Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa La Plata

107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa La Plata

Minsan, napapagod din tayo sa mga problema natin, lalo na sa pera, kasi karamihan sa atin, kailangan talaga natin ng sapat na pera para sa pang-araw-araw. Pero, bilang mga anak ng Diyos, dapat nating ilapit ang mga problema natin, pati na 'yung sa pera, sa Banal na Kasulatan, kasi doon lang natin makikita ang sagot na kailangan natin mula sa Panginoon. Manalangin tayo na ang salita ng Diyos ay maging liwanag sa ating landas at tanglaw sa ating mga paa. “Ang Diyos ang ating kanlungan at kalakasan, handang saklolo sa oras ng kagipitan. Kaya't hindi tayo matatakot kahit magunaw ang mundo, kahit gumuho ang mga bundok sa kailaliman ng dagat.” (Awit 46:1-2)


1 Mga Cronica 22:16

ginto, pilak, tanso at bakal. Simulan mo na ngayon ang gawain at tulungan ka nawa ni Yahweh!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:33

Hindi ko hinangad ang ginto, pilak o pananamit ninuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 28:4

Sa dunong mo't kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:19

Ang bunga ko ay higit pa sa gintong dinalisay, mataas pa kaysa pilak ang halagang tinataglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:9

Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 13:2

Mayaman na noon si Abram; marami na siyang mga tupa, kambing at baka. Marami na rin siyang naipong ginto at pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:9

Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula na hinabi naman ng manghahabing sanay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 20:16

Ito naman ang sinabi niya kay Sara: “Binibigyan ko ang iyong kapatid ng sanlibong pirasong pilak, bilang katunayan na ang dangal mo'y hindi nadungisan. Sa gayon, hindi iisipin ninuman na ikaw ay may ginawang masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:11

Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:16

Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 7:19

Ipinagtatapon na sa lupa ang kanilang pilak. Ang mga ginto'y wala nang halaga. Ang pilak at ginto nila'y walang maitulong sa kanila sa araw ng poot ni Yahweh. Hindi mapawi ng mga ito ang kanilang gutom, hindi nila ito makain. Ibinagsak sila ng sariling kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 13:9

Ang mga ito'y padadaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang ako ang kanilang Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 23:15-16

“Apatnaraang pirasong pilak po ang halaga ng lupa. Huwag na nating pag-usapan; basta't paglibingan na ninyo.” Nagkasundo sila. Sa harapan ng mga tao'y tumimbang si Abraham ng halagang apatnaraang pirasong pilak, ayon sa halaga ng salaping umiiral noon sa pamilihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:35

Pinagpala ni Yahweh ang aking panginoon. Pinarami ang kanyang mga kawan ng tupa, kambing at baka. Pinagkalooban rin siya ng maraming pilak at ginto, mga aliping babae at lalaki, mga kamelyo at asno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 37:28

Kaya't nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 42:25

Iniutos ni Jose na punuin ng trigo ang kanilang mga sako at ilagay doon ang salaping ibinayad nila. Pinabigyan pa sila ng makakain sa kanilang paglalakbay. Nasunod lahat ang utos ni Jose.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 44:8

Nakita naman ninyo, nakarating na kami sa Canaan, gayunma'y ibinalik pa rin namin sa inyo ang salaping nakita namin sa loob ng aming sako. Bakit kami magnanakaw ng pilak o ginto sa tahanan ng inyong panginoon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 3:22

Ang inyong mga kababaihan ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga Egipciong kapitbahay at sa sinumang Egipciong babaing kasama nila sa bahay. Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Sa ganitong paraan ay mapapasa-inyo ang ari-arian ng mga Egipcio.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 11:2

Sabihin mo sa mga Israelita, babae man o lalaki, na humingi sila ng mga alahas na pilak o ginto sa kanilang mga kapitbahay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:35-36

Noo'y nahingi na nila sa mga Egipcio ang mga alahas na pilak at ginto at mga damit, tulad ng iniutos sa kanila ni Moises. Ibinigay ng mga Egipcio ang anumang hingin ng mga Israelita sapagkat niloob na ni Yahweh na sila'y igalang ng mga ito. Sa ganitong paraan, nasamsam nila ang kayamanan ng mga Egipcio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:23

Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyosan, pilak man o ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:32

Kung alipin ang napatay sa suwag, ang amo ng alipin ay babayaran ng may-ari ng baka; tatlumpung pirasong pilak ang ibabayad at babatuhin ang baka hanggang sa mamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:17

Kung hindi pumayag ang ama na ipakasal ang babae, ibibigay na lang sa ama ang halagang katumbas ng dote.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 25:3

Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 26:19

at ikabit sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat haligi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 30:16

Lahat ng ibabayad nila ay gagamitin sa mga kailangan sa Toldang Tipanan. Ang halagang ibibigay nila'y pantubos ng kanilang buhay, at sa pamamagitan nito, maaalala ko ang mga Israelita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:5

Maghandog kayo kay Yahweh. Ito ang maaari ninyong ihandog: ginto, pilak at tanso;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 36:24

at apatnapung patungang pilak na may suotan ng mitsa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 5:15

“Kung ang sinuma'y makalimot magbigay ng anumang nauukol kay Yahweh, mag-aalay siya ng handog na pambayad sa kasalanan. Maghahandog siya ng isang lalaking tupa na walang kapintasan. Itatakda mo ang halaga nito ayon sa sukatang itinakda ng santuwaryo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 22:11

Ngunit ang aliping binili niya, o ipinanganak sa kanyang tahanan ay maaaring kumain niyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:3

Kung anak na lalaki, mula sa dalawampu hanggang animnapung taóng gulang, ito ay susuriin upang palitan o tubusin sa halagang limampung pirasong pilak ayon sa timbangan sa santuwaryo

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:16

“Kung isang bahagi ng lupang minana ang ipinangako, ang itutubos ay batay sa dami ng maaani doon: limampung pirasong pilak sa bawat malaking sisidlan ng sebada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:25

Ang halaga ng pantubos ay batay sa timbangan ng santuwaryo. Bawat pirasong pilak ay katumbas ng labindalawang gramo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 3:50

Ang kabuuang nalikom ay umabot sa 1,365 pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 18:16

isang buwan matapos isilang. Ang tubos sa bawat isa ay limang pirasong pilak, ayon sa timbangan ng templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 31:22

ang mga ginto, pilak, tanso, bakal, lata at lahat ng hindi masusunog ay pararaanin sa apoy para luminis. Pagkatapos, huhugasan ito ayon sa Kautusan. Lahat ng maaaring masunog ay lilinisin sa pamamagitan ng tubig ayon sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:25

Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan. Huwag ninyong pagnanasaan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon sapagkat ito ang magiging patibong sa inyo dahil iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:13

at marami nang alagang hayop, at marami nang naipong pilak at ginto,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 17:17

Hindi siya dapat mag-asawa ng marami at baka siya makalimot kay Yahweh; ni hindi siya dapat magpayaman sa panahon ng paghahari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:19

Bukod doon, siya'y pagmumultahin ng sandaang pirasong pilak at ito'y ibibigay sa ama ng babae dahil sa ginawa niyang paninirang-puri sa isang babaing Israelita. Sila'y mananatiling mag-asawa, at ang babae'y hindi maaaring palayasin at hiwalayan ng lalaki habang siya'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 23:19-20

“Huwag kayong magpapautang nang may tubo sa inyong kapwa Israelita, maging pera, pagkain o anumang maaaring patubuan. “Sinumang anak sa labas ay hindi maaaring ibilang sa sambayanan ni Yahweh, hanggang sa ikasampung salin ng kanyang lahi. Maaari ninyong patubuan ang mga dayuhan ngunit hindi ang inyong kapwa Israelita upang pagpalain kayo ni Yahweh sa inyong mga gawain pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 25:13-15

“Huwag kayong gagamit ng dalawang uri ng pabigat sa timbangan, isang mabigat at isang magaan. Huwag din kayong gagamit ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit. Ang tamang pabigat ang gagamitin ninyo sa timbangan, at ang gagamiting takalan ay iyong husto sa sukat upang mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 6:19

Ngunit ang lahat ng bagay na yari sa ginto, pilak, tanso, o bakal ay nakalaan para kay Yahweh, at dapat ilagay sa kabang-yaman ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 7:21

Sa mga bagay na nasamsam ko sa Jerico, may nakita akong isang mamahaling balabal na yari sa Babilonia, halos walong librang pilak, at isang baretang ginto na mahigit pang dalawang libra. Kinuha ko ang mga iyon at ibinaon sa lupa, sa loob ng aking tolda. Nasa kailaliman po ang pilak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 17:2-4

Minsan, sinabi niya sa kanyang ina, “Nang mawala ang 1,100 ninyong pilak, narinig kong sinumpa ninyo ang nagnakaw. Ako po ang kumuha. Heto po, isinasauli ko na sa inyo.” Pagkatanggap sa mga pilak, sinabi ng ina, “Pagpalain ka ni Yahweh, anak ko. Ang mga pilak na ito'y inihahandog ko kay Yahweh upang gawing imahen para hindi mangyari sa aking anak ang sumpa.” “Kaya nga po ibinabalik ko sa inyo,” sagot ni Micas. Nang ibalik ni Micas ang pilak ng kanyang ina, kinuha nito ang dalawandaang piraso at ibinigay sa isang platero upang gawing imahen. Pagkayari, inilagay niya ito sa bahay ni Micas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:36

Ngunit ang matitira sa iyong sambahayan ay mamamalimos sa kanya. Magmamakaawa siyang gawing katulong ng pari para lamang mabuhay.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 9:8

Sumagot ang katulong, “Mayroon pa akong tatlong gramong pilak. Ibibigay ko na ito sa kanya para ituro sa atin ang ating hinahanap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 8:10-11

isinugo niya ang kanyang anak na si Joram upang batiin si David, sapagkat si Hadadezer ay matagal nang kaaway ni Toi. Dinalhan siya ni Joram ng mga sisidlang pilak, ginto at tanso. Inilaan ni David ang mga ito para sa pagsamba kay Yahweh, kasama ng ginto at pilak na sinamsam niya sa mga bansang kanyang nilupig—

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 7:51

Natapos ngang lahat ang mga ipinagawa ni Solomon para sa Templo ni Yahweh. Tinipon din niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitang inihandog ng kanyang amang si David, at itinago sa lalagyan ng kayamanan ng Templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 10:21

Gintong lahat ang mga inuman ng Haring Solomon, at gayundin ang mga kasangkapan sa bulwagang tinatawag na Gubat ng Lebanon. Walang kagamitang pilak dahil hindi pa ito pinahahalagahan noong panahon ni Solomon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 15:18

Kaya't tinipon ni Asa ang nalalabing ginto't pilak sa kabang-yaman ng Templo at ng palasyo. Ipinadala iyon sa Damasco, kay Ben-hadad na anak ni Tabrimon at apo ni Hezion na hari ng Siria. Ganito ang kanyang ipinasabi:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 5:5

Sinabi naman ng hari, “Sige, pumunta ka at magpapadala ako sa iyo ng sulat para sa hari ng Israel.” Pumunta nga si Naaman na may dalang 350 kilong pilak, anim na libong pirasong ginto at sampung magagarang kasuotan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 12:13-15

Ang nalikom na salaping ito'y hindi nila ginagamit sa paggawa ng mga palangganang pilak, mga pantabas ng mitsa, mga mangkok, mga trumpeta o anumang kasangkapang yari sa ginto o pilak. Lahat ng malikom ay ibinabayad nila sa mga manggagawa at ibinibili ng mga kasangkapan para sa pagpapaayos ng Templo. Hindi na nila hinihingan ng ulat ang mga namamahala sa mga gawain sapagkat matatapat ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 15:19-20

Sa panahon ni Menahem, ang Israel ay sinalakay ni Haring Pul ng Asiria. Nagbigay sa kanya si Menahem ng 35,000 kilong pilak upang makuha ang suporta nito sa pagpapalakas ng kanyang paghahari sa Israel. Labing-anim na taóng gulang siya noon at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampu't dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Jecolias na taga-Jerusalem. Para matipon ang halagang ito, hiningan niya ng tiglilimampung pirasong pilak ang lahat ng mayayaman sa Israel at ibinigay sa hari ng Asiria. Dahil dito, hindi sinakop ng Asiria ang Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 22:4

“Pumunta ka kay Hilkias na pinakapunong pari at alamin mo kung magkano na ang salapi sa kabang-yaman na nalilikom ng mga bantay-pintuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 18:10-11

sinugo niya ang kanyang anak na si Hadoram upang batiin si David. Si Hadadezer ay kaaway ni Tou. Nagpadala siya ng mga sisidlang ginto, pilak at tanso at ang mga ito'y inihandog ni Haring David kay Yahweh. Inihandog din niya ang iba pang nasamsam niyang ginto at pilak mula sa ibang mga bansa: mula sa Edom, Moab, Ammon, Filistia, at Amalek.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:2-7

Dahil dito, sinikap kong magtipon ng mga gagamitin para sa Templo ng aking Diyos tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal at kahoy. Napakarami ng inihanda kong batong onise at iba pang mahahalagang batong pampalamuti, at lahat ng uri ng mahahalagang bato at marmol. At sinabi ni David sa sambayanan, “Purihin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh!” Pinuri nga ng buong kapulungan si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumuko ang lahat, sumamba kay Yahweh, at nagbigay-galang sa hari. Kinabukasan, ang dinala nilang handog na susunugin ay 1,000 toro, 1,000 tupang lalaki, 1,000 kordero at mga alak na handog, at napakaraming handog para sa buong Israel. Masasaya silang nagsalu-salo sa harapan ni Yahweh noong araw na iyon. Minsan pa nilang ipinahayag na si Solomon na anak ni David ay hari, at binuhusan ito ng langis sa pangalan ni Yahweh. Si Zadok naman ay hinirang bilang pari. Mula noon, umupo si Solomon sa tronong itinatag ni Yahweh bilang kahalili ng kanyang amang si David. Naging matagumpay siya at sumunod sa kanya ang buong Israel. Nanumpa ng katapatan kay Haring Solomon ang mga pinuno at mandirigma, pati na ang iba pang anak ni Haring David. Binigyan ni Yahweh si Solomon ng dakilang karangalan at katanyagang higit sa mga naging hari sa Israel. Si David na anak ni Jesse ay naghari sa buong Israel. Apatnapung taon siyang naghari: pitong taon sa Hebron, at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem. Nabuhay siya nang matagal, at namatay na mayaman at marangal. Si Solomon ang humalili sa kanya bilang hari. Ang lahat ng pangyayari sa buong panahon ng paghahari ni David ay nakasulat sa mga aklat ng mga propetang sina Samuel, Natan at Gad. Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, sapagkat kasiyahan kong magkaroon ng Templo ang aking Diyos. Sa mga aklat na iyon nakasulat kung paano siya namahala, gaano kalawak ang kanyang kapangyarihan at ang mga nangyari sa kanya sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa paligid. May nakalaan akong 105,000 kilong ginto na mula pa sa Ofir, at 245,000 kilong purong pilak na ididikit sa mga dingding ng Templo, at sa iba pang bagay na gagawin ng mga mahuhusay na platero. Sino sa inyo ngayon ang kusang-loob na magbibigay para kay Yahweh?” Sumang-ayon agad ang mga pinuno ng mga sambahayan, ang mga pinuno ng mga lipi, ang mga pinuno ng mga hukbo at ang mga katiwala ng hari. Kusang-loob silang nagbigay, at ang natipon para sa gagawing templo ay 175,000 kilong ginto, 350,000 kilong pilak, 630,000 kilong tanso, at 3,500,000 kilong bakal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 1:15

Sa panahon ng paghahari ni Haring Solomon, ang ginto at pilak sa Jerusalem ay naging pangkaraniwan lamang na parang bato, at ang kahoy na sedar ay naging sindami ng sikamoro sa paanan ng mga burol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 9:14

Hindi pa kabilang dito ang buwis ng mga mangangalakal, ang tinutubo ng kanyang mga tauhang umaangkat sa ibang bansa at ang buwis ng mga hari sa Arabia at ng mga gobernador ng lalawigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 24:14

Ibinalik nila sa hari at kay Joiada ang natirang salapi at ipinagpagawa naman ito ng mga kagamitan sa Templo. Gumawa sila ng kasangkapang gamit sa paglilingkod at handog na susunugin, mga lalagyan ng insenso at iba pang mga sisidlang ginto at pilak. Patuloy silang naghahandog ng mga haing susunugin sa Templo ni Yahweh habang nabubuhay pa si Joiada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 1:4

Sinuman sa inyo na nangingibang-bayan, kung nais bumalik doon, dapat siyang tulungan ng kanyang mga kababayan. Dapat siyang bigyan ng pilak at ginto, mga bagay na kakailanganin, at mga hayop, gayundin ng mga kusang-kaloob na handog para sa Templo ni Yahweh sa Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 7:15-16

Dalhin mo ang mga ginto at pilak na ipinagkakaloob ko at ng aking mga tagapayo sa Diyos ng Israel na ang Templo ay nasa Jerusalem. Dalhin mo rin ang lahat ng pilak at gintong ipagkakaloob sa iyo mula sa buong lalawigan ng Babilonia, gayundin ang mga kusang-loob na handog na ibibigay ng mga Israelita at ng kanilang mga pari para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 5:11

Ngayon di'y ibalik ninyo ang mga bukirin at ubasan sa mga may utang sa inyo, pati ang kanilang mga taniman ng olibo, at tahanan. Ibalik din ninyo ang naging interes ng perang ipinahiram ninyo, gayundin ang mga trigo, alak at langis na ipinahiram ninyo sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 7:70-71

Ilan sa mga pinuno ng mga angkan ang nagbigay ng ambag para ipagawang muli ang templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, limampung mangkok na pilak na ginagamit sa pagsamba at 530 kasuotan ng mga pari. May iba pang mga pinuno ng angkan na nagbigay ng 168 kilong ginto at 1,250 kilong pilak. Ang kabuuang ipinagkaloob ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 140 kilong pilak at 67 na kasuotan ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ester 3:9

Kung inyong mamarapatin, ipag-utos po ninyo na lipulin ang mga taong yaon. Magbibigay po ako ng 350,000 kilong pilak sa mga pinuno at ito'y ilalagak sa kabang-yaman ng hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 22:25

Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman, na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 27:16-17

Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan, isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan, mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:1

“May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:6

Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:10

O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:72

Higit pa sa ginto't pilak nitong buong sanlibutan, ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan. (Yod)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:4

Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:14

Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:10-11

Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak, at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas. “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas, anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:20

Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:3

Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:1

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:4

Kapag ang pilak ay dalisay, may magagawa na ang panday.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:21

Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:8

Nakaipon ako ng napakaraming pilak at ginto mula sa mga lupaing nasasakupan ko. Marami akong mang-aawit na babae't lalaki. Marami akong asawa at pawang magaganda. Wala nang hahanapin pa ang isang lalaki, lalo na kung tungkol din lang sa babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:22

Ang iyong pilak ay naging bato, nahaluan ng tubig ang iyong alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:7

Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak, at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan. Sa buong lupai'y maraming kabayo, at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:17

Sinabi pa ni Yahweh, “Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media, mga taong walang pagpapahalaga sa pilak at di natutukso sa ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:10

Sinubok ko kayo sa pamamagitan ng kahirapan, kung paanong ang pilak ay dinadalisay sa apoy; ngunit kayo'y napatunayang hindi nararapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:2

Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:30

Tatawagin silang pilak na patapon sapagkat akong si Yahweh ang nagtakwil sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 4:1

Kupas na ang kinang ng ginto, nagkalat sa lansangan ang mga bato ng Templo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:17

Hinubad mo rin ang ilan sa magagandang alahas na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at ginawang larawan ng mga tao na iyong sinamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 22:20-22

Kung paanong ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata ay inilalagay sa tunawan upang dalisayin, gayon ang gagawin ko sa inyo. Tutunawin ko kayo sa init ng nag-aalab kong poot. Titipunin ko kayo para ibuhos sa inyo ang aking matinding poot, hanggang sa kayo'y matunaw. Kung paanong ang pilak ay tinutunaw sa pugon, gayon ang gagawin ko sa inyo sa Jerusalem. Kapag naibuhos ko na sa inyo ang matindi kong poot, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 27:12

“Ang Tarsis ay nakipagkalakalan sa iyo. Ang kanyang minang pilak, bakal, lata, at tingga ay ipinagpalit niya sa mga pangunahing paninda mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:32

Ang ulo nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang tiyan at mga hita nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 11:38

Wala siyang kikilalaning diyos kundi ang diyos na nagbabantay ng mga muog. Mag-aalay siya ng ginto, pilak, mamahaling bato at mamahaling regalo sa diyos na hindi kilala ng kanyang mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 2:8

Hindi niya kinilalang ako ang nagbigay sa kanya ng pagkaing butil, ng alak at ng langis. Sa akin nanggaling ang pilak at ginto na ginagamit niya sa pagsamba kay Baal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 3:2

Kaya't binili ko siya sa halagang labinlimang pirasong pilak at 150 kilong sebada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:6

Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel, kaya sila'y paparusahan ko. Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid, at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 8:6

Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak, at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas. At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:11

Mapapatawad ko ba ang mga taong gumagamit ng madayang timbangan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hagai 2:8

sapagkat ang lahat ng pilak at ginto sa buong daigdig ay akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 11:12-13

Sinabi ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “Ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng Templo.” Kaya't kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak bilang pasahod nila sa akin, at ganoon nga ang aking ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:15

“Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:3-5

Nang malaman ng taksil na si Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo at ito'y inihampas sa kanyang ulo. Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus. Paglabas ng lungsod, nakita ng mga sundalo si Simon na taga-Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. Dumating sila sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang kahulugan ay “Pook ng Bungo.” Binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, ngunit nang matikman niya iyon ay hindi niya ininom. Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian ng mga kawal ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan, naupo sila at siya'y binantayan. Inilagay nila sa kanyang ulunan ang paratang laban sa kanya na may nakasulat na ganito, “Ito'y si Jesus na Hari ng mga Judio.” At may dalawang magnanakaw na ipinako rin sa krus, isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. Kinukutya siya ng mga nagdaraan. Pailing-iling nilang Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong walang kasalanan.” “Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila. sinasabi, “Di ba't ikaw ang gigiba ng Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumabâ ka sa krus!” Kinutya rin siya ng mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan at mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya mailigtas ang sarili! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumabâ lang siya ngayon sa krus ay maniniwala na kami sa kanya! Nananalig siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Tingnan natin kung ililigtas siya ng Diyos!” Nilait din siya ng mga magnanakaw na ipinakong kasama niya. Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Ito'y narinig ng ilan sa mga nakatayo roon kaya't sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias!” May isang tumakbo kaagad at kumuha ng espongha, binasâ ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. Sinabi naman ng iba, “Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!” Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:6

Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 18:12

Wala nang bibili ng kanilang mga ginto, pilak, alahas at perlas, mga telang lino, seda, telang kulay ube at pula, lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kagamitang yari sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal, dakila, mahalaga, dalisay at perpekto, walang makakapantay sa iyong kabanalan. Amang Banal, turuan mo akong lumakad sa matuwid na landas, hinihiling ko po na bigyan mo ako ng karunungan upang magabayan ako sa balukot at sirang sistemang ating ginagalawan ngayon. Nawa'y ang presensya ng iyong Banal na Espiritu ang mauna sa aking buhay, upang ang pinakamahalaga para sa akin ay ang matutong manatiling matatag ang pananampalataya at ang aking pag-uugali ay naaayon sa iyong kalooban. Sabi ng iyong salita: "Higit na mabuti ang makamtan ang karunungan kaysa ginto; at higit na mabuti ang magtamo ng unawa kaysa pilak." Nauunawaan ko pong hindi ako dapat mabahala sa araw ng bukas, kundi lalo pang pahalagahan ang iyong mga pangako sa aking puso, sapagkat ikaw ang tagapaglaan ng lahat ng bagay; at tunay ngang ikaw ang may-ari ng ginto at pilak. Panginoon, hawakan mo po ang aking mga iniisip at ang aking pananalita, upang sa oras ng aking pagpapahayag, ang aking mga salita ay maging kaaya-aya at may pag-iingat, nang hindi nakakasakit o nakakahiya kaninuman. Sabi mo sa iyong salita: "Mansanas na ginto sa sisidlang pilak ang salitang binigkas na wasto." Salamat Ama, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas