Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


60 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagdarasal nang may Pananampalataya

60 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagdarasal nang may Pananampalataya

Mahalaga ang panalangin at pananampalataya sa buhay natin bilang mga nananalig sa Diyos. Parang magkahawak-kamaay ang dalawang ito. Isipin mo, gaano ba kahalaga ang pananampalataya? Sobrang importante nito. At ang panalangin? Napakahalaga rin. Sabi nga sa Biblia, kung wala kang pananampalataya, imposibleng mapaluguran mo ang Diyos. Pero kahit may pananampalataya ka, kung hindi ka naman nananalangin, paano mo matatanggap ang mga hinihingi mo?

Kaya naman, kapag lumalapit ka sa Panginoon, siguraduhing busog ang iyong espiritu. Huwag mong hayaang mawalan ka ng pananampalataya kapag humihingi ka kay Hesus. Maniwala kang kaya Niyang gawin ang lahat ng bagay. Habang nagiging mas madalas ang iyong pananalangin, mas lalo mong makikilala ang Diyos at lalakas ang iyong pananampalataya. At kapag malakas ang iyong pananampalataya, makakakita ka ng mga himala.

Gusto ng Diyos na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan mo. Gagamitin Niya ang iyong pananampalataya para pagpalain ang ibang tao. Huwag kang mag-atubiling ipanalangin ang mga nangangailangan. Tandaan mo, ayon sa iyong pananampalataya, ibibigay sa iyo sa pangalan ni Cristo Hesus.

Manalangin tayo nang may katapatan, at lubos na magtiwala sa Diyos sa lahat ng pagkakataon.


Marcos 9:23

“Kung may magagawa ako?” tanong ni Jesus. “Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:3

Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:6

Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:15

Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:21-22

Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y maniniwala at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi. Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:24

Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:6

Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:9

Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:1

Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:7

“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:12

Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo at sa pamamagitan ng ating pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:12

Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14

May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:22

Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:22

Sumagot si Jesus, “Manalig kayo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:15

At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:6

Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:7

Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:17

Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5-6

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13

At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:14

Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 5:34

Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7-8

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:1

Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 17:20

Sumagot siya, “Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa.” [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:8

Sa lahat ng dako, nais kong ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:7

Sapagkat namumuhay kami batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:2

Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't pumapatay kayo, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:2

Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13-14

At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:23-24

Sa araw na iyon, hindi na ninyo kailangang humingi sa akin. Pakatandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa aking pangalan. Humingi kayo, at kayo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:19-20

Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:17

palagi kayong manalangin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:24

Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:2

Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin, iyo ngang pakinggan, aking mga daing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:17

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:18

Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:22

Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:15

Ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pananalangin. Ako'y aawit sa pamamagitan ng espiritu, ngunit gagamitin ko rin ang aking pag-iisip sa aking pag-awit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:41

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sa Iyo po ang aking pagsamba, Ama sa Langit. Ang buo kong pagkatao ay pumupuri at nagbibigay-dangal sa Iyong banal na pangalan, dahil sa Iyong kadakilaan at kagandahan. Lumalapit po ako sa Iyo ngayon, sa pamamagitan ng aking minamahal na si Hesus, at nagpapasalamat dahil ang Iyong pandinig ay laging nakabukas sa aking panalangin. Nakakapagpahinga po ako sa Iyo, at alam kong masisilayan ko ang Iyong kaluwalhatian na kikilos nang mahimalang paraan sa aking buhay at sa buhay ng aking pamilya. Sabi po sa Iyong salita, “Ito ang ating pagkakatiwala sa Diyos: kung hihingin natin ang anumang bagay ayon sa kanyang kalooban, tayo'y kanyang diringgin.” Panginoon, palakasin Ninyo po ako sa panalangin at tulungan Ninyo akong huwag manghina, bagkus ay manatiling matatag sa pananampalataya at maging matapang sa anumang pagsubok. Salamat po, Ama, dahil ang panalangin ang susi na nagbubukas ng lahat ng pinto at ito ang pinakamakapangyarihang sandata upang malutas ang anumang problema. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas