Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


71 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kapangyarihan ng Dila

71 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kapangyarihan ng Dila

Isipin mo, ang bawat salitang lumalabas sa bibig natin, 'yan ang tunay na laman ng ating puso. Hindi natin masasabing naglilingkod tayo sa Diyos kung puro panlalait at pagmumura ang lumalabas sa ating bibig para sa mga nilikha Niya. Napakalakas ng kapangyarihan ng bawat salitang binibitawan natin.

Binigyan tayo ng Panginoon ng kakayahang magsalita, at nasa atin ang responsibilidad kung paano natin ito gagamitin. Sa tulong ng Espiritu Santo, magagawa nating gamitin ang ating dila sa paraang kalugod-lugod sa ating Ama sa Langit. Hindi tayo magsasalita ng mga bagay na walang kabuluhan, na hindi nakakapagpatibay at nakakadagdag lang ng dumi sa ating kaluluwa. Bagkus, ang mga salitang lalabas sa atin ay yaong puno ng karunungan na mula sa Kanya.

Mag-ingat tayo araw-araw sa mga sinasabi natin. Iwasan natin ang pagsasalita laban sa mga utos ng Panginoon. Layuan natin ang tsismis, intriga, at paninira. Sa halip, sikapin nating mamuhay nang mapayapa at maayos sa lahat ng tao sa ating paligid. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ni Hesus ang dadaloy sa ating puso at magiging kalugod-lugod ang bawat salitang lalabas sa ating bibig.

Tandaan, sa pangalan ni Hesus, lahat ng bagay ay posible. Maaari tayong maging instrumento ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating mga salita kung magpapa-gabay tayo sa Espiritu Santo. Gamitin natin sa kabutihan ang kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Diyos at magmahalan tayo bilang mga anak Niya. Maging tunay na repleksyon tayo ni Hesus dito sa lupa.

Sa panahon ng pagsubok, alalahanin natin ang kapangyarihan ng ating mga salita. Sabihin natin sa ating sarili, "Bantayan ko ang mga salitang lalabas sa aking bibig." Ito ang pagkakataon para mamatay tayo sa ating sarili at mabuhay para kay Hesus.

Dapat ipakita ng ating mga salita ang kapangyarihan ng biyaya ng Diyos at ang buhay na may Espiritu Santo. Nawa'y bigyan tayo ng Panginoon ng kakayahang gamitin ang ating dila bilang instrumento ng Kanyang kapangyarihan at kaligtasan.


Mga Kawikaan 18:21

Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:2

Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30

Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:37

Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:2

Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5

Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:23

Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:4

Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:6

At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:8

Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:27

Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:19

Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:3

Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:11

Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:4

Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:7

Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:7

Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:2

Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:6

Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5-6

Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy! At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:19

Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:12

Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:1

Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:11

Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:14

Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:4

Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:18

May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13-14

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:4

Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:28

At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:34-37

Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay. At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19

Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:11

Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:8

Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:172

Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:10

Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:45

Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:20-21

Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:4

Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:9

Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:11

Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:28

Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:20

Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:1

Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 120:2

Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:27-28

Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14

Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:3

Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak, at pinahilagpos ang kanilang mga palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:1-2

Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol. Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon. Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait? Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig. Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan. Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama. Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw. At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan. Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:12

Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:6

Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal at kagila-gilalas ang Iyong pangalan, walang kapantay ang Iyong kabanalan! Sa ngalan ni Hesus, hinihiling ko po na palayain ako sa lahat ng kasamaan ng aking dila at tulungan akong putulin ang lahat ng sumpa na lumabas sa aking bibig. Espiritu Santo, turuan mo po akong magbasbas sa iba at huwag igapos ng mga salita ng aking bibig, tulungan mo akong baguhin ang aking pag-iisip at pananalita, gamitin ang aking bibig upang magtayo at hindi magwasak, upang magpala at hindi sumumpa, upang magpagaling at hindi manakit. Sabi ng Iyong salita: "Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang umiibig doon ay kakain ng bunga niyaon." Panginoon, nasaan man ako, nawa'y mabuksan ko ang aking mga labi upang magbigay ng lakas sa buhay ng iba, nawa'y maging instrumento ako ng pagbabago upang makapaghatid ng pagkakaiba bilang anak ng Diyos. Pinagpapala ko po ang buhay ng aking asawa, ang buhay ng aking mga anak at pamilya at mga kaibigan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas