Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


71 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kapangyarihan ng Dila

71 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kapangyarihan ng Dila

Isipin mo, ang bawat salitang lumalabas sa bibig natin, 'yan ang tunay na laman ng ating puso. Hindi natin masasabing naglilingkod tayo sa Diyos kung puro panlalait at pagmumura ang lumalabas sa ating bibig para sa mga nilikha Niya. Napakalakas ng kapangyarihan ng bawat salitang binibitawan natin.

Binigyan tayo ng Panginoon ng kakayahang magsalita, at nasa atin ang responsibilidad kung paano natin ito gagamitin. Sa tulong ng Espiritu Santo, magagawa nating gamitin ang ating dila sa paraang kalugod-lugod sa ating Ama sa Langit. Hindi tayo magsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan, na hindi nakakapagpatibay at nakakadagdag lang ng dumi sa ating kaluluwa. Bagkus, ang mga salitang lalabas sa atin ay yaong puno ng karunungan na mula sa Kanya.

Mag-ingat tayo araw-araw sa mga sinasabi natin. Iwasan natin ang pagsasalita laban sa mga utos ng Panginoon. Layuan natin ang tsismis, intriga, at paninira. Sa halip, sikapin nating mamuhay nang mapayapa at maayos sa lahat ng tao sa ating paligid. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ni Hesus ang dadaloy sa ating puso at magiging kalugod-lugod ang bawat salitang lalabas sa ating bibig.

Tandaan, sa pangalan ni Hesus, lahat ng bagay ay posible. Maaari tayong maging instrumento ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating mga salita kung magpapa-gabay tayo sa Espiritu Santo. Gamitin natin sa kabutihan ang kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Diyos at magmahalan tayo bilang mga anak Niya. Maging tunay na repleksyon tayo ni Hesus dito sa lupa.

Sa panahon ng pagsubok, alalahanin natin ang kapangyarihan ng ating mga salita. Sabihin natin sa ating sarili, "Bantayan ko ang mga salitang lalabas sa aking bibig." Ito ang pagkakataon para mamatay tayo sa ating sarili at mabuhay para kay Hesus.

Dapat ipakita ng ating mga salita ang kapangyarihan ng biyaya ng Diyos at ang buhay na may Espiritu Santo. Nawa'y bigyan tayo ng Panginoon ng kakayahang gamitin ang ating dila bilang instrumento ng Kanyang kapangyarihan at kaligtasan.


Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:2

Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30

Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan; at sa labi nila'y pawang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:37

Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:2

Ikaw ba ay nangako, sa utang niya ay nasangkot?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5

Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:23

Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:4

Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan, parang dagat na malalim at malamig na batisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:6

Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:8

ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:27

Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:19

Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:3

Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:11

Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay, ngunit labi ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:4

silang laging nagsasabi, “Kami'y magsasalita ng nais namin; at sa gusto nami'y walang makakapigil!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:7

Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan; kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:7

tapat na pananalita, at kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:2

Balak mo'y wasakin ang iba, ng iyong matalim na dila ng pagsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:6

Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5-6

Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:19

Kapag iniharap na kayo sa hukuman, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magsasalita sapagkat ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon ang inyong sasabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:12

Ang mga salita ng matalino ay nag-aani ng karangalan, ngunit napapahamak ang mangmang dahil sa kanyang mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:1

Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:11

Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:14

Ang taong may unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang mangmang ay nasisiyahan na sa kanyang kahangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:4

Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:18

Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13-14

Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:4

Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:28

Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:34-37

Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. “Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:11

Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:8

Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:172

Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:10

Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:45

Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:20-21

Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol. Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:4

Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin, para tulungan ang mahihina. Tuwing umaga'y nananabik akong malaman kung ano ang ituturo niya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:9

Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:11

Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:28

Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:20

Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pabigla-bigla sa pananalangin. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Mag-ingat ka sa pagsasalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:1

Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 120:2

Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:27-28

Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14

Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:3

Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas, tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:1-2

Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat. Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa langit, kundi makalupa, makalaman at mula sa demonyo. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan. Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:12

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:6

May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal at kagila-gilalas ang Iyong pangalan, walang kapantay ang Iyong kabanalan! Sa ngalan ni Hesus, hinihiling ko po na palayain ako sa lahat ng kasamaan ng aking dila at tulungan akong putulin ang lahat ng sumpa na lumabas sa aking bibig. Espiritu Santo, turuan mo po akong magbasbas sa iba at huwag igapos ng mga salita ng aking bibig, tulungan mo akong baguhin ang aking pag-iisip at pananalita, gamitin ang aking bibig upang magtayo at hindi magwasak, upang magpala at hindi sumumpa, upang magpagaling at hindi manakit. Sabi ng Iyong salita: "Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang umiibig doon ay kakain ng bunga niyaon." Panginoon, nasaan man ako, nawa'y mabuksan ko ang aking mga labi upang magbigay ng lakas sa buhay ng iba, nawa'y maging instrumento ako ng pagbabago upang makapaghatid ng pagkakaiba bilang anak ng Diyos. Pinagpapala ko po ang buhay ng aking asawa, ang buhay ng aking mga anak at pamilya at mga kaibigan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas