Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa paghingi ng kapatawaran

74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa paghingi ng kapatawaran

Alam mo, ang paghingi ng tawad at pag-amin sa pagkakamali ay nangangailangan ng lakas ng loob. Kailangan nating talunin ang ating pride. Doon natin makikita ang tunay na pagpapakumbaba. Hindi ito tungkol sa kung sino ang nasaktan, kundi sa kung paano natin mapapalugdan ang Panginoon sa lahat ng ating ginagawa.

Kahit hindi humingi ng tawad ang nakasakit sa'yo, kung sinasabi sa'yo ng Espiritu Santo na humingi ka ng tawad, gawin mo. Tiyak na tatanggapin mo ang biyaya at pagmamahal ng Panginoon. Mahirap man para sa iba, ang paghingi ng tawad ay nagpapalaya sa atin at tumutulong para makausad tayo nang maluwag sa buhay.

Nakakasakit at nakakapanghina ng kalooban ang pagkikimkim ng sama ng loob. Parang may mabigat na dinadala. Ang pagpapatawad, kabaliktaran nito, ay nagdudulot ng kaginhawaan at kapayapaan. Isipin mo, nakakabuti pa ito sa kalusugan at higit sa lahat, sa kaligtasan ng ating kaluluwa.

Sa pamamagitan ng pagpapatawad, tayo ay nililinis at mas napapalapit sa Diyos. Mahalagang aminin natin ang ating mga pagkakamali sa Kanya, sa Diyos na siyang nagliligtas sa atin mula sa lahat ng kasamaan. Wala talagang limitasyon ang pagmamahal at pagpapatawad Niya sa atin.


1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:25

Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:37

“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:12

at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3-4

Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [ May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]” “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:18

Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:11

Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:1

Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:3

Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:19

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:4

At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:34

Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang kasuotan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:38

Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangangaral sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:2

Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 21:8

Patawarin mo po, Yahweh, ang iyong bayang Israel na iyong iniligtas. Huwag mo po kaming panagutin sa pagkamatay ng taong ito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:15

Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:3-4

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:13-14

Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:22

Pagsisihan mo ang kasamaan mong ito at manalangin ka sa Panginoon, na nawa'y patawarin ka niya sa iyong hangarin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:25

“Gayunman, ako ang Diyos na nagpatawad sa iyong mga kasalanan; hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:30-31

Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang siya'y inyong ipinako sa krus. Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ang mga Israelita ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan, at nang sa gayon ay magkamit sila ng kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:12

Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:5

Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:1-2

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat. Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin. Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:23-24

Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:21

Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:14-15

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:18

“Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:21-22

Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:13

Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:13

Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19-20

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos. Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:35

Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:7

Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:5

Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:28

sapagkat ito ang aking dugo na katibayan ng tipan ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:6-7

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:13-14

Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:10-12

Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:9

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19-21

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos. Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.” Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:11

Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:9

Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan, ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:1

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, ang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:5

hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:36

Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:7

Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:6

Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa…” sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:31

Kaya't sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang paglapastangan sa Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:13-14

Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:18

Aking ihahayag ang kasalanan ko, mga kasalanang sa aki'y gumugulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:7

Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1

Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:23-24

sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mabuting Diyos at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon, lumalapit po ako sa inyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo. Humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng aking mga kasalanan. Hugasan at linisin Niyo po ako gamit ang Iyong mahal na dugo. Kinikilala ko po na kayo ang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay, at wala po akong magagawa kung wala kayo. Salamat po Hesus, dahil kayo po ang nagmamamagitan para sa akin sa Ama. Sabi nga po sa Iyong salita, “Linisin mo ako sa pamamagitan ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako, at ako'y magiging mas maputi kaysa sa niyebe.” Maraming salamat po, Panginoon, dahil kayo ang nagpapawi ng lahat ng aking mga pagsuway at kasamaan, itinatapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa kailaliman ng dagat at hindi na ninyo po ito inaalala. Sa pangalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas