Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

74 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakaibigan

Alam mo, madalas nating iniuugnay ang pag-ibig at pakikipagkaibigan sa mga okasyon o magagandang pakiramdam. Pero sabi sa Bibliya, ang tunay na pagmamahal, hindi nakadepende sa nararamdaman natin. Ito'y isang desisyon, isang pagpapasiya. Mas malalim pa ito kaysa sa pagmamahal dahil lang gusto nating mahalin din tayo.

Ang tunay na pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit. Kapag nagmamahal tayo nang hindi umaasang masuklian, parang may nagre-renew sa ating espiritu. Araw-araw, mas nagiging mabuti tayong tao. Kaya nga, sa mga susunod na bersikulo, malalaman natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng magmahal at maging isang tunay na kaibigan.

"Ang pag-ibig ay matiyaga, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo; hindi gumagawa ng anumang bagay na hindi nararapat, hindi naghahanap ng sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nagagalak sa katotohanan; lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw kailanman; ngunit kung may mga hula, mawawala ang mga iyon; kung may mga wika, titigil ang mga iyon; kung may kaalaman, mawawala iyon." 1 Corinto 13:4-8


Mga Kawikaan 18:24

May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.

Mga Kawikaan 31:11-12

Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.

Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.

Eclesiastes 4:12

Kung ang nag-iisa'y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.

Awit ng mga Awit 4:9

Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag, ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas.

1 Juan 4:19

Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Awit ng mga Awit 4:7

Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.

Awit ng mga Awit 1:16

Makisig ka, aking mahal, anong kisig, anong inam, magiging himlayan nati'y laging kulay na luntian.

Awit ng mga Awit 1:15

Maganda ka, aking sinta, ang mata mo'y mapupungay, nagniningning, nang-aakit habang aking minamasdan.

Awit ng mga Awit 8:7

Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.

1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.

Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

1 Corinto 13:8

Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

Awit ng mga Awit 4:10

Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig, alak man na ubod-tamis, sa iyo'y di maipaparis, halimuyak ng bango mo ay walang makakatalo.

Colosas 3:14

At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.

Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Awit ng mga Awit 8:6-7

Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.

Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.

1 Juan 4:21

Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.

Mga Kawikaan 18:22

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Awit ng mga Awit 2:2

Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan, namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.

Mga Awit 133:1

Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Eclesiastes 9:9

Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito.

Mga Kawikaan 31:10

Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.

1 Juan 4:17-18

Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito.

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

Awit ng mga Awit 1:2

Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak.

Awit ng mga Awit 8:6

Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.

1 Corinto 13:4-8

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.

Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

Juan 15:15

Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.

Marcos 12:33

At higit na mahalaga ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng pag-ibig sa sarili, kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin at iba pang mga alay.”

Santiago 2:23

Natupad ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.”

Awit ng mga Awit 2:16

Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya, sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.

1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Roma 12:15

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Mga Kawikaan 16:28

Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

Awit ng mga Awit 1:4

Ako ngayon ay narito, isama mo kahit saan, at ako ay iyong dalhin sa silid mong pahingahan. Tiyak akong liligaya ngayong ikaw ay narito, ang nais ko ay madama ang alab ng pag-ibig mo; pagsinta mo'y mas gusto ko kaysa alinmang inumin; hindi ako nagkamali na ikaw nga ang ibigin.

Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Juan 15:13

Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

1 Juan 4:12

Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Job 42:10

Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.

Mga Kawikaan 22:11

Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay, pati ang hari'y magiging kaibigan.

Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

1 Corinto 15:33

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali.”

Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.

Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak

dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Colosas 3:12-14

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis.

Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.

Mga Kawikaan 13:20

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Mga Awit 25:14

Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.

Roma 15:5-6

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus,

upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Mga Awit 119:63

Tapat akong kaibigan ng sa iyo'y naglilingkod, mga taong buong pusong sa utos mo'y sumusunod.

Mga Kawikaan 22:24-25

Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin,

baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.

Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

1 Juan 1:7

Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.

2 Corinto 6:14

Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman?

Mga Awit 41:9

Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Mga Kawikaan 27:6

May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Mga Awit 55:13-14

Ang mahirap nito'y tunay kong kasama, aking kaibigang itinuturing pa!

Dati'y kausap ko sa bawat sandali at maging sa templo, kasama kong lagi.

Mateo 5:14

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.

1 Samuel 18:1-3

Matapos mag-usap sina Saul at David, ang kalooban ni Jonatan na anak ni Saul ay napalapit kay David. Napamahal si David kay Jonatan tulad ng pagmamahal nito sa kanyang sarili.

Kinabukasan, si Saul ay muling ginambala ng masamang espiritu at naging parang baliw. Kaya, tinugtog ni David ang kanyang alpa, tulad ng ginagawa niya araw-araw. Hawak noon ni Saul ang kanyang sibat at

dalawang beses niyang sinibat si David sapagkat gusto niya itong patayin, ngunit parehong nailagan iyon ni David.

Si Saul ay natakot kay David sapagkat si David na ang pinapatnubayan ni Yahweh at hindi na siya.

Kaya, para mapalayo ito sa kanya, ginawa niya itong pinuno ng sanlibong kawal. Pinangunahan ni David ang kanyang mga tauhan

at anuman ang kanyang gawin ay nagtatagumpay siya sapagkat pinapatnubayan siya ni Yahweh.

Dahil dito, lalong natakot sa kanya si Saul.

Sa kabilang dako, si David ay lalong napamahal sa buong Israel at Juda dahil sa kanyang matagumpay na pamumuno.

Minsa'y sinabi ni Saul kay David, “Ipakakasal ko sa iyo ang anak kong si Merab kung maglilingkod ka sa akin nang tapat at buong giting mong ipagtatanggol ang bayan ng Diyos.” Ngunit ang talagang nais niya ay mapatay ng mga Filisteo si David upang mawala na ito sa kanyang landas.

Sumagot si David, “Sino ang aking mga magulang at sino ako upang maging manugang ng hari?”

Ngunit nang dumating ang araw na dapat tuparin ni Saul ang pangako niya kay David, ipinakasal niya si Merab kay Adriel na taga-Meholat.

Mula noon, hindi na pinauwi ni Saul si David.

Si Saul ay may isa pang anak na babae, si Mical. Umiibig siya kay David at natuwa si Saul nang malaman ito.

Sa loob-loob niya, “Si Mical ang gagamitin ko upang maipapatay ko si David sa mga Filisteo.” Kaya't muli niyang sinabi kay David, “Ngayo'y talagang magiging manugang na kita.”

Kinausap pa ni Saul ang kanyang mga tauhan sa palasyo upang hikayatin si David. Ipinasabi niya, “Gustung-gusto ka ng hari, pati ng kanyang mga tauhan, kaya pumayag ka nang maging manugang niya.”

Nang marinig ito ni David, sumagot siya, “Maaari ba akong maging manugang ng hari gayong ako'y mahirap lamang at walang maipagmamalaki?”

Sinabi nila kay Saul ang sagot ni David.

Ipinasabi naman uli ni Saul, “Sabihin ninyo na wala akong hihinging dote kundi sandaang balat na pinagtulian ng mga Filisteo bilang paghihiganti sa kaaway.” Iniisip ni Saul na ito na ang pagkakataong mapatay ng mga Filisteo si David.

Nang marinig niya ito, natuwa siya sapagkat kung magawâ niya ito ay maaari na siyang maging manugang ng hari. At bago dumating ang takdang araw,

nilusob niya at ng kanyang mga tauhan ang mga Filisteo at nakapatay sila ng dalawandaan. Ang mga balat na pinagtulian ng mga ito'y dinala niya sa hari. Dahil dito, ipinakasal sa kanya si Mical.

Lalong naniwala si Saul na si David ay pinapatnubayan ni Yahweh at nakita niya kung gaano ito kamahal ng anak niyang si Mical.

Kaya't lalong natakot si Saul kay David. Mula noon, itinuring na niya itong kaaway.

Dahil sa pagmamahal ni Jonatan kay David, isinumpa niya na sila'y magiging magkaibigan habang buhay.

Job 6:14

“Sa magulong kalagayan, kailangan ko'y kaibigan, tumalikod man ako o hindi sa Diyos na Makapangyarihan.

Filipos 2:1-2

Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa,

Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.

At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.

Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos,

sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo,

upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan,

habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.

Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo.

Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.

Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan.

lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.

2 Timoteo 1:16-18

Pagpalain nawa ng Diyos ang sambahayan ni Onesiforo sapagkat sa maraming pagkakataon, ako'y kanyang inaliw at hindi niya ako ikinahiya kahit ako'y isang bilanggo.

Sa katunayan, pagdating niya sa Roma, pilit niya akong hinanap hanggang sa ako'y kanyang matagpuan.

Kahabagan nawa siya ng Panginoon sa Araw na iyon. Alam mo naman kung paano niya ako pinaglingkuran sa Efeso.

Mga Kawikaan 12:26

Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw.

Mga Awit 37:7-9

Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.

Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.

1 Corinto 12:12-14

Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan.

Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang.

Roma 1:11-12

Nananabik akong makita kayo upang maibahagi sa inyo ang mga kaloob ng Espiritu sa ikatatatag ninyo.

Ang ibig kong sabihi'y upang magkatulungan tayo sa ikalalakas ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos.

Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.

Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Mga Awit 15:4

Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan, mga may takot kay Yahweh, kanyang pinaparangalan. Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat, anuman ang mangyari, salita'y tinutupad.

Efeso 4:2-3

Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa.

Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo.

Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya.

Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa.

Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;

at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.

Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.

Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.

Panalangin sa Diyos

Mahal na Diyos, tanggapin po Ninyo ang lahat ng aming pagsamba at papuri, sapagkat Kayo lamang po ang karapat-dapat. Salamat po sa Iyo, ang bukal ng lahat ng bagay, lalo na ng tunay at wagas na pag-ibig at pagkakaibigan. Dalangin ko po ang pagpapala sa bawat mag-asawa, magkasintahan, at magkakaibigan. Patatagin Ninyo po ang kanilang samahan at nawa'y laging mangingibabaw ang pagmamahalan at pagkakaibigan sa kanilang mga puso, anumang pagsubok o hirap ang dumating. Panginoon, ingatan at pagpalain Ninyo po ang aking minamahal, na siyang aking katuwang at karamay. Palakasin at pangalagaan Ninyo po ang aming pagsasama at maging isa kami sa Iyo, tulad ng pagkakaisa Mo sa Ama. Araw-araw po nawa'y magkahawak-kamay kaming lumakad na kasama ang Espiritu Santo, nang buong tapang naming mahaharap ang anumang pagsubok at problema, sapagkat sa Iyo lamang po nagmumula ang aming tagumpay. Turuan Ninyo po kaming magtulungan sa aming mga kahinaan at araw-araw ay mapatatag ang aming samahan batay sa Iyong salita. Panginoon, ilayo Ninyo po kami sa lahat ng tukso at patibong ng kaaway. Sa ngalan ni Hesus, Amen.