Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


124 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Offense, nakakasakit

124 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Offense, nakakasakit

Kapag nasasaktan tayo, mayroong lakas at gabay na makukuha natin sa Banal na Kasulatan. Doon natin mababasa na ang Diyos ang ating kanlungan at kalakasan, lalo na sa oras ng pagsubok.

Ang pagtanggap sa sakit nang may pagpapakumbaba at pagpapatawad ay nakapagpapagaling ng ating mga sugat at nakapagpapanumbalik ng ating mga relasyon. Mahalaga rin nating tandaan na ang pagmamahal sa kapwa ay isang utos ng Diyos. Mahirap man, kailangan nating mahalin ang ating mga kaaway at ipagdasal ang mga umaapi sa atin. Bahagi ito ng pagtawag sa atin bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ayon sa Biblia, normal lang na makaranas tayo ng mga pananakit sa buhay na ito. Ngunit, inaanyayahan din tayo nito na harapin ang mga ito sa paraang nagbibigay puri sa Diyos at nagsusulong ng pagkakasundo.

Sa Mateo 18:21-22, may mahalagang itinuro si Hesus tungkol sa pagpapatawad. Tinatanong siya ni Pedro kung ilang beses niya dapat patawarin ang kanyang kapatid, hanggang pito ba? Sumagot si Hesus, "Hindi ko sinasabi sa iyo hanggang sa makapito, kundi hanggang sa makapitumpung pito."

Batay dito, makikita natin na nais ni Hesus na magkaroon tayo ng pusong hindi marunong magtanim ng galit o sama ng loob. Kailangan nating matutong magpatawad, tulad ng pagpapatawad sa atin ng ating Ama sa Langit.


Roma 15:3

Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:23-24

Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 4:4

Sa narinig kong ito, ako ay nanalangin, “Tingnan mo kami O Diyos kung paano kami kinukutya! Mangyari sana sa kanila ang masamang hangad nila laban sa amin. Maubos nawa ang kanilang ari-arian at madala silang bihag sa ibang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:15

Hindi ka na kukutyain ng ibang bansa at hindi na rin hahamakin ng mga tao. Hindi ka na mang-aagaw ng anak ng may anak. Akong si Yahweh ang nagsabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:7

Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya, dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 34:7

Siya namang pagdating ng mga anak na lalaki ni Jacob mula sa kaparangan. Nabigla sila nang mabalitaan ang nangyari sa kapatid, at gayon na lamang ang kanilang galit dahil sa ginawa ni Shekem. Ito'y itinuring nilang isang paglapastangan sa buong angkan ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 17:26

Tinanong ni David sa mga katabi niya, “Ano raw ang gantimpala sa sinumang makakapatay sa Filisteong iyan at sa makakapag-alis ng kahihiyan sa Israel? At sino ba ang paganong ito na humahamon sa hukbo ng Diyos na buháy?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 25:39

Nang mabalitaan ni David ang nangyari kay Nabal, sinabi niya, “Purihin si Yahweh. Ipinaghiganti niya ako sa paghamak na ginawa sa akin ni Nabal at inilayo niya ako sa pagkakasala. Pinagbayad ni Yahweh si Nabal sa kanyang kasamaan.” Si David ay nagpasugo kay Abigail at ipinasabing nais niya itong maging asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:10

Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban, habang sila'y nagtatanong, “Ang Diyos mo ba ay nasaan?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:18

Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:20

Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid, at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:7

Ako ay nilait nang dahil sa iyo, napahiyang lubos sa kabiguan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:9

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:9

Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:19

Kinukutya ako, iya'y iyong alam, sinisiraang-puri't nilalapastangan; di lingid sa iyo, lahat kong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:14-15

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:13

Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:20

Puso ko'y durog na dahilan sa kutya, kaya naman ako'y wala nang magawâ; ang inasahan kong awa ay nawala, ni walang umaliw sa buhay kong abâ.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3-4

Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [ May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]” “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:12

Iyong parusahan yaong mga bansang sa iyo, O Yahweh, lumalapastangan, parusahan sila ng pitong ibayo sa gawang pag-uyam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:22

Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap, yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:39

Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:26

Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:33

Ang tangi niyang mapapala ay pahirap sa sarili, ang kanyang kahihiyan, hindi na niya mababawi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:16

Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:8

Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:11

Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:10

Palayasin mo ang mga sulsol at mawawala ang alitan, at matitigil ang kaguluhan pati pag-aaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:21

Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:1

Sinabi ni Yahweh, “Kapag ang isang babae ay pinalayas at hiniwalayan ng kanyang asawa, at siya'y mag-asawa ng ibang lalaki, hindi na siya dapat tatanggapin ng unang asawa. Ang ganito'y magpaparumi sa lupain. Subalit ikaw, Israel, kay rami mong kinasama, at ngayo'y ibig mong magbalik sa akin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:32

Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:30

Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 11:36

“Gagawin ng hari ang kanyang magustuhan. Itataas niya ang kanyang sarili at gagawing higit kaysa alinmang diyos; hahamakin niya maging ang Kataas-taasang Diyos. Magtatagumpay lamang siya habang hindi pa ibinubuhos ng Diyos ang kanyang poot, sapagkat kailangang maganap ang mga bagay na itinakda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 2:8

“Narinig ko ang pangungutya ng Moab, at ang paghamak ng mga Ammonita; iniinsulto nila ang aking bayan at ipinagmamalaking sasakupin ang kanilang lupain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:65

Pagkarinig nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at sinabi, “Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:33

Sumagot ang mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat ipinapantay mo ang iyong sarili sa Diyos, gayong tao ka lamang.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:18

Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:21-22

Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:18

Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:5

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12-13

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:14

Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike; na dapat ay sarhan bago ito lumaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:15

Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:15

Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:24

Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:3

Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7-8

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1-2

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa. Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo. Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod sa Diyos. Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:12

Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa, ngunit laging tahimik ang taong may unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17-18

Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:14

Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17-19

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:19

Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan, ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:38-39

“Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:29

Huwag mong sasabihin, “Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin upang ako'y makaganti!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:28

Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15-16

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:12

at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:10

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 2:10-11

Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:15

Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:4

Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:32

Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:21

Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:7

Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:1

Tanggapin ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:14

Kung ang kapwa mo ay may hinanakit, regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:9

Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina sa kanyang paniniwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:1

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:13

Kaya nga, kung dahil sa pagkain ay itinutulak ko sa pagkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain ng karne upang hindi siya magkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:6

“Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:8

Si Yahweh'y mapagmahal at punô ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:19

Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:7-8

Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isa't isa ay isa nang kabiguan sa inyo. Bakit hindi na lang ninyo hayaang gawan kayo ng masama? Bakit hindi na lamang ninyo hayaang madaya kayo? Subalit kayo mismo ang gumagawa ng masama at nandaraya, kahit na sa mga sarili ninyong mga kapatid sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:21

Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:11

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:9

Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:29

Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:4

Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa. Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:19

Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:23-24

Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10

Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw naman, bakit mo hinahamak ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:23

Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:11

Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:7

Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34-35

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:10

Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:23

Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Diyos, alam Mo po ang buhay ko, walang anumang bagay na maitatago ko sa Iyong harapan. Nakikita Mo po mula sa langit ang aking paglakad at alam Mo kung kailan mayroon akong baluktot na landas. Panginoon, nais ko po na tulungan Mo akong mamuhay na nagpapakita ng bunga ng Iyong Espiritu. Nawa’y magawa kong magpatawad araw-araw nang sa gayon ay wala akong maipong sama ng loob sa sinumang nakasakit sa akin. Bagkus, hinihiling ko po na patawarin Mo rin sila at linisin Mo sila mula sa lahat ng kasamaan upang matanggap nila ang Iyong awa at pagmamahal. Ama, higit sa lahat, hinihiling ko po na bantayan Mo ang aking puso at humihingi rin po ako ng tawad kung sakaling nasaktan Kita sa aking mga salita at iniisip. Nawa’y lumikha Ka sa akin ng bagong puso, isang pusong kalugud-lugod sa Iyo at naaayon sa Iyong kalooban. Ayaw ko pong gumawa ng anumang bagay na makakasakit sa Iyo dahil mahal ko po ang Iyong presensya at nais kong makasama Ka magpakailanman. Espiritu Santo, patnubayan Mo po ang aking mga kilos, nawa’y ang Salita ng Diyos ang maging pundasyon ko at hindi ako lumihis sa Iyong mga sinabi at itinakda para sa akin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas