Alam mo, ang Salita ng Diyos, 66 na libro ang bumubuo, pero may mga maiikling talata na napakalakas ng impact sa buhay natin, lalo na sa mga pinagdadaanan natin. Pwede rin nating ibahagi ito sa mga mahal natin sa buhay, lalo na 'yung mga nahihirapan at sinusubok. Kahit gaano kaikli, tandaan natin, “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa ikatututo na nasa katuwiran.” (2 Timoteo 3:16).
Kung nahihirapan ka namang mag-memorize ng Bibliya, simulan mo muna sa mga maiikling verses. Mas madali 'yun, 'di ba? Para pagdating ng panahon, mas kaya mo na ring sauluhin 'yung mas mahahaba. Ganun pa man, mapapakain pa rin ang espiritu mo at mas makakapagnilay-nilay ka sa Salita ng Diyos. Lagi tuloy mapupuno ang puso mo para mamunga ka ng mga bunga ng Espiritu, hindi 'yung mga gawa ng laman. Kasi, hindi naman 'yung naririnig mo ang nagpaparumi sa'yo, kundi 'yung sinasabi mo.
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.
Nawa'y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo.
at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Muling binuhay ng Diyos si Jesu-Cristo, at tayo man ay muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay!
Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.
Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!
O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.
Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.