Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtanggi

109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtanggi

Alam mo, lahat tayo pwedeng makaranas ng pagkadismaya at pakiramdam na parang tinanggihan, lalo na pagkatapos ng isang hiwalayan. Normal lang 'yan. Pero bilang mga Kristiyano, mayroon tayong kapanatagan at kaliwanagan na mula sa Salita ng Diyos.

Minsan, parang nakakatakot 'yung pakiramdam na nag-iisa at parang walang kwenta ka. Pero tandaan mo, ang opinyon ng isang tao ay hindi sukatan ng iyong halaga. Huwag mong hayaang maapektuhan ang pagtingin mo sa sarili mo dahil lang sa naranasan mo.

Sa halip, hanapin mo ang lakas mo sa Diyos. Manalangin ka na palayain ka Niya sa sakit na nararamdaman mo. Lagi mong tatandaan na ang walang hanggang pagmamahal Niya ay tanggap at yakap ka, kahit pa pakiramdam mo ay pinabayaan ka na ng iba.


Mga Awit 94:14

Mga lingkod ni Yahweh ay hindi niya iiwanan, itong mga hirang niya'y hindi niya tatalikdan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:10

Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:18

“Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nito bago kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:31

Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:11

Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:9

ganito ang kanyang sagot, “Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:3

Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya. Binaliwala natin siya, na parang walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17-18

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:23-24

Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 16:7

Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:17

ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:16

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:25

Ngunit kailangan munang magdanas siya ng maraming hirap at itakwil ng salinlahing ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:3-4

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:2

Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:6

Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa, isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil. Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:4

Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:22

Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15-16

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:4-5

Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda. Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:8-9

Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1-3

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya. Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas. Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa. Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa; upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:5

Pakinggan ninyo si Yahweh, kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita: “Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin; at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo para makita namin kayong natutuwa.’ Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:11

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:3

napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa'y inibig ko na sila kaya patuloy akong magiging tapat sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:22-23

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:31-33

Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 6:1

“Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:8

Mga kaaway ko, huwag kayong magalak dahil sa nangyari sa akin! Kung ako ma'y nadapa, muli akong babangon. Kung ako ma'y nasa kadiliman, tatanglawan ako ngayon ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:10-12

“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit. “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:14

At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:42

Nagpatuloy si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:46

Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 8:31

Mula noon, itinuro ni Jesus sa mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Ang Anak ng Tao ay kailangang magdanas ng matinding hirap. Siya'y itatakwil ng mga pinuno ng bayan, ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y ipapapatay ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:22-23

“Pinagpala kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinaparatangang kayo ay masama. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:5

Kung hindi naman kayo tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang babala laban sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16-17

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:37

Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:7

Hindi kayo kapopootan ng sanlibutan, ngunit ako'y kinapopootan nila, sapagkat pinapatotohanan kong masasama ang mga gawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:18-19

“Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nito bago kayo. Kung kayo'y taga-sanlibutan, kayo'y mamahalin nito bilang kanya. Ngunit hindi kayo taga-sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:11

Ang Jesus na ito ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 7:35

“Itinakwil nila ang Moises na ito nang kanilang sabihin, ‘Sino ang naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin?’ Ngunit ang Moises ding iyon ang isinugo ng Diyos upang mamuno at magligtas sa kanila, sa tulong ng anghel na nagpakita sa kanya sa mababang punongkahoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:15

Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumunta ka roon, sapagkat siya'y pinili ko upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1

Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:33

tulad ng nasusulat, “Tingnan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran, isang malaking bato na sa kanila'y magpapabuwal. Ngunit ang sumasampalataya sa batong ito ay hindi mapapahiya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:28

Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:10

Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako'y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:8-9

Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:10

Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:4-5

Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, pinili niya tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kanyang layunin at kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:6

Sa gayon ay purihin ang kaluwalhatian ng kanyang kagandahang-loob na sagana niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:10

Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19

Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:12

Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo at sa pamamagitan ng ating pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:13-14

Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:3

sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:23-24

Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 2:16-17

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:16-17

Sa unang pagharap ko sa hukuman ay walang sumama sa akin; pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15-16

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala. Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:35-36

Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5-6

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-4

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo. Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot. Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito. Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:7-8

Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:4-5

Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin. Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:14

At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:1

Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:4

Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:18-19

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:4

sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:20

Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1-2

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit. Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin. Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko. Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa.” Sinabi pa ni Yahweh, ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel: “Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo. Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang! Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat, upang maging kalsadang tawiran. Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo. Nilipol niya ang kanilang mga kabayo. At ang kanilang mga karwahe'y winasak; sila'y nabuwal at hindi na nakabangon; parang isang ilaw na namatay ang dingas.” Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:22

Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:8

O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:8

Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1-2

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah) Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1

“Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:6-7

Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa. Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:23

Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang walang hanggan! Pupurihin kita sapagkat Ikaw ay makatarungan, banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama, turuan mo ako araw-araw na manatiling nakapokus sa iyong presensya at maunawaan na Ikaw ang aking pinakadakilang halimbawa, na ang mga pagtanggi ay hindi nagbibigay kahulugan sa akin, bagkus lalo pa akong tinutulak nito palapit sa aking layunin. Turuan mo akong maging katulad Mo, na ang pinakamahalaga para sa akin ay ang pagtupad sa kalooban ng Ama, hindi ang pagtanggap ng mga tao, sapagkat sa Iyo nanggaling, ngunit hindi Ka tinanggap ng Iyong bayan. Tulungan mo akong manatiling matatag sa harap ng mga pagtanggi, na huwag hayaang maliitin o takutin ako ng mga atake ng kaaway, dahil hindi mo ako binigyan ng espiritu ng kaduwagan, kundi ng pag-ibig, kapangyarihan, at disiplina sa sarili. Salamat Ama, sapagkat binigyan mo ako ng pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos at binalutan mo ako ng iyong Banal na Espiritu upang madaig ang mga takot at kawalan ng kapanatagan. Ngayon ay hinihiling ko na bantayan Mo ang aking puso at bigyan mo ako ng lakas at tibay upang hindi ko hayaang tumimo sa aking puso ang mga pagtanggi. Ipaunawa Mo sa akin na ako'y nilikha na may layunin at ang mga panghahamak ay bahagi nito sa aking buhay. Ngayon ay itinatakwil ko ang lahat ng pag-iisip ng pagkatalo at kabiguan, idinedeklara ko ang aking sarili na malaya sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas