Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


68 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Israel

68 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Israel

Alam mo, pinatawad na ng Diyos ang Israel. Napakalaking biyaya 'di ba? Isipin mo, tinubos Niya ang Kanyang bayan, pinatawad ang kanilang mga kasalanan. Huwag nating kalimutan na humingi ng patnubay sa Diyos para sa kaligtasan at kapatawaran ng Israel. Kasi, kapag pinagpala natin ang bansang ito, pagpapalain din tayo. Ramdam na ramdam natin ang biyaya at pagmamahal ng Diyos.

Itinaas ng Diyos si Hesus, bilang Prinsipe at Tagapagligtas, para magbigay ng pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa Israel (Gawa 5:31). Talagang mahalaga sa Diyos ang Kanyang piniling bayan. Kaya nga, dapat nating ipanalangin ang Israel. Malaki ang pagpapahalaga ng Diyos sa Kanyang banal na bayan.

Huwag na huwag nating gagamitin ang ating bibig para sumpahin ang Israel. Naku, baka mapahamak pa tayo. Isipin mo na lang, kapag pinagpala mo ang Israel, pagpapala din ang babalik sa'yo. 'Di ba mas maganda 'yun?


Mga Awit 135:4

Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod, ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:8-9

“Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkod lahi ni Abraham na aking kaibigan. Ikaw ang bayang aking hinirang. Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig; sa pinakamalalayong sulok nito, sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:4-5

“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:23

Sinabing muli ni Josue, “Kung gayon, itapon ninyo ang mga diyus-diyosang iniingatan pa ninyo. Manumpa kayo kay Yahweh, sa Diyos ng Israel.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:4

Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel: “Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 21:8

Patawarin mo po, Yahweh, ang iyong bayang Israel na iyong iniligtas. Huwag mo po kaming panagutin sa pagkamatay ng taong ito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:12

Inutusan niya akong magpunta sa hilaga at sabihin sa Israel, “Manumbalik ka, taksil na Israel. Hindi na kita kagagalitan sapagkat ako'y mahabagin. Hindi habang panahon ang galit ko sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 32:28

Sinabi sa kanya ng lalaki, “Mula ngayo'y Israel na ang itatawag sa iyo, at hindi na Jacob, sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:10

Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:1-2

Sinabi ni Yahweh, “Ikaw Jacob, na lingkod ko, ako ay pakinggan; lahi ni Israel, ang pinili kong bayan! Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang mga gumagawa nito'y tao lamang, kaya't magsama-sama man sila at ako'y harapin, sila'y matatakot at mapapahiya rin. Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy. Pagkatapos ay pinupukpok niya ito sa pamamagitan ng kanyang malakas na bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito, siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod. Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang imahen. Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay. Pumipili siya at pumuputol ng isang matigas na kahoy sa gubat tulad ng sedar, ensina at sipres. Maaari din siyang magtanim ng laurel at ito ay hintaying lumaki habang dinidilig ng ulan. Ang kaputol na kahoy nito ay ginagawang panggatong at ang kaputol naman ay ginagawang diyus-diyosan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay ng init sa kanya at para igatong sa pagluluto. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Salamat at hindi na ako giniginaw!” Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!” Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan. Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na panggatong sa pagluluto ng tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy. Akong si Yahweh ang sa iyo ay lumalang; tinulungan na kita mula nang ikaw ay isilang. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod, ang bayan kong minamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:4

Tinawag kita sa iyong pangalan, alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang. Binigyan kita ng malaking karangalan, kahit hindi mo ako nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 19:5-6

Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. Kayo'y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12-13

“Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa, at tuparin ang kanyang mga bilin at tuntunin. Ito rin naman ay para sa inyong kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:6

Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 19:4-6

‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay. Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. Kayo'y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 5:2

Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama't pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:7

Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 6:7

Ituturing ko kayong aking sariling bayan at ako ang magiging Diyos ninyo. At makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang nagligtas sa inyo sa pagpapahirap ng mga Egipcio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:31

Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ang mga Israelita ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan, at nang sa gayon ay magkamit sila ng kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:31-34

Sinasabi ni Yahweh, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong tipan sa Israel at sa Juda. Ito'y hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Bagama't para akong isang asawa sa kanila, sinira nila ang kasunduang ito. Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon: Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso. Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang aking magiging bayan. Hindi na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo si Yahweh’; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:8

Lilinisin ko sila sa lahat nilang kasalanan at patatawarin sa kanilang paghihimagsik laban sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:38

Gayon pa man, palibhasa'y Diyos siyang mahabagin, ang masamang gawa nila'y kanyang pinatawad pa rin; dahilan sa pag-ibig niya'y hindi sila wawasakin, kung siya ma'y nagagalit, ito'y kanyang pinipigil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:2

“Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa, kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan. Kaya't kayo'y aking paparusahan dahil sa inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:34

Hindi na nila kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo si Yahweh’; sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:7

“Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban kay Yahweh?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6

Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 2:8

Pagkatapos ng pangitaing ito, isinugo ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa mga taong nanamsam sa kanyang bayan at ipinasabi ang ganito: “Sinumang lumaban sa aking bayan ay para na ring lumaban sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 60:1-3

Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Mga dayuhan ang muling magtatayo ng iyong mga pader, at maglilingkod sa iyo ang kanilang mga hari. Nang ako'y mapoot, ikaw ay pinarusahan ko, ngunit ngayo'y tinutulungan kita at kinahahabagan. Ang mga pintuan mo'y aking ibubukas araw at gabi, upang dito papasok ang mga hari ng mga bansa, at dalhin sa iyo ang kanilang mga kayamanan. Ngunit ang bansa o kahariang hindi maglilingkod sa iyo ay ganap na wawasakin. At ang kayamanan ng Lebanon ay magiging iyo; sama-samang pagagandahin ang aking santuwaryo; sa pamamagitan ng mga kahoy na mahuhusay, tulad ng sipres, pino at iba pa. Upang lalong maging maningning ang aking tahanan. Nakayukong lalapit sa iyo bilang paggalang ang mga salinlahi ng mga bansang sa iyo'y umapi; hahalik sa iyong paa ang mga humahamak sa iyo, at tatawagin ka nilang, ‘Zion, ang lunsod ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.’ “Hindi na kita pababayaan at kapopootan o iiwang mag-isa. Ikaw ay kanilang itataas at dadakilain; magiging lugar ng kaligayahan magpakailanman. Aalagaan ka ng mga hari't mga bansa, tulad ng pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak. Malalaman mong akong si Yahweh ang iyong Tagapagligtas; at palalayain ka ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob. “Sa halip na tanso ay bibigyan kita ng gintong dalisay, pilak ang bigay ko sa halip na bakal; sa halip na kahoy, tanso ang dala ko, papalitan ko ng bakal ang dati'y bato. Ang kapayapaan ay paghahariin sa iyo, at ang katarungan ay mararanasan mo. Ang ingay ng ‘Karahasan’ ay hindi na maririnig pa, gayundin ang ‘Pagwasak’ sa iyong nasasakupan; ang iyong mga pader ay tatawagin mong ‘Kaligtasan,’ at ‘Papuri’ naman ang iyong mga pintuan. “Sa buong maghapon ay wala nang araw na sisikat, sa buong magdamag ay wala nang buwan na tatanglaw, sapagkat si Yahweh mismo ang magiging ilaw mo magpakailanman, at ang iyong Diyos ang liwanag mong walang katapusan. Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. Kailanma'y hindi na lulubog ang iyong araw, at ang iyong buwan ay hindi na rin maglalaho; si Yahweh ang iyong magiging walang hanggang ilaw, at ang mga araw ng iyong kapighatian ay mawawala. Ang mamamayan mo'y magkakaroon ng matuwid na pamumuhay, kaya ang lupain ay aariin nila magpakailanman. Sila'y nilikha ko at itinanim, upang ihayag nila ang aking kadakilaan. Ang pinakamaliit na lipi ninyo ay dadaming mainam, at ang munting bansa ay magiging makapangyarihan. Ako si Yahweh na kaagad tutupad sa aking mga pangako kapag dumating na ang takdang panahon.” Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:3

Sapagkat darating na ang panahon na palalayain ko ang aking bayan, ang Israel at ang Juda, at ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa kanilang mga ninuno; ito'y magiging kanila muli.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:24-28

Titipunin ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos. Ititira ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:6

Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:1-2

Ito ngayon ang tanong ko: Itinakwil ba ng Diyos ang kanyang sariling bayan? Hinding-hindi! Sa katunayan, ako man ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lipi ni Benjamin. Lumabo nawa ang kanilang mata nang hindi sila makakita, at sila'y makuba sa hirap habang buhay.” Ito naman ang tanong ko ngayon: Ang pagkatisod ba nila ay upang sila'y tuluyan nang mabuwal? Hinding-hindi! Sa halip, dahil sa kanilang kasalanan, ang kaligtasan ay nakarating sa mga Hentil upang mainggit ang mga Israelita sa mga ito. Ngayon, kung ang kasalanan ng mga Israelita ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa sanlibutan, at kung ang kanilang pagbagsak ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa mga Hentil, gaano pa kaya kapag nagbalik-loob sa Diyos ang buong Israel! Ito naman ang sasabihin ko sa inyo, mga Hentil. Dahil ako'y apostol para sa inyo, ipinagmamalaki ko ang aking katungkulan. Ginagawa ko ito upang inggitin ang aking mga kababayang Judio, at nang sa gayon ay maligtas kahit ang ilan sa kanila. Kung ang pagkatakwil sa kanila ay naging daan upang ipagkasundo sa Diyos ang sanlibutan, ang muling pagtanggap sa kanila ng Diyos ay matutulad sa muling pagkabuhay ng patay! Kung banal ang unang tinapay mula sa masa ng harina, gayundin ang buong masa. At kung ang ugat ng punongkahoy ay banal, gayundin ang mga sanga nito. Kung pinutol ang ilang sanga ng punong olibo, at ikaw na sanga ng olibong ligaw ang idinugtong sa puno upang makabahagi sa buhay na nanggagaling sa ugat ng punong ito, huwag kang magmalaki sa mga sangang pinutol. Alalahanin mong hindi ikaw ang bumubuhay sa mga ugat; ang mga ugat ang bumubuhay sa iyo. Sasabihin mo naman, “Pinutol ang mga sanga upang ako'y maidugtong.” Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayan na sa simula pa'y pinili na niya. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? Dumaing siya sa Diyos laban sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:1-3

Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Nagkaroon ng matinding taggutom sa lupain ng Canaan, kaya umalis doon sina Abram at naglakbay na patimog, patungo sa lupain ng Egipto, upang doon muna manirahan. Nang malapit na sila sa hangganan, sinabi niya sa kanyang asawa, “Sarai, napakaganda mo. Kapag nakita ka ng mga Egipcio, sasabihin nilang asawa kita at papatayin nila ako para makuha ka. Ang mabuti pa'y sabihin mong magkapatid tayo. Alang-alang sa iyo, hindi nila ako papatayin.” Nang makapasok na sina Abram sa Egipto, napuna nga ng mga Egipcio na napakaganda ni Sarai. Nang nakita siya ng mga pinuno roon, ibinalita nila sa Faraon kung gaano siya kaganda. Kaya't iniutos nitong kunin si Sarai at dalhin sa palasyo. Dahil sa kanya, mabuti ang naging pagtanggap ng Faraon kay Abram at binigyan pa niya ito ng mga tupa, kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin. Dahil dito'y pinahirapan ni Yahweh ang Faraon. Siya at ang buong palasyo ay nagdanas ng katakut-takot na karamdaman. Kaya't si Abram ay ipinatawag ng Faraon at tinanong, “Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit hindi mo sinabing asawa mo siya? Ang sabi mo'y kapatid mo siya, kaya naman kinuha ko siya para maging asawa. Heto na ang asawa mo. Kunin mo siya at umalis na kayo!” Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. Iniutos ng Faraon sa kanyang mga tauhan na paalisin ang mag-asawa, dala ang lahat nilang ari-arian. Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 37:21-22

habang sinasabi mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa mga dakong kinatapunan nila upang ibalik sila sa sarili nilang bayan. Sila'y pag-iisahin ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin kong isa na lamang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:2

Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:18

Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 62:1

Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:22

“Kung paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupa sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:1-2

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila! Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan, dala ang gantimpala sa mga hinirang. At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling. Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol? Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh? May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya? Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan? Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan? Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa? Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan, tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan; at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang. Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon. Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon. Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa. Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad? Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao, na binalutan ng ginto, at ipinatong sa pilak? Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:1-2

Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 3:16

Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig; nanginginig ang langit at lupa. Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:6

Ngunit pagagalingin ko silang muli. Hahanguin ko sa kahirapan ang Juda at Israel, at bibigyan sila ng kapayapaan at kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:30

Malalaman ng lahat na ako ang nag-iingat sa Israel na aking bayan. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 4:2

Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila, “Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang nais niyang gawin natin at matuto tayong lumakad sa kanyang landas. Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan, at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:5

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:12

Ang lupaing iyon ay palaging inaalagaan at binabantayan ng Diyos ninyong si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:7-8

Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos. Ililigtas ang Israel, bansang kanyang minamahal, ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 11:1

“Nang bata pa ang Israel, siya'y aking minahal, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:4-5

Sila'y mga Israelita na binigyan ng Diyos ng karapatang maging mga anak niya. Ipinakita rin niya sa kanila ang kanyang kaluwalhatian. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos. Sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang panuntunan sa pagsamba, at ang kanyang mga pangako. Sa kanila rin nagmula ang mga patriyarka, at tungkol sa kanyang pagiging tao, si Cristo ay nagmula sa kanilang lahi. Ang Kataas-taasang Diyos ay purihin magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:4

Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:10

“Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ni Yahweh, at ipahayag ninyo sa malalayong lupain: ‘Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila'y muli kong titipunin at aalagaan, gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 11:17

Sabihin mo na muli ko silang titipunin mula sa mga bansang kinatapunan nila at ibibigay kong muli sa kanila ang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:7-8

Ililigtas ko ang aking bayan mula sa mga lugar sa silangan at sa kanluran, at muli ko silang ibabalik sa Jerusalem. Sila ay aking magiging bayan at ako ang kanilang magiging tapat at makatarungang Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:17

Ngunit ang Israel ay iyong ililigtas, ang tagumpay nila ay sa habang panahon at kailanma'y hindi mapapahiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:3

Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:23-24

Walang bansang maitutulad sa Israel. Ito'y hinango ninyo sa pagkaalipin upang maging inyong bayan. Ito lamang ang bansang pinagpakitaan ninyo ng mga kakila-kilabot at dakilang bagay para sila'y matulungan. Itinaboy ninyo ang ibang mga bansa at inalis ang kanilang mga diyus-diyosan pagdating nila. Yahweh, itinatag ninyo ang bansang Israel upang maging inyo magpakailanman at kayo po ang kanilang naging Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 19:3-6

Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Ito ang sabihin mo sa angkan ni Jacob, sa mga Israelita. ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay. Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. Kayo'y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 14:1

Ngunit muling mahahabag si Yahweh sa sambahayan ni Jacob at muli niyang hihirangin ang bayang Israel. Papatirahin niya sila sa sarili nilang bayan at may mga dayuhan ring darating at maninirahang kasama ng sambahayan ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:17

Ibabalik ko ang kalusugan mo, at pagagalingin ang iyong mga sugat. Kayo'y tinawag nilang mga itinakwil, ang Zion na walang nagmamalasakit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:3

napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa'y inibig ko na sila kaya patuloy akong magiging tapat sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:15

Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming Diyos na tapat at mabuti, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Nasa iyong harapan po ako ngayon, iniaalay ang aking puso at nagpapasalamat para sa minamahal mong bansang Israel. Mula sa kaibuturan ng aking puso, Ama, pinagpapala ko po ang bansang Israel. Pagpalain ka nawa, Israel, sa iyong pagpasok at paglabas. Pagpalain ka nawa sa lahat ng iyong gawain. Nawa’y mahanap mo ang kapayapaan sa ngalan ni Hesus. Dalangin ko rin po, O Diyos, para sa iyong piniling bayan na Israel. Maawa ka po sa iyong minamahal na bansa, ang lupang iyong pinili bilang pamana. Panginoong Hesus, nawa’y ang iyong minamahal na Israel ay manumbalik sa iyo nang buong puso, kinikilala ka bilang kanilang Mesiyas, Panginoon, at Tagapagligtas. Hinihiling ko po na pagalingin mo ang kanilang lupain ng pagmamahal, pagpapatawad, at pagkakasundo. Sabi ng iyong salita: “Umasa ka sa Panginoon, O Israel; sapagkat sa Panginoon ay mayroong kagandahang-loob, at sa kanya ay mayroong masaganang katubusan.” Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas