Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

42 Mga Talata sa Bibliya para sa Paglalakbay

Alam mo, may mga anghel tayong handang lumaban para sa atin, handang protektahan tayo. Pero kailangan din nating humingi ng tulong nila. Kaya naman, tuwing aalis tayo ng bahay, malapit man o malayo, 'wag nating kalimutang magdasal.

Trabaho man o bakasyon, ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga plano. Hilingin natin na ingatan Niya ang ating pag-alis at pag-uwi, na gabayan Niya ang ating mga hakbang para maging kalugod-lugod sa Kanya ang lahat ng ating gagawin, at maging masaya rin tayo. Manatili tayong nakakapit sa Panginoon at 'wag nating maliitin ang mga patibong ng kaaway.

Mag-ingat tayo at 'wag pababayaan ang pananalangin. Parang leong umaatungal ang kaaway, naghahanap ng malalapa. Ipagkatiwala natin ang ating mga plano sa kalooban ng Diyos at tiyak na pagpapalain Niya ang lahat ng ating gagawin. Sabi nga sa Salmos 121:8, “Iingatan ka ng Panginoon sa iyong paglabas at pagpasok, mula ngayon at magpakailanman.”


Mga Awit 91:11

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Mga Bilang 6:24-26

Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;

kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh;

lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

Exodus 23:20

“Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo.

Mga Kawikaan 3:23

At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay, sa landas mo'y hindi ka matatalisod.

Isaias 6:8

At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!”

Mga Awit 121:8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Genesis 28:15

Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”

Deuteronomio 33:27

Sa mula't mula pa'y ang Diyos na ang inyong tanggulan, walang hanggan niyang bisig ang inyong kanlungan. Mga kaaway ninyo'y kanyang ipinagtabuyan, at inutusan kayong sila'y lipuling lubusan.

Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.”

Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Exodus 33:14

“Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan,” sagot ni Yahweh.

Deuteronomio 31:8

Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”

Mga Awit 37:23

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.

Mga Kawikaan 16:9

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Mga Awit 23:3-4

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Galacia 5:25

Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.

Zacarias 10:12

Ang aking bayan ay aking palalakasin, susundin nila ako at sasambahin.” Ako si Yahweh, ang nagsabi nito.

Mga Gawa 9:3

Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

Mga Awit 37:23-24

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.

Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.

Mga Awit 32:8

Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.

Mga Awit 91:11-12

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas.

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Mga Kawikaan 3:23-24

At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay, sa landas mo'y hindi ka matatalisod.

Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.

Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Deuteronomio 8:2

Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbabá. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya.

Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Isaias 45:2

“Ako ang maghahanda ng iyong daraanan, mga bundok doo'y aking papatagin. At sa mga lunsod, mga pintong tanso'y aking wawasakin; pati kandadong bakal ay aking tatanggalin.

Mga Awit 121:1-2

Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Isaias 58:11

Patuloy kayong papatnubayan ni Yahweh at ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto. Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto. At magiging tulad kayo ng isang hardin, na binubukalan ng masaganang tubig, o isang batis na hindi natutuyo.

Jeremias 29:11

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Mga Hebreo 13:5-6

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kaya't buong tapang nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Juan 14:27

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot.

Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

2 Corinto 5:7

Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan, lubos po ang aking pagsamba sa Iyo. Wala pong katulad ang Iyong awa at kapangyarihan. Kay buti mo po, Panginoong Hesus. Ikaw ang aking gabay at sandigan. Alam ko pong ligtas ako sa lilim ng Iyong mga pakpak. Turuan mo po akong lumakad sa Iyong kalooban. Marami man ang aking mga plano, ang sa Iyo lamang ang nananatili. Gabayan N’yo po ako sa aking mga desisyon upang ang lahat ay naaayon sa Iyong kagustuhan. Iniaalay ko po sa Iyo ang paglalakbay na ito. Nawa’y pagpalain N’yo po ako at patnubayan ng Iyong Banal na Espiritu saan man ako mapadpad. Hinihiling ko po ang Iyong biyaya at pagkalinga. Nawa’y paligiran ako ng Iyong mga anghel, maging sa aking sasakyan. Salamat po sa Iyong pangako na babantayan ang aking paglabas at pagpasok, ngayon at magpakailananman. Takpan N’yo po ako ng Iyong mahalagang dugo. Alisin N’yo po ang anumang balakid at kapahamakan sa biyaheng ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.