Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


51 Mga Talata sa Bibliya para Ipagdiwang ang Pagdating ng Isang Sanggol - Baby Shower

51 Mga Talata sa Bibliya para Ipagdiwang ang Pagdating ng Isang Sanggol - Baby Shower

Mahalaga ang pagtuturo sa ating mga anak. Ito ang pinakamahalagang responsibilidad natin bilang mga magulang. Sabi nga sa Kawikaan 22:6, “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda man siya ay hindi niya ito hihiwalayan.” Ang daan ng Panginoon ay daan ng buhay, at napakagandang isipin na ang ating mga anak ay lumalakad dito.

Kung nagpaplano ka ng baby shower o anumang pagdiriwang para sa pagdating ng iyong anak, napakaganda kung iaalay mo ito sa Panginoon at hihingin ang Kanyang gabay. Higit pa roon, mahalagang ipanalangin na ang Panginoon ang maging Panginoon sa buhay ng iyong anak. Napakalaking biyaaya ang pagdating ng isang bagong buhay.

Imbitahin mo ang iyong mga mahal sa buhay. Magdiwang, magsaya, pero siguraduhin mo ring kasama ninyo ang mga taong maglalapit sa inyo kay Hesus. Sama-sama kayong manalangin at magbigay ng mga salitang magbibigay inspirasyon, ginhawa, at pagpapala. Tiyak na di mo malilimutan ang sandaling ito, puno ng kapayapaan at katiwasayan habang naghihintay sa Panginoon.

Kapag isinilang na ang iyong anak, iharap mo siya sa Panginoon sa simbahan at gabayan mo ang bawat hakbang niya para lumaki siyang pinagpala, lumalakad sa salita ng Diyos, at sumusunod sa Kanyang mga utos at batas. Napakahalaga na bago pa man siya isilang ay ipagdasal na ninyong mag-asawa ang inyong anak at ibigin at alagaan siya nang buong puso.

Ipanalangin mo rin ang panganganak. Makakasiguro kang tutulungan ka ng Espiritu Santo sa lahat ng bagay.


Mga Awit 22:10

Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:14

Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:2

Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:24

“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:15-16

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:13

Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:6

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Ang mga apo ay putong ng katandaan; ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:16

Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:11

Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:40

Ang bata'y lumaking malusog, matalino, at kalugud-lugod sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:26

Si Samuel nama'y patuloy na lumaking kalugud-lugod kay Yahweh at sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-16

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:1-4

Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” “Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. “Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa bundok upang hanapin ang naligaw? Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.” “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.” “Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit. “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito. Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. “Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. “Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.” Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:4

Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:5-6

Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:48

Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang mapagpakumbabá sa inyong lahat ay siyang magiging pinakadakila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:44

Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:3

at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:6

Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:3

Aking ibubuhos ang saganang tubig sa uhaw na lupa, sa tuyong lupa maraming batis ang padadaluyin. Ibubuhos ko sa iyong mga anak ang aking Espiritu, at ang mga liping susunod sa iyo ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:9

Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 33:5

Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila. “Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,” tugon ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:9

Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:5

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa, maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:27

Hiniling ko sa kanya na ako'y pagkalooban ng anak at binigyan nga niya ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:3

Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:3

Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:14

Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya. Marami ang magagalak sa kanyang pagsilang

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:25

Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:4-5

Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:20-21

Ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan na siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo ang nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:3-4

Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan, ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-2

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Ama sa Langit! Salamat po sa biyayang maging magulang, sa pagiging instrumento ng buhay. Sa ngalan ni Hesus, pinagpapala po namin ang buhay ng batang ito na malapit nang isilang. Gabayan mo po siya sa iyong mga daan at lumaki siyang may takot sa'yo. Tulad ng sabi ng iyong salita: "Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan." Idinideklara po namin ang masaganang buhay para sa batang ito. Bilang mga magulang, hiling po namin na punuin mo kami ng iyong pagmamahal upang maibigay namin sa kanya at maging daluyan ng iyong pagpapala sa kanyang buhay. Tulungan mo po kami, Espiritu Santo, na gawin ito ayon sa iyong kalooban at patnubayan mo kami sa lahat ng oras upang masaksihan namin siyang lumaking malusog at matupad ang layunin mo para sa kanya bago pa man siya isilang. Panginoon, ikaw mismo ang humuhubog sa kanya sa sinapupunan ng kanyang ina. Ingatan mo po siya at idineklara namin ang isang matagumpay na panganganak. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas