Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


115 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kakulangan ng Pananampalataya

115 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kakulangan ng Pananampalataya

Alam mo, ang pananampalataya ay parang lubos na pagtitiwala at paniniwala sa Diyos, sa Kanyang mga pangako, at sa Kanyang kapangyarihang tuparin ang mga ito. Pero sa panahon ngayon, marami sa atin ang nahihirapang panatilihin, o minsan nga, mahanap pa ang pananampalataya.

Minsan, nagdududa tayo sa Kanya, o nawawalan ng pag-asa at tiwala na kaya Niyang baguhin ang ating sitwasyon. Lalo na kapag dumaraan tayo sa mga pagsubok, parang nawawala o humihina ang ating pananampalataya.

Pero tandaan mo, hindi ito dahilan para husgahan natin ang ating sarili o ang iba. Ito ay pagkakataon para magnilay at mas palalimin pa ang ating relasyon sa Diyos.

Ang pananampalataya ay parang isang paglalakbay. Kailangan natin ng tiyaga at pagtitiwala sa Diyos, kahit sa gitna ng mga problema. Alam natin na Siya ang may hawak ng lahat at perpekto ang Kanyang plano.

Normal lang na minsan, mararanasan din natin ang kawalan ng pananampalataya. Pero mayroon tayong lakas at kapanatagan na makukuha sa salita ng Diyos. Sinabi nga sa Hebreo 11:6, “Ngunit kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ang Diyos.” (Hebreo 11:6) Kaya, kumapit tayo sa Kanyang salita habang pinapatibay natin ang ating pananampalataya sa Kanya.


Mateo 8:26

Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:18

Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 17:20

Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 4:40

Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:25

Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:6-8

Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:58

At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:31

Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:21-22

Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi. Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:27

At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:24

Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:6

Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:6

Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:24

Agad namang sumagot ang ama ng bata, “Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:5-6

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!” Tumugon ang Panginoon, “Kung ang inyong pananampalataya ay maging sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:40

Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka sa akin ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:23

“Kung may magagawa ako?” tanong ni Jesus. “Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:8-9

Hindi ninyo siya nakita kailanman ngunit siya'y inibig na ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya na kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita, sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:17

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:22

Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:8

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:1

Tanggapin ninyo ang mahihina sa pananampalataya, at huwag hatulan ang kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:25-26

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:11

Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:10

Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:4

sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:17

Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:17

Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 6:5-6

Hindi siya nakagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka at pumayapa ang hangin. Sila'y lubhang namangha sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip. Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling. Nagtaka siya dahil hindi sila naniwala sa kanya. Nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid at tinuruan niya ang mga tagaroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 16:16

Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:29

Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:11

Sinabi nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:23-24

Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari. Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:12

Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:38

at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:7

Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:29

“Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:23

Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1

“Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:9

Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:22

Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala, sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:29

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:21

Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:2

Sapagkat tulad nila'y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:12

Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:30

Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 1:15

Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:12

Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:38

Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko siya kalulugdan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:15

Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon at patatawarin ang kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:16

Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:25

Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba kayo makaunawa? Bakit hindi kayo makapaniwala sa lahat ng sinasabi ng mga propeta?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:22

Pinapawalang-sala ng Diyos ang lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio man o Hentil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 7:9

Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito, at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka. Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:8

Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita pa kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:3-4

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:1

Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 5:36

Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang mawalan ng pag-asa; manampalataya ka lamang.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3-4

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:13

Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:45

Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:3

Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay mula sa mga hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 4:20-21

Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:3

Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:52

Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:22

Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y gumaling ang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:13

Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:13-14

Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Habakuk 2:4

Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:24-25

Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:35

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:2

ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:26

Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:28

At sinabi sa kanya ni Jesus, “Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di'y gumaling ang kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:24

Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:1-2

Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak at nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos. Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi ituturing na kasalanan. Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos. Si Adan ay anyo ng isang darating. Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo. Ang kaloob na ito ay higit na di hamak kaysa sa ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway. Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay. At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat kung ang lahat ay naging makasalanan dahil sa pagsuway ng isang tao, ang lahat ay mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isa ring tao. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:7

Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:12

Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila manalig at maligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:12

Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:2

Pagdating doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5-6

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't buong tapang nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:28

Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:10

Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1-2

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit. Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin. Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko. Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa.” Sinabi pa ni Yahweh, ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel: “Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo. Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang! Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat, upang maging kalsadang tawiran. Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo. Nilipol niya ang kanilang mga kabayo. At ang kanilang mga karwahe'y winasak; sila'y nabuwal at hindi na nakabangon; parang isang ilaw na namatay ang dingas.” Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:8

Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:13

Silang lahat ay namatay na may pananampalataya sa Diyos. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 13:15

Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 3:16-18

Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:24

Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:24

“Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25-27

“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 4:3

Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos; at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:26

Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:27

“Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:39

Sumagot si Jesus, “Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Propeta Jonas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:24

kaya sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako'y Ako Nga’, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:19

Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:4

Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita, at maaasahan ang kanyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bagong umaga na naman po at ipinakita Mo na naman ang Iyong walang hanggang awa. Ang kabutihan Mo po ang bumangon sa akin, nang may pagmamahal Mong tinawag ang aking pangalan. Salamat po, Panginoon, sa 'Yong di matatapos na pagmamahal at katapatan. Salamat po at hindi Mo ako iniwan sa gitna ng mga pagsubok na aking dinaraanan. Maraming salamat po sa 'Yong pagtitiis, kahit na minsan ay nanghihina ang aking pananampalataya. Salamat po at hindi Mo ako hinuhusgahan, bagkus ay patuloy Mo akong inaanyayahang maniwala sa Iyo. Panginoon, pinalalakas ko po ang aking pananampalataya. Ayoko pong maging katulad ng mga taong kailangan pang makakita bago maniwala. Gusto ko pong maniwala sa Iyo dahil sa sinasabi ng 'Yong salita. Kaya po, huwag Mo akong hayaang magpadala sa aking mga nararamdaman o emosyon. Tulungan Mo po akong mas mapalalim ang aking pagbabasa at pag-unawa sa 'Yong salita at hanapin ang Iyong presensya. Nawa'y wala pong makapagpabago ng aking paniniwala sa Iyo. Kahit anumang unos, alon, o bagyo ang dumating, nawa'y hindi ko maalis ang aking paningin kay Hesus, sapagkat Ikaw ang pinagmumulan at kaganapan ng aking pananampalataya. Nasa Iyong mapagmahal na mga kamay ako, Panginoon. Naniniwala ako sa Iyo, naniniwala ako sa Iyong gagawin dahil mahal Mo ako at hindi Mo ako pababayaan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas