Alam mo, maraming paraan para purihin at sambahin ang Diyos, at isa na riyan ang mga tulang Hebreo. Kilala Niya ang puso natin at ang nais Niya ay ang tunay at tapat na pagsamba, kahit ano pa ang lengguwahe o pamamaraan natin.
Naaalala mo ba yung Jeremias 9:23-24? Doon sinasabi, “Ganito ang sabi ng Panginoon: ‘Huwag ipagmalaki ng marunong ang kanyang karunungan, o ng malakas ang kanyang kalakasan, o ng mayaman ang kanyang kayamanan. Kundi ang dapat ipagmalaki ay ang pagkaunawa at pagkakilala sa akin, sapagkat ako ang Panginoon, na nagpapakita ng pag-ibig, katarungan at katwiran sa lupa. Ito ang aking kinalulugdan,’ sabi ng Panginoon.” Nakaka-inspire, 'di ba?
Kapag nakita natin ang kadakilaan at kagandahan ng Diyos, at mas nakikilala pa natin Siya, parang nagiging tula na rin ang mga salita natin. Mas lumalalim ang pagkakakilala natin sa Kanya, mas nagiging maganda rin ang mga papuri natin. Kaya dapat hanapin natin Siya nang buong puso, isip, at kaluluwa, at ipapakita Niya ang sarili Niya sa buhay natin.
Sa ganoon, palaging may aawit ng papuri at pasasalamat mula sa puso natin. Parang natural na lang na lalabas 'yun, parang hininga.
habang sama-samang umaawit ang mga bituin sa umaga at nagsisigawan sa tuwa ang lahat ng anghel?
Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog at umaawit ng papuri sa inyo.
Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Dios.
O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.
Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos.
Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan, doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon!
Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan.
Dahil kung akoʼy patay na ay hindi na kita maaalala, sa lugar ng mga patay ay hindi na rin ako makakapagpuri pa.
Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung patay na ako? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan.
Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan.
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.
Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat. Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.
Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios. Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan. Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.
Kayong mga matuwid, sumigaw kayo sa galak, dahil sa ginawa ng Panginoon! Kayong namumuhay ng tama, nararapat ninyo siyang purihin! Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya. Sinasalungat niya ang kanilang binabalak. Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman, at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya. Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang lahat ng tao. Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo. Siya ang nagbigay ng puso sa mga tao, at nauunawaan niya ang lahat ng kanilang ginagawa. Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan. Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan, at sa panahon ng taggutom, silaʼy kanyang inaalalayan. Pasalamatan ninyo ang Panginoon sa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kwerdas. Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol. Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan. Panginoon, sumaamin nawa ang inyong matapat na pag-ibig. Ang aming pag-asa ay nasa inyo. Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya ng buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.
Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin, kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.
Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya. Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon. Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin. Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa Panginoon. Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay, iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling. Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti. Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan. Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan. Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo. Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin. Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa. Marami ang paghihirap ng mga matuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito. Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon; maririnig ito ng mga api at silaʼy magagalak. Silaʼy iniingatan ng Panginoon, at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali. Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios. Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod, at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya. Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang kanyang pangalan.
Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik. Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?” Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas! Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.
Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”
Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan. Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.
O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat. Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon! Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo. Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.
Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo! Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay. O Panginoong Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo. Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay.
Panginoon, kayo ang aming tahanan mula pa noon. Ang buhay namin ay hanggang 70 taon lang, o kung malakas pa ay aabot ng 80 taon. Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon ay puno ng paghihirap at kaguluhan. Talagang hindi magtatagal ang buhay namin at kami ay mawawala. Walang lubos na nakakaunawa ng inyong matinding galit. Matindi nga kayong magalit, kaya nararapat kayong katakutan. Ipaunawa nʼyo sa amin na ang buhay namin ay maiksi lang, upang matuto kaming mamuhay nang may karunungan. Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Dinggin nʼyo kami at kahabagan, kami na inyong mga lingkod. Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa amin ang inyong tapat na pag-ibig, upang umawit kami nang may kagalakan at maging masaya habang nabubuhay. Bigyan nʼyo kami ng kagalakan na kasintagal ng panahon na kami ay inyong pinarusahan at pinahirapan. Ipakita nʼyo sa amin na inyong mga lingkod, at sa aming mga salinlahi, ang inyong kapangyarihan at mga dakilang gawa. Panginoon naming Dios, pagpalain nʼyo sana kami at pagtagumpayin ang aming mga gawain. Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok at ang mundo, kayo ay Dios na, at kayo pa rin ang Dios hanggang sa katapusan.
Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon! Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan. Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan. Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa. Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios,
Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa at mga trumpeta at tambuli. Sumigaw kayo sa galak sa presensya ng Panginoon na ating Hari.
Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa. Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan. Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya. Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!
Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon! Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman. Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag. Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay, kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.
Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan. Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak, at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok. Kaya lahat ng mga hayop sa gubat, pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom. At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit. Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at ang mga tanim ay para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain – may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila. Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim. Doon nagpupugad ang mga ibon, at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto. Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan. Ang mga hayop na badyer ay naninirahan sa mababatong lugar. Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon; at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda. Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit. At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob, at magpapatuloy ito magpakailanman. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.” Noon ay iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios, at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila. Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila. Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.” Nagpadala ang Dios ng taggutom sa lupain ng Canaan. Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain. Ngunit pinauna na niya si Jose sa Egipto upang silaʼy tulungan. Ipinagbili siya roon upang maging alipin. Kinadenahan ang kanyang mga paa at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg, hanggang sa nangyari ang kanyang propesiya. Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanya ay nagpatunay na siyaʼy matuwid. Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. Pinalaya siya ng hari ng Egipto na namamahala sa maraming tao, at ginawa siyang tagapamahala ng kanyang palasyo at mga ari-arian. Bilang tagapamahala, may kapangyarihan siyang turuan ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari pati ang kanyang mga tagapayo. Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Egipto, na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sila nanirahan bilang dayuhan. Pinarami ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan, at naging makapangyarihan kaysa sa mga Egipcio na kanilang kaaway. Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Egipcio ang mga mamamayan na kanyang lingkod. Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang. Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Dios. Pinadilim ng Dios ang lupain ng Egipto, ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos. Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig, kaya namatay ang kanilang mga isda. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon. Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno. Nag-utos ang Dios, at dumating sa kanilang lupain ang napakaraming niknik at langaw. Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain, yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat. Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos, at iba pang mga punongkahoy. Sa kanyang utos, dumating ang mga balang na hindi mabilang. At kinaing lahat ang kanilang mga tanim, pati ang mga bunga nito. Pinatay ng Dios ang lahat nilang panganay na lalaki. Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Egipto na wala ni isa mang napahamak, at may dala pa silang mga pilak at ginto. At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak. Natuwa ang mga Egipcio nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila. Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag. Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.
Purihin nʼyo ang Panginoon! Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo siya! Purihin nʼyo ang Panginoon, ngayon at magpakailanman. Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan. Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.
Purihin nʼyo at parangalan ang Panginoon, kayong lahat ng mamamayan ng mga bansa! Dahil napakadakila ng pag-ibig sa atin ng Panginoon, at ang kanyang katapatan ay walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon!
Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga panganay na anak ng mga Egipcio. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Egipto. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilabas niya sila sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Hinawi niya ang Dagat na Pula. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At pinatawid niya sa gitna nito ang mga taga-Israel. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ngunit nilunod niya roon ang Faraon at ang kanyang mga kawal. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatnubayan niya ang kanyang mga mamamayan sa ilang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya ang mga dakilang hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ibinigay niya ang kanilang lupain sa kanyang mga mamamayan bilang pamana. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. At ang lupaing itoʼy naging pag-aari ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa ating abang kalagayan, hindi niya tayo kinalimutan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag. Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip. Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan. Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo. Labis ko silang kinamumuhian; ibinibilang ko silang mga kaaway. O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman. Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.
Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.
Ako ay magpupuri sa inyo, aking Dios at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman. Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari, upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari. Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha. Tinutulungan nʼyo ang mga dumaranas ng kahirapan, at pinalalakas ang mga nanghihina. Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila. Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan. Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa. Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo. Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila. Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman. Binabantayan nʼyo ang mga umiibig sa inyo, ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo. Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman. Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain.
Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon. Mga taga-Zion, ang Panginoon na inyong Dios ay maghahari magpakailanman. Purihin ang Panginoon! Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.
Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga nasa langit. lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo, mga kabataan, matatanda at mga bata. Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa. Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit. Purihin ninyo siya, araw, buwan at mga bituin. Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan. Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon! Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.
Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!
Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa Panginoon: “Aawitan ko ang Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Pero sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat. Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga. O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay! Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. “Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas. Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan. Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo. Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot. “Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon. Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain, at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo – ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang templong kayo mismo ang gumawa. Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.” Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.
At nanalangin si Hanna, “Nagagalak ako sa Panginoon! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin. Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway. Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila. Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo. Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.” Pagkatapos, umuwi si Elkana at ang sambahayan niya sa Rama. Pero iniwan nila si Samuel para maglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ni Eli na pari. Masasamang tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Dios dahil hindi nila sinusunod ang mga tuntunin tungkol sa bahaging matatanggap ng mga pari galing sa handog ng mga tao. Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang alipin nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis. Pagkatapos, tinutusok ng alipin ang mga karne sa loob ng kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Shilo. At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta na ang alipin at sinasabi sa naghahandog, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw ang gusto niya.” Kapag sinabi ng naghahandog na hintayin munang maihandog ang taba ng karne bago siya kumuha ng gusto niya, sasagot ang alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.” Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon. Samantala, patuloy na naglilingkod sa Panginoon ang batang si Samuel. Suot-suot niya ang espesyal na damit na gawa sa telang linen. Taun-taon, iginagawa ni Hanna ng balabal si Samuel, at dinadala niya ito kay Samuel sa tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog. Walang ibang banal maliban sa Panginoon. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.
Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.” Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng Panginoon. Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin. Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.
Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.
Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip. Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar. Purihin ninyo siya, kayong mga bayan na nasa ilang at kayong mga taga-Kedar. Umawit kayo sa tuwa, kayong mga taga-Sela. Humiyaw kayo ng pagpupuri sa tuktok ng mga bundok. Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga nasa malalayong lugar.
Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. Mga mamamayan ng Israel, kayo ang aking mga saksi. Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Dios. Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin. Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas. Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Dios na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Dios. Mula pa noon ako na ang Dios. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.” Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki. Ako ang Panginoon, ang inyong Banal na Dios, ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari. Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa gitna ng dagat. Tinipon ko ang mga karwahe, mga kabayo, at mga sundalo ng Egipto, at winasak sa gitna ng dagat at hindi na sila nakabangon pa. Para silang ilaw na namatay. Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan, dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.
“Mga Israelita, aalis kayo nang masaya sa Babilonia at papatnubayan kayo ng Dios. Ang mga bundok at mga burol ay parang mga taong aawit sa tuwa. At ang lahat ng mga puno ay parang mga taong magpapalakpakan.
Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin. Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.”
ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa. Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,
Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman! Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat! Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman. “Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.
O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay!
Ipahahayag ko ang pangalan ng Panginoon. Purihin natin ang kadakilaan ng ating Dios! Paano ba mahahabol ng isang tao ang 1,000 Israelita? Paano matatalo ng dalawang tao ang 10,000 sa kanila? Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng Panginoon na kanilang Bato na kanlungan. Sapagkat ang Bato na kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit sila ay nakakaalam nito. Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodom at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga, at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas. Nalalaman ng Panginoon ang kanilang ginagawa, iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon para parusahan sila. Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahon na madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.” Ipagtatanggol ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi. At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo? Nasaan na ngayon ang inyong mga dios na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang proteksyon! Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios! Wala nang iba pang dios maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay. Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.