5

Kaya't huwag kayong hahatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.

Mga Awit 22:27

Mga bansa sa lupa'y kay Yahweh magsisibaling, lahat ng mga lahi'y maaalala siya't sasambahin.

Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Filipos 1:12

Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita.

2 Corinto 3:6

Binigyan niya kami ng kakayahang maging lingkod ng bagong tipan, isang kasunduang hindi nababatay sa kautusang nakasulat kundi sa Espiritu. Sapagkat ang kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-buhay.

Mga Gawa 10:42

Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay.

Mateo 25:35-40

Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy.

Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

“Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom?

Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan?

At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?’

Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan.

“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.’

Galacia 3:28

Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Efeso 6:19-20

Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito.

“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong

Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.

Mga Awit 147:2

Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.

Isaias 56:7

“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Roma 15:24

inaasahan kong magkikita-kita tayo pagdaan ko riyan papuntang Espanya. Inaasahan ko ring ako'y tutulungan ninyong makarating doon matapos nating magkasama-sama nang sandaling panahon.

Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

2 Timoteo 2:15

Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Mga Awit 119:130

Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Colosas 3:23

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.

Mga Kawikaan 11:30

Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay, at kamatayan naman ang hatid ng karahasan.

Isaias 61:1-3

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.

Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa.

Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Daniel 4:2

Buong kagalakang ipinapahayag ko sa inyo ang mga kababalaghan at himala na ipinakita sa akin ng Kataas-taasang Diyos.

Mateo 10:32-33

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.

Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”

Marcos 1:17

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at kayo'y gagawin kong mangingisda ng mga tao.”

Juan 10:16

Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan at isa ang pastol.

Mga Gawa 1:8

Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

Panalangin sa Diyos

Dakilain ang iyong pangalan, aking Diyos na malakas at makapangyarihan, sa iyo ang kaluwalhatian at karangalan, banal at kataas-taasan ka. Sa ngalan ni Hesus, hinihiling ko Panginoon, na punuin mo ako ng iyong Banal na Espiritu upang maibahagi ko ang ebanghelyo sa lahat ng nilalang. Ipinapahayag ko ang hininga ng buhay ng Diyos sa aking tawag na mag-ebanghelyo at ito'y muling nabubuhay sa ngalan ni Hesus. Panginoong Hesus, paalabin mo sa akin ang pagnanais na ipangaral ang iyong salita sa kapanahunan at di kapanahunan. Patnubayan mo ako Panginoon at bigyan mo ako ng mga estratehiya, ideya, mga tunay na pamamaraan upang makuha ang atensyon ng mga taong aking kakausapin at maabot ang kanilang mga puso nang may katapangan ang aking mensahe. Ipinapahayag ko, na iyong pinasisikat ang liwanag ng iyong katuwiran sa aking buhay at ang mga pangako at karapatang sa akin ay matutupad, dahil ang iyong Salita ay totoo. Panginoon, sa araw na ito hinihiling ko na lagian mo ng nagbabagang uling ang aking bibig upang sabihin lamang ang iyong mga salita. Panginoong Hesus, ipinapahayag ko sa iyong pangalan, na ang mga salita ng aking bibig ay magdadala ng kaligtasan sa mga nawawalang kaluluwa, magpapanumbalik sa mga nadapa, magpapagaling sa mga maysakit at magpapala sa lahat ng makikinig sa akin. Ipinapahayag ko sa ngalan ni Hesus, na ang lahat ng pag-aalinlangan sa aking buhay ay mawawala. Sa ngalan ni Hesus, aking kinakalagan ang katatagan at pagiging matatag sa espirituwal sa aking buhay. Sa iyong salita ay sinabi: “Sinabi sa kanila ni Hesus: Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Ipinapahayag ko sa iyong pangalan Hesus, na kapag inihagis ko ang mga lambat sa lungsod na ito sa hilaga, timog, silangan, at kanluran, ang mga ito ay mapupuno ng mga kaluluwang desididong pumasok sa kaharian ng Diyos, ipinapahayag ko Panginoon, na ang iyong simbahan ay babangon upang ipangaral ang mabuting balita sa lungsod na ito sa hilaga, timog, silangan at kanluran. Sa ngalan ni Hesus. Amen!