Alam mo, bawat bata, isang kakaibang obra maestra ng Diyos. Tuwang-tuwa Siya sa kanila. Kaya huwag nating isipin na pabigat sila o sobrang responsibilidad. Isipin mo, isa silang biyaya, mana natin galing sa Diyos, regalo sa buhay natin.
Naisip mo na ba? Na isang malaking pribilehiyo at karangalan na masaksihan natin ang paglaki nila at gabayan sila sa landas ng Panginoon. Siya mismo ang humubog sa bawat parte ng kanilang katawan. Kaya't manalangin tayo para sa kanila.
Magpasalamat tayo sa buhay nila, kasi Siya mismo ang natutuwa habang pinapanood Niya silang isinisilang, lumalaki, at ginagamit ang mga talento at potensyal nila para sa kabutihan. Parang nakikita ko ang saya Niya.
“Ikaw ang lumikha sa aking mga laman-loob; inanyuan mo ako sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri kita dahil kahanga-hanga ang pagkalikha mo sa akin! Kamangha-mangha ang iyong mga gawa, at ito ay alam na alam ko!” (Salmo 139:13-14).
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.
Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan.
at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito. Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. “Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. “Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.” Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”
“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.
Tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang tumatanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap kundi pati na rin ang nagsugo sa akin.”
May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.” Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.
Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.”
Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya't isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang pagpapala ng Diyos ay sumainyong lahat, sa inyo na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa, maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.
Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.
Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila.
Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.
“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”
Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.
Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos.
Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,
Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.
Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.
Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.
Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata.
Ang mga apo ay putong ng katandaan; ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.
Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang mapagpakumbabá sa inyong lahat ay siyang magiging pinakadakila.”