Purihin ang Panginoon, lahat ng bansa! Sambahin siya, lahat ng tao!
Isipin mo, hinihikayat tayo ng Salmista na ihayag ang banal na pangalan ng Diyos. Ipagbunyi natin Siya at ipaalam ang Kanyang kabutihan. Talaga namang kahanga-hanga ang Kanyang katapatan. Siya ang ating tagapagtanggol at kakampi.
Alam mo, ang bawat bansang lumuluhod at sumasamba sa Diyos ay patatawarin at pagagalingin Niya. Kapag sinasabi nating purihin Siya, nangangahulugan ito na Siya lang ang dapat sambahin, wala nang iba.
Isang bayang nakaluhod sa paanan ni Kristo ang makakapagbukas ng kalangitan at magpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos. Doon makikita ang malalaking pagbabago. Ganyan nagpapakita si Hesus, at nagdudulot ng tunay na pagsisisi at pagbabago sa buhay ng tao.
Sa panahon ngayon, napakaimportanteng ipahayag ng bawat wika, tao, at bansa na si Kristo ang Panginoon. Ang bansang kumikilala sa Diyos bilang lahat-lahat ay makakaranas ng Kanyang pagliligtas at pagpapala. Mamumuhay sila nang mapayapa at tahimik dahil kinoronahan nila ang Diyos bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.
Lalaban ang Diyos para sa atin. Hindi tayo dapat matakot sa hinaharap. Magtiwala lang tayo sa Kanya. Itayo natin ang mga altar ng pagsamba. Ihayag natin ang ating pananampalataya. Tawagin natin ang mga kapatid kay Kristo na lumabas at ipaalam sa lahat ang Kanyang pangalan hanggang sa Siya ay sambahin sa buong mundo. Siya ay karapat-dapat purihin magpakailanman.
Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem!
Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa. Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!
Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng Panginoon ang kanyang mga mamamayang nahihirapan.
Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa.
Umawit kayo sa Dios, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
Kami ay nagtawanan at nag-awitan dahil sa kagalakan. At sinabi ng mga bansang hindi kumikilala sa Panginoon, “Gumawa ng dakilang bagay ang Panginoon sa kanila.”
Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.
At kapag nangyari ito, ang lungsod ng Jerusalem ay magbibigay sa akin ng kadakilaan, kagalakan at kapurihan. At ang bawat bansa sa daigdig ay manginginig sa takot kapag nabalitaan nila ang mga kabutihan, kaunlaran at kapayapaan na ipinagkaloob ko sa lungsod na ito.”
Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng Panginoon. Sapagkat gaganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod. Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.
Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
At sinabi pa, “Kayong lahat na mga hindi Judio, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.”
Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo. Pupurihin nila ang inyong pangalan,
Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.
Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga rebulto nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin. Tatakas nga sila papunta sa mga kweba sa burol at sa malalaking bato para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan kapag niyanig na niya ang mundo. Huwag kayong magtitiwala sa tao. Mamamatay lang din sila. Ano ba ang magagawa nila? Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Dios ni Jacob. Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.” Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng Panginoon.
Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Dios at wala nang iba.
Purihin ka sana ng lahat ng tao, O Dios. Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa. O Dios, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.
Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon! Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan. Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan. Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.
Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.
Sa araw na iyon, parurusahan ko ang lahat ng umaapi sa inyo. Kayo ay parang mga tupang napilay at nangalat, pero ililigtas ko kayo at titipuning muli. Inilagay kayo sa kahihiyan noon, pero pararangalan ko kayo at gagawing tanyag sa buong mundo.
Pagkatapos, ang lahat ng natitirang mga tao sa mga bansang sumalakay sa Jerusalem ay pupunta sa Jerusalem taun-taon para sumamba sa Hari, ang Panginoong Makapangyarihan, at para makipag-isa sa pagdiriwang ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.
Purihin ka sana ng lahat ng tao, O Dios. Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa.
Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng Panginoon ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Maraming bansa ang nagkaisa upang makipaglaban sa inyo. Sinasabi nila, ‘Hiyain natin ang Zion! At pagkatapos, panoorin natin ang nakakahiyang kalagayan nito.’ Pero hindi alam ng mga bansang ito ang aking iniisip. Hindi nila nauunawaan ang aking plano na tinipon ko sila upang parusahan, na parang mga butil na tinipon para dalhin sa giikan. “Mga mamamayan ng Zion, humanda kayo at lipulin ninyo nang lubusan ang inyong mga kaaway na parang gumigiik kayo ng trigo. Sapagkat gagawin ko kayong parang mga torong baka na may bakal na mga sungay at tansong mga kuko. Dudurugin ninyo ang maraming bansa na nagkaisa para labanan kayo. At ang mga kayamanang sinamsam nila sa pamamagitan ng pagmamalupit ay ihandog ninyo sa akin, ang Panginoon ng buong mundo.” Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Dios ni Jacob. Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.” Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng Panginoon.
Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa. Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios,
“Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa akin para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga at tumutupad sa aking kasunduan. Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, dahil ang templo koʼy tatawaging templong dalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”
Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo? Kayo lang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”
Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.
Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, dahil ang templo koʼy tatawaging templong dalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”
Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran. Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog ng malinis na handog sa akin na Panginoong Makapangyarihan.
Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.
Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan.
Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan. Magpapakita ako ng himala sa kanila. At ang mga natitira sa kanila ay susuguin ko sa mga bansang Tarshish, Pul, Lud (ang mga mamamayan nito ay tanyag sa paggamit ng pana), Tubal, Grecia, at sa iba pang malalayong lugar na hindi nakabalita tungkol sa aking kadakilaan at hindi nakakita ng aking kapangyarihan. Ipapahayag nila ang aking kapangyarihan sa mga bansa.
Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar. Purihin ninyo siya, kayong mga bayan na nasa ilang at kayong mga taga-Kedar. Umawit kayo sa tuwa, kayong mga taga-Sela. Humiyaw kayo ng pagpupuri sa tuktok ng mga bundok. Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga nasa malalayong lugar.
Sinabi ko, “O Panginoon, kayo po ang kalakasan at tagapagkalinga ko sa panahon ng pagdadalamhati. Lalapit po sa inyo ang mga bansa mula sa buong mundo at sasabihin nila, ‘Walang kwenta ang mga dios-diosan ng aming mga ninuno. Wala silang nagawa na anumang kabutihan.
Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo, dahil maririnig nila ang inyong mga salita.
‘Sinabi ng Dios, “Sa mga huling araw, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng uri ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita; ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain; at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip. Oo, sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod na lalaki at babae, at ipapahayag nila ang aking mga salita. Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok. Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At puro ugong na lang ang kanilang narinig sa bahay na kanilang pinagtitipunan. Magdidilim ang araw, at ang buwan ay pupula katulad ng dugo. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghahatol ng Panginoon. Ngunit ang sinumang tatawag sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating.” ’ ”
Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga Israelita na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa para maligtas ang buong mundo.”
Sisindakin sila ng Panginoon dahil lilipulin niya ang lahat ng mga dios-diosan sa buong mundo. At sasambahin siya ng mga tao sa lahat ng bansa sa kani-kanilang bayan.
Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
Magpasakop sana ang lahat ng hari sa kanya at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.
Ipapakilala ng Panginoon ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang Panginoon. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Magsisipanata sila sa Panginoon, at tutuparin nila iyon.
Maraming tao ang darating sa Jerusalem mula sa ibaʼt ibang lungsod. Ang mga mamamayan ng isang lungsod ay pupunta sa isang lungsod at sasabihin nila, ‘Pupunta kami para dumulog at manalangin sa Panginoong Makapangyarihan. Halikayo, sumama kayo sa amin.’ “Maraming taong mula sa makapangyarihang mga bansa ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog at manalangin sa akin. At sa araw na iyon, sampung dayuhan na galing sa ibang mga bansa na may ibaʼt ibang wika ang lalapit sa isang Judio at sasabihin, ‘Gusto naming sumama sa inyo, dahil narinig namin na ang Dios ay kasama ninyo.’ ”
Nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang Cristo na kanyang pinili. At maghahari siya magpakailanman.”
Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo, mga kabataan, matatanda at mga bata. Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.
Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan.
Sa panahong iyon, tatawagin nʼyo ang Jerusalem na ‘Trono ng Panginoon.’ At ang lahat ng bansa ay magtitipon sa Jerusalem para parangalan ang pangalan ng Panginoon. Hindi na nila susundin ang nais ng matitigas at masasama nilang puso.
Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari, upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari.