Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


62 Mga Talata sa Bibliya para Manalangin para sa Iba

62 Mga Talata sa Bibliya para Manalangin para sa Iba

Alam mo, sabi sa Biblia, "Magtapat kayo ng inyong mga kasalanan sa isa't isa, at ipanalangin ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay may malaking kapangyarihan." (Santiago 5:16). Minsan, masyado tayong nakatuon sa sarili nating pangangailangan kaya nakakalimutan na natin 'yung mga nasa paligid natin. Kapag nananalangin tayo para sa iba, para na rin tayong nananalangin para sa ating sarili. Isipin mo, habang ipinagdarasal natin sila, nakikinig ang Diyos at kumikilos din Siya para sa atin.

Kung gusto mong mapasaya ang Diyos, huwag mong balewalain ang kapwa mo. Di ba, sabi Niya, mahalin natin ang iba gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili? Kaya huwag nating dedmahin 'yung mga nahihirapan at nasasaktan. Maging instrumento ka ng Diyos para sa kanila. Ikaw ang maging daan para maiparamdam ang pagmamahal at pag-aaruga Niya, para gumaling at mapanatag ang mga puso nila.

Huwag kang magkulong sa sarili mong mundo. Makiisa ka sa mga nagdadalamhati, umiyak ka kasama nila. Ipakita mo ang pagmamahal ni Hesus. Malay mo, dahil sa'yo, maraming makakakilala sa Kanya at makalalaya ang kanilang mga kaluluwa.

Manalangin tayo palagi para sa lahat ng sitwasyon o taong pumapasok sa isip natin. Ipanalangin din natin ang mga kapatid natin sa pananampalataya. Isabuhay natin ang itinuturo ng salita ng Diyos.


Efeso 6:18

Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:1

Mga kapatid, ang pinakananais ng puso ko at idinadalangin ko sa Diyos ay ang maligtas ang Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:14-15

May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 20:17

Dahil sa pagkakuha ng hari kay Sara, pinarusahan ni Yahweh ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelec: hindi sila magkaanak. At upang malunasan ito, ipinanalangin sila ni Abraham. Gumaling naman si Abimelec, at mula noon, ang kanyang asawa't mga aliping babae ay nagkaanak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:9

“Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:14

Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:10

Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1-2

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Sa halip, ang maging palamuti nila ay ang mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos. Ang mga babae ay dapat matuto nang tahimik at nagpapasakop. Hindi ko pinapayagan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki, kundi dapat silang manahimik. Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva, at hindi si Adan ang nadaya kundi si Eva ang nadaya at nagkasala. Ngunit maliligtas ang babae sa pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay. Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:11

sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:15

Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:12

Kinukumusta rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:25

Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:2

Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:31

“Sinabi niya, ‘Cornelio, nakarating sa Diyos ang iyong mga panalangin at nakita niya ang pagtulong mo sa dukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:25

Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:9

Kaya't mula nang marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na sana'y ipaunawa niya sa inyo nang lubusan ang kanyang kalooban, sa pamamagitan ng karunungan at pang-unawang kaloob ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:4

Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:3

Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:30

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, alang-alang sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na pananalangin para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 12:5

kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:12

Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:9

Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:18

At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:1

Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 2:1

Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:25

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:14

May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat, dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:22

Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:19

ay ang pag-asang ako'y makakalaya sa pamamagitan ng inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:16

Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa taong iyon ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:31

Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:22

Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel, sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:32

Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6

Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17-18

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2-3

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:14-19

Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:3

Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:11

Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing ibinunga ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:19-20

“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:1-2

Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan, at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26-27

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:26

Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:9

Kami'y nagagalak kapag kami ay mahina at kayo naman ay malakas. Kaya't idinadalangin naming kayo'y maging ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:2-3

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa dahil sa inyong pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:3

Gaya ng ipinakiusap ko sa iyo bago ako pumunta sa Macedonia, nais kong manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang tao diyan na huwag magturo ng maling aral,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:3

Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17-18

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila. Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:17

Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Aking itataghoy ang mga hinaing, at ang aking tinig ay kanyang diringgin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, sinasamba ko ang iyong pangalan. Alam kong ikaw ay tapat, makatarungan, at totoo. Sa lahat ng panahon, ipinakita mo ang iyong pag-ibig at dakilang awa. Ama, ngayon ay lumuluhod ako sa iyong harapan para sa lahat ng aking kapatid sa pananampalataya, at maging para sa mga hindi pa nakakakilala sa iyo. Dalangin ko na ang iyong biyaya at pagpapala ay mabuhay sa kanilang mga puso, upang matupad ang iyong layunin sa kanilang pagkalikha. Panginoon, ikaw sana ang maging kanlungan at takbuhan nila sa oras ng kagipitan. Ipakita mo sa kanila araw-araw ang iyong walang hanggang kabutihan upang mahanap ka nila at sambahin magpakailanman. Ingatan mo sila sa lahat ng patibong ng kaaway, sa lahat ng lihim na balak na magpabagsak o magpatisod sa kanila. Hesus, iligtas at ipagtanggol mo sila. Nawa'y maitatag ang iyong plano sa kanilang buhay upang mamuhay sila ayon sa iyong kalooban. Salamat, Panginoon, sa iyong mga ginagawa at gagawin pa. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas