Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


108 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kawalan ng Pag-asa

108 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kawalan ng Pag-asa

Alam mo, kahit ang mga lingkod ng Diyos ay dumaranas din ng paghihirap at problema na minsan ay nakakapanghina ng loob. Tulad ni Job, na nasabi niya, “Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa ganitong paghihirap. ‘Pinipili ko ang kamatayan kaysa sa ganitong pagdurusa’ (Job 7:15).”

Pero sa mga panahong parang hindi natin alam ang mangyayari, tandaan natin na ang Diyos ay laging kasama natin at hawak Niya ang lahat. “Itinaas ko ang aking mga mata sa iyo, na nakaupo sa langit. Kung paanong ang mga mata ng mga alipin ay tumitingin sa kamay ng kanilang mga panginoon, at kung paanong ang mga mata ng isang aliping babae ay tumitingin sa kamay ng kanyang panginoon, gayundin ang aming mga mata ay tumitingin sa PANGINOON naming Diyos hanggang sa siya ay maawa sa amin.” (Salmo 123:1-2).

Isuko natin ang lahat ng ating pag-aalala at pangamba sa pangalan ni Hesus. Tanggapin natin ang kalayaan sa ating puso at isipan para mamuhay nang payapa at lubos na magtiwala sa Kanya. Siya ang ating kanlungan, ang ating matibay na sandigan.


1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:11

Mga kapatid, paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:5

Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:24

Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:31

“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:6

Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:24

Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak, hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap; sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:26

Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:16-17

Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, pagkat nangungulila at nanlulupaypay. Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:13-14

Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17-18

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:23-24

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman. Kay rami na nitong mga suliranin, na sa karamiha'y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala, na sa dami, ako'y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan. Nawa ang may hangad na ako'y patayin, bayaang malito't ganap na talunin. Yaong nagagalak sa suliranin ko, hiyain mo sila't bayaang malito! Silang nangungutya sa aki'y bayaang manlumo nang labis, nang di magtagumpay! Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal! sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:5-6

Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap, habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizar di ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:22

Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:3-4

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:1-3

O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubig sa pagkalubog kong abot na sa leeg; Nagpapakumbaba akong nag-ayuno, at ako'y hinamak ng maraming tao; ang suot kong damit, na aking panluksa, ay pinagtawana't hinamak na lubha. Sa mga lansanga'y ako ang usapan, ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam. Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin, sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin. Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, ang iyong pangakong pagtubos ay gawin. Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din. Huwag mong tulutang ako ay maanod, o dalhin sa malalim at baka malunod; hahantong sa libing, ako pagkatapos. Yahweh, sa buti mo't pag-ibig sa akin, sa aking pagtawag ako sana'y dinggin, sa pagkahabag mo, ako ay lingapin. Ang iyong alipi'y huwag mong pagkublihan, ibsan mo na ako sa bigat ng pasan. Iligtas mo ako, ako ay lapitan; sagipin mo ako sa mga kaaway. Kinukutya ako, iya'y iyong alam, sinisiraang-puri't nilalapastangan; di lingid sa iyo, lahat kong kaaway. lumulubog ako sa burak at putik, at sa malalaking along nagngangalit. Puso ko'y durog na dahilan sa kutya, kaya naman ako'y wala nang magawâ; ang inasahan kong awa ay nawala, ni walang umaliw sa buhay kong abâ. Sa halip na pagkain, nang ako'y magutom, ang dulot sa aki'y mabagsik na lason. Suka at di tubig ang ipinainom. O bumagsak sana sila at masira, habang nagdiriwang sila't naghahanda. Bulagin mo sila't nang di makakita, papanghinain mo ang katawan nila. Ibuhos ang iyong galit sa kanila, bayaan mong ito'y kanilang madama. Mga kampo nila sana ay iwanan, at walang matira na isa mang buháy. Ang mga nagtamo ng iyong parusa, nilalait-lait, inuusig nila; pinag-uusapan sa tuwi-tuwina, ang sinugatan mo't hirap na sa dusa. Itala mong lahat ang kanilang sala, sa mangaliligtas, huwag silang isama. Sa aklat ng buhay, burahin ang ngalan, at huwag mong isama sa iyong talaan. Naghihirap ako't mahapdi ang sugat, O Diyos, ingatan mo, ako ay iligtas! Ako ay malat na sa aking pagtawag, ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat; pati ang mata ko'y di na maidilat, sa paghihintay ko sa iyong paglingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:20-21

Kahit na nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit, subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik, upang ako'y di tuluyang sa libingan ay mabulid. Tutulungan mo po ako at karangala'y dadagdagan, ako'y muli mong aliwin; iahon sa kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:7

Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 102:1-2

Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, lingapin mo ako sa aking pagdaing. Dahil sa galit mo, aking Panginoon, dinaklot mo ako't iyong itinapon. Ang buhay kong taglay ay parang anino; katulad ko ngayo'y natuyo nang damo. Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan, di ka malilimot ng buong kinapal. Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion, pagkat dumating na ang takdang panahon, sa kalagayan niya ay dapat tumulong. Mahal pa rin siya ng iyong mga lingkod bagama't nawasak at gumuhong lubos. Ang lahat ng bansa kay Yahweh ay takot, maging mga hari sa buong sinukob. Itatayong muli ni Yahweh ang Zion, kaluwalhatian niya'y mahahayag doon. Daing ng mahirap ay iyong papakinggan, di mo tatanggihan ang kanilang kahilingan. Ito'y masusulat upang matunghayan, susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin. Mula sa itaas, sa trono mong banal, ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan. O huwag ka sanang magkubli sa akin, lalo sa panahong may dusa't bigatin. Kapag ako'y tumawag, ako'y iyong dinggin sa sandaling iyo'y agad mong sagutin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:13-14

Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila'y iligtas. Sa dakong madilim, sila ay hinango sa gitna ng lungkot, at ang tanikala sa kamay at paa ay kanyang nilagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:5-6

Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:143

Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:7

Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 142:3

Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:7-8

Nawala nang lahat ang aking pag-asa, kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na! Kung ika'y magkubli, baka ang hantungan ako ay ituring na malamig na bangkay, at ang tunguhin ko'y madilim na hukay. Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:12

Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 35:4

Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob! Darating na ang Diyos, at ililigtas ka sa mga kaaway.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29-31

Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas. Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:13

Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:13

O langit, magpuri ka sa tuwa! Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok, sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang, sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:11

Ang mga tinubos ninyo'y babalik sa Jerusalem, magsisigawan sa galak, umaawit sa tuwa. Ang mamamalas sa kanilang mukha ay walang hanggang galak, at sa puso nila ang lungkot at hapis ay mawawalang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:8-9

Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:11

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:22-23

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:31-33

Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:57-58

Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:16

Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, ngunit pupuksain ko ang mga malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nahum 1:7

Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Habakuk 3:17-19

Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:4

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25-27

“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:34

“Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:38

kaya't sinabi niya sa kanila, “Ako'y halos mamatay sa tindi ng kalungkutan. Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako sa pagpupuyat!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:6-7

“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi kinakalimutan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:22-26

Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1

“Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:27

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:18

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26-27

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:35-39

Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? Ayon sa nasusulat, “Dahil sa inyo'y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.” Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:8-9

Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:16-18

Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw. Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:11

Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15-16

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala. Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:35-36

Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5-6

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-4

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo. Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot. Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito. Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:13

May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:6-7

Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, bagama't nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:14

At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:12-13

Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:4

Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:18-19

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:10

Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:16-17

Hindi na sila magugutom ni mauuhaw man; hindi na rin sila mabibilad sa araw ni mapapaso ng anumang matinding init, sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastol nila. Siya ang gagabay sa kanila sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay, at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:4

At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:7

“Sa kagipitan ko, ako ay tumawag, ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap. Mula sa templo niya ay kanyang dininig, ang aking pagsamo at ang aking hibik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:13

Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mabuting Diyos at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon, sa ngalan ni Hesus, lumalapit ako sa'yo, dahil nais kong ialay ang aking buhay sa pagpupuri at pagsamba sa iyong paanan. Dumadaing ako sa'yo, aking Diyos ng langit, dahil ikaw lamang ang makapag-aahon sa akin mula sa balon ng kawalan ng pag-asa at makapagpapalaya sa akin sa lahat ng kaguluhan. Tulungan mo akong lubos na magtiwala sa'yo at manalig sa iyong mga pangako, ipaunawa mo sa akin na wala nang mas ligtas na lugar kundi ang manahan sa iyong presensya. Panginoong Hesus, turuan mo akong mamuhay na may bunga ng iyong Banal na Espiritu, dahil sa pamamagitan lamang niya ako magkakaroon ng lakas upang mapagtagumpayan ang lahat ng paghihirap. Tulungan mo ako, ayokong sumuko, turuan mo akong kontrolin ang aking mga damdamin, dahil hindi mo ako binigyan ng espiritu ng kaduwagan, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili upang maunawaan na ang mga panahong ito ay angkop upang lalong hanapin ang iyong presensya. Salamat Diyos, dahil ikaw ang dalubhasa sa paggawa ng disyerto na maging pinakamagandang paraiso. Ngayon, ibinibigay ko sa'yo ang aking mga pasanin at pagkabalisa, kapalit ng iyong kapayapaan at kagalakan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas