Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


113 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa mga Huling Araw ng Katapusan

113 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa mga Huling Araw ng Katapusan

Tungkol sa Aklat ng Pahayag, sinasabing propesiya ito, na naglalaman ng mga mangyayari bago matapos ang mundo. Pero para sa atin na naniniwala kay Hesus bilang ating Diyos at Tagapagligtas, hindi natin dapat katakutan ang mga darating, kundi magtiwala tayo na mabubuhay tayo nang walang hanggan kasama ang ating Ama sa Langit, na puno ng pagmamahal at pagsamba sa Kanya magpakailanman.

Sinasabi sa Biblia ang tungkol sa muling pagparito ni Kristo, ang panahon na babalik si Hesus para sa Kanyang Iglesia, at tayong lahat na sumasampalataya sa Kanya ay mabubuhay kasama Niya magpakailanman. Kaya naman, hinihikayat kita na higit sa lahat, bantayan mo ang iyong puso, maging laging handa, at panatilihin ang malapit na relasyon sa Espiritu Santo para manatiling matatag ka, hindi malito, at maging handa sa pagharap sa mga darating na araw.


2 Timoteo 3:1

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:1

Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:6

Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:3-4

Una sa lahat, dapat ninyong malaman na sa mga huling araw ay pagtatawanan kayo ng mga taong namumuhay ayon sa sarili nilang pagnanasa. Sasabihin nila, “Nangako siyang darating, hindi ba? Nasaan na siya? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago buhat nang likhain ang mundong ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 4:1

Darating ang panahon, na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok. Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:25-26

“Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:14

Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:2-3

sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. Huwag ninyong baliwalain ang anumang pahayag mula sa Diyos. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at panghawakan ang mabuti. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan. Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito. Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami. Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang mga minamahal na kapatid kay Cristo. Inaatasan ko kayo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:2

Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:22

At kung hindi pinaikli ng Diyos ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ng Diyos ang mga araw na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:1-5

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito! At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:20

Itinalaga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 3:5

Pagkatapos, magbabalik-loob sila kay Yahweh na kanilang Diyos at kay David na kanilang hari. Sa mga huling araw, nanginginig silang lalapit kay Yahweh at malalasap nila ang kanyang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:17-18

‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip. Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae, at ipahahayag nila ang aking mensahe.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:36-39

“Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man]. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:12

At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:1-3

Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito. Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon. Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan. Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat. Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. Huwag ninyong baliwalain ang anumang pahayag mula sa Diyos. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at panghawakan ang mabuti. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan. Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito. Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami. Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang mga minamahal na kapatid kay Cristo. Inaatasan ko kayo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:25-28

“Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 13:7-8

Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga usap-usapan tungkol sa digmaan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. Sapagkat maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng isang nanganganak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:10-12

Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala. At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang dumating agad ang araw na ang kalangitan ay matutupok at ang mga bagay na naroroon ay matutunaw sa matinding init.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:3

Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:11-12

Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:21-22

Sapagkat sa mga araw na iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. At kung hindi pinaikli ng Diyos ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ng Diyos ang mga araw na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:10

Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 12:4

Daniel, ingatan mo muna ang mga pahayag na ito at isara ang aklat upang hindi ito mabuksan hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Marami ang magsasaliksik at magsisikap na maunawaan ang maraming bagay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:26-30

Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Ang mga tao noo'y nagsisikain, nagsisiinom at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na sumakay si Noe sa barko. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayundin ang nangyari noong panahon ni Lot. Ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:18

Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:2-4

Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at paniki, ang mga rebultong yari sa ginto at pilak na ginawa nila upang kanilang sambahin. Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga bitak ng matatarik na burol, upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan, kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig. Huwag ka nang magtitiwala sa kapangyarihan ng tao. Siya ay hininga lamang, at tiyak maglalaho. Ano nga ba ang maitutulong niya sa iyo? Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:11-15

Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 14:1-2

Darating ang araw na pababayaan ni Yahweh na mapasok ang Jerusalem, at lahat ng masasamsam ay paghahati-hatian sa harapan ninyo. Ang buong lupain ay gagawing kapatagan mula sa Geba hanggang Rimon, sa timog ng Jerusalem. Ngunit ang Jerusalem ay mananatiling mataas mula sa pintuan ng Benjamin, sa lugar ng dating pintuan, hanggang sa pintuan sa sulok, mula sa bantayan ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas sa hardin ng palasyo. Mapupuno ito ng mga mamamayan, at hindi na ito isusumpa pang muli. Ito'y paghaharian na ng kapayapaan. Ang mga lulusob sa Jerusalem ay padadalhan ni Yahweh ng kakila-kilabot na sakit; buháy pa sila ay mabubulok na ang kanilang laman, mata at dila. Paghaharian sila ng malaking kaguluhan, at sila-sila'y maglalaban. Lulusubin sila ng mga taga-Juda upang ipagtanggol ang Jerusalem at sasamsamin ang maiiwanan nilang kayamanang ginto, pilak at mga kasuotan. Padadalhan din niya ng salot ang kanilang mga kabayo, mola, kamelyo, asno at iba pang mga hayop. Kapag nalupig na ang mga kaaway, lahat ng nakaligtas sa labanan at sa salot ay pupunta sa Jerusalem taun-taon upang sumamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Dakilang Hari, at makikisama sa pagdiriwang ng Pista ng mga Tolda. At alinmang bansang hindi sumasamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Hari, ay hindi makakaranas ng ulan. Kapag ang mga Egipcio ay di pumunta sa Jerusalem, padadalhan din sila ng salot tulad ng ipinadala sa mga bansang hindi nakiisa sa pagdiriwang ng Pista ng mga Tolda. Iyan ang ipaparusa sa Egipto at sa mga bansang hindi makikiisa sa pagdiriwang ng nasabing pista. Pagkakaisahin ko ang mga bansa laban sa Jerusalem. Lulusubin nila ito, hahalughugin ang lahat ng bahay, at gagahasain ang mga babae. Ipapatapon ang kalahati sa mga taga-Jerusalem at iiwanan ang kalahati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:29-30

“Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?” Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:25

Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:10-11

Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 6:12-17

Nang alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo. Nalaglag mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin. Naglaho ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga isla. Nagtago sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya. At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami at ikubli ninyo kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at sa poot ng Kordero! Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:6-9

Manangis kayo sapagkat malapit na ang araw ni Yahweh, darating na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan. Sa araw na iyon, manghihina ang lahat ng kamay. Manlulupaypay ang lahat ng tao, ang lahat ng tao'y masisindak, at manginginig sa takot, makadarama sila ng paghihirap, tulad ng isang babaing manganganak. Matatakot sila sa isa't isa; mamumula ang kanilang mukha dahil sa kahihiyan. Dumarating na ang araw ni Yahweh, malupit ito at nag-aalab sa matinding poot, upang wasakin ang lupain at ang masasama ay lipulin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:31-33

“Sa maluwalhating pagdating ng Anak ng Tao, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. Tipunin sa harapan niya ang lahat ng mga bansa at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1-3

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah) Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:3-4

Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:44

Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:1-2

Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, At sinabi rin niya sa akin, “Huwag mong ililihim ang mga propesiya na nasa aklat na ito, sapagkat malapit nang maganap ang mga ito. Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang namumuhay sa kalooban ng Diyos ay magpatuloy sa gayong pamumuhay at ang banal sa pagiging banal.” At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” Pinagpala ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. Subalit maiiwan sa labas ng lungsod ang mga asal-aso, ang mga mangkukulam, ang mga nakikiapid, ang mga mamamatay-tao, ang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang mga mahilig magsinungaling at mandaya. “Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako ang ugat at supling ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.” Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad. Akong si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito: sa sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. Ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisan ng Diyos ng karapatang makibahagi sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lungsod na binabanggit dito. at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ito'y namumunga ng labindalawang (12) uri ng bunga, isang uri sa bawat buwan. Nakapagpapagaling sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:54-56

Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong kumakapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyo agad na uulan, at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hangin mula sa katimugan ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakaganoon nga. Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:17-21

‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos, ‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip. Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae, at ipahahayag nila ang aking mensahe. Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at mga himala sa lupa; dugo, apoy at makapal na usok. Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. Ang araw ay magdidilim, ang buwan ay pupulang parang dugo, bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon. At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:18

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:22

Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:34-36

“Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:7

Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 16:15

“Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:27

Ang haring ito'y gagawa ng isang matibay na kasunduan sa maraming tao sa loob ng isang linggo. Pagkaraan ng kalahating linggo, papatigilin niya ang paghahandog. Ilalagay niya sa itaas ng Templo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan. Mananatili ito roon hanggang sa wakasan ng Diyos ang naglagay nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 38:16

Ang Israel ay sasalakayin ninyo, tulad ng rumaragasang bagyo. Ipapalusob ko sa iyo ang aking bayan upang ipakilala sa mga bansa kung sino ako, at upang sa pamamagitan mo'y maipakita sa kanila na ako ay banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:16-17

Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:37-39

Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:52

sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:18

Galit na galit ang mga bansang di-kumikilala sa iyo, dahil dumating na ang panahon ng iyong poot, ang paghatol sa mga patay, at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo, dakila man o hamak. Panahon na upang wasakin mo ang mga nagwawasak sa daigdig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 2:3-4

Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:1-6

Ang daigdig ay wawasakin ni Yahweh, sasalantain niya ang mga lupain at pangangalatin ang mga tao. Magulo ang lunsod na winasak; ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok. Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak, nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan; lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa. Naguho na ang buong lunsod, ang pinto nito'y nagkadurug-durog. Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig; parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga, tulad ng ubasan matapos ang anihan. Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan, mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh. Pupurihin siya doon sa silangan, at ipagbubunyi ang pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa baybayin ng dagat. May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig, bilang papuri sa Diyos na Matuwid. Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako. Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa. Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil. Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.” Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag. Sinumang tumakas dahil sa takot, sa balong malalim, doon mahuhulog. Pag-ahon sa balon na kinahulugan, bitag ang siyang kasasadlakan. Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit, at mauuga ang pundasyon ng daigdig. Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari, alipin at panginoon; alila at may-ari ng bahay, nagtitinda't namimili, nangungutang at nagpapautang. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman. Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh ang hukbo ng kasamaan sa himpapawid, gayundin ang mga hari dito sa daigdig. Tulad ng mga bilanggo, ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon; ikukulong sila sa piitang bakal, at paparusahan pagkaraan ng maraming araw. Mawawala ang liwanag ng araw at buwan, at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem. Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan. Mawawasak ang daigdig at wala nang papakinabangin dito; mangyayari ito sapagkat sinabi ni Yahweh. Matutuyo at malalanta ang lupa, manghihina ang buong sanlibutan. Ang langit at ang lupa ay mabubulok. Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito dahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos; at nilabag ang kanyang mga utos; winasak nila ang walang hanggang tipan. Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig, at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan, mababawasan ang mga naninirahan sa lupa; kaunti lamang ang matitira sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:20-24

“Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. Sapagkat iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan. Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito at darating ang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito. Mamamatay sila sa tabak, at ang iba'y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:30

‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 12:3

Sa araw na iyon, ang mga bansa ay magkakaisa laban sa Jerusalem ngunit gagawin ko itong tulad sa isang malaking bato na mahirap galawin. Sinumang gumalaw nito ay naghahanap ng sakit ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 7:25

Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Tatangkain niyang baguhin ang kautusan at mga takdang kapanahunan. Ang mga hinirang ng Diyos ay ipapailalim sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tatlong taon at kalahati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:12

Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 13:7

Pinahintulutan din siyang digmain at lupigin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:11

At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kabanalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:19-20

Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari, alipin at panginoon; alila at may-ari ng bahay, nagtitinda't namimili, nangungutang at nagpapautang. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:1-13

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan. Kaya't lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto. “Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila. “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.’” Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:10-11

Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumitaw sa tabi nila. Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:11-16

Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:1-3

Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala? Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo: Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan. Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang: Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:9

Huwag kayong matatakot kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi kaagad darating ang wakas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:14-15

sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:10-12

Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas, at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 12:2-3

Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan. Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:10

at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:3

Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:4

sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:23

Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:15-20

“Kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa), ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, ang nasa bubungan ay huwag nang mag-aksaya ng panahon na kumuha pa ng kahit ano sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!” Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:19

Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at daigin ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:7

At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Pinagpala ang sumusunod sa mga salita ng propesiya na nasa aklat na ito!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:8-9

Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:114

Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang, ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:17

Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:13-16

“Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:4

At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Sila'y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong (1,000) taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:4-6

Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim. Kaya nga, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:4

Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili para sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:19

Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:7

Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Magkagayon nawa. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:31

Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:9

Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano paparusahan ang masasama hanggang sa araw na sila'y hatulan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:12

Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:37

Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang, hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:15

sapagkat bibigyan ko kayo ng pananalita at karunungang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:20-23

Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan. Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan, sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat. Sa takdang panahon, ang buong bansa ay wawakasan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:25

Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:20

Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:10-12

Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo: Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:64

Sumagot si Jesus, “Kayo na ang nagsabi. At sinasabi ko sa inyo, di na magtatagal at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos at dumarating na nasa alapaap!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 6:17

Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:6-9

Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit. Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain, ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas, hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong. Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:1

Alam naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:4

Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:27

Ang mga salitang “Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:1-4

Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. Napasailalim ako sa kapangyarihan ng Espiritu, at ako'y dinala ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaluwalhatian ng Diyos; kumikislap na parang batong hiyas, gaya ng jasper, at sinlinaw ng kristal. Ang pader nito'y makapal, mataas at may labindalawang (12) pinto, at sa bawat pinto ay may isang anghel. Nakasulat sa mga pinto ang mga pangalan ng labindalawang (12) lipi ng Israel, isang pangalan bawat pinto. May tatlong pinto ang bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang (12) pundasyon at nakasulat sa mga ito ang mga pangalan ng labindalawang (12) apostol ng Kordero. Ang anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang sukatin ang lungsod, gayundin ang mga pinto at ang pader nito. Parisukat ang ayos ng lungsod, kung ano ang haba, ganoon din ang luwang. Sinukat ng anghel ang lungsod, at ang lumabas na sukat ng lungsod ay dalawang libo apatnaraang (2,400) kilometro ang haba at ang luwang, gayundin ang taas. Sinukat din niya ang pader at animnapu't limang (65) metro naman ang taas nito, ayon sa panukat na dala ng anghel. Batong jasper ang pader, at ang lungsod ay lantay na gintong kumikinang na parang kristal. Ang saligan ng pader ay punô ng lahat ng uri ng mamahaling bato. Jasper ang una, safiro ang ikalawa, kalsedonia ang ikatlo, esmeralda ang ikaapat, At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. onise ang ikalima, kornalina ang ikaanim, krisolito ang ikapito, berilo ang ikawalo, topaz ang ikasiyam, krisopraso ang ikasampu, hasinto ang ikalabing-isa, at amatista ang ikalabindalawa. Perlas ang labindalawang (12) pinto, bawat pinto ay yari sa iisang perlas. Purong ginto ang lansangan ng lungsod at kumikinang na parang kristal. Wala akong nakitang templo sa lungsod sapagkat ang nagsisilbing templo roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag doon at ang Kordero ang siyang ilawan. Sa liwanag nito'y lalakad ang lahat ng tao, at dadalhin doon ng mga hari sa lupa ang kanilang kayamanan. Hindi isasara ang mga pinto ng lungsod sa buong maghapon, at hindi na sasapit doon ang gabi. Dadalhin sa lungsod ang yaman at dangal ng mga bansa, ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi, ni ang mga gumagawa ng kasuklam-suklam, ni ang mga sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang makakapasok sa lungsod. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang mabuti at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon! Pinupuri ka po namin dahil Ikaw ay Matuwid, Banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama, lumalapit po ako sa Iyo sa pangalan ni Hesus upang magpasalamat at purihin ang Iyong pangalan. Dalangin ko po, mahal na Diyos, sa mga huling araw na ito na ating kinabubuhayan, nawa'y patnubayan po ng Iyong Banal na Espiritu ang aking mga hakbang at ako'y patnubayan sa landas ng katuwiran. Itatag mo po ang Iyong kaharian sa aking buhay at sa aking pamilya upang kami ay manatiling nakakapit sa Iyong presensya, sa Iyong salita, at sa Iyong tinig. Ilayo mo po ako, Panginoon, sa mga kasamaan ng mundong ito at linisin mo po ang aking puso araw-araw sa pamamagitan ng Iyong presensya. Hinihiling ko po na ako'y maging anak na nakakaunawa sa panahon, na sumusunod sa Iyong kalooban sa bawat aspeto ng aking buhay at namumuhay nang may integridad sa harap Mo at ng mga nakapaligid sa akin. Ikaw ang aking katulong, Banal na Espiritu, at pinaniniwalaan ko po sa aking puso ang sinasabi ng Iyong salita: "Siya ang nagpapatatag ng aking mga paa na parang paa ng usa, at nagpapatatag sa akin sa matataas na dako. Siya ang nagsasanay ng aking mga kamay sa pakikidigma, upang ang aking mga bisig ay makapagbuka ng busog na tanso." Huwag mo po akong hayaang mahulog sa tukso, iligtas mo po ako sa kasamaan, ingatan mo po ang aking mga mata mula sa kawalang-kabuluhan at kasakiman. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas