Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


110 Mga Talata sa Bibliya upang Ipanalangin ang Bansa

110 Mga Talata sa Bibliya upang Ipanalangin ang Bansa

Kapatid, tinatawag ng Diyos ang isang hukbo, mga mandirigmang handang ipaglaban ang bayan natin. Mga taong magtatatag ng Kanyang kaharian dito sa lupa at hindi susuko sa sistema ng mundong ito. Para mapanalangin mo ang ating bansa, mahalagang malaman mo ang kalooban ng Diyos para dito. Isipin mo kung ano ang nasa isip Niya at ang Kanyang maluwalhating plano.

Kapag alam mo na ang kalooban ng Diyos, handa ka nang makita ang sagot sa iyong panalangin. Kasi, ang tanging paraan para maging epektibo ang panalangin mo ay kung ginagabayan ka ng Espiritu Niya. Sa bawat pagsamo mo para sa ating bayan, sa gitna ng napakaraming pangangailangan nito, tumahimik ka muna at alamin mo ang kalooban ng Diyos.

Kapag narinig mo na ang tinig Niya sa iyong puso, saka ka manalangin ayon sa paraan ng Diyos. Nais Niyang tumayo ka bilang isang tagapamagitan sa panahong ito, na manalangin sa Kanyang harapan at humingi ng tawad para sa kasamaan at kasalanan ng sangkatauhan. Humingi ka ng tawad para sa imoralidad, kawalan ng hustisya, idolatrya, at lahat ng uri ng gawain na labag sa mga utos at batas ng Diyos.

Huwag mong tigilan ang pananalangin. Kapag tumigil ka, hinahayaan mong patuloy na maapektuhan ng kasamaan ang ating bansa. Inilagay ka ng Diyos sa lugar na ito na may magandang layunin: na makita ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan mo. Maging instrumento ka Niya. Ibuka mo ang iyong bibig upang magpuri, itaas mo ang iyong mga kamay upang humingi ng pagbabago, at hanapin mo ang pagkakaisa ng katawan ni Kristo para sama-sama tayong manalangin para sa iisang layunin at mas mabilis nating makita ang resulta ng ating mga panalangin.

Sinasabi sa Biblia1 na dapat tayong walang sawang manalangin. Ang ating bansa ay nararapat na ipag-ayuno, bantayan, at patuloy na hingan ng biyaya mula sa Diyos para makalaya tayo sa gapos ng kaaway at makapagpahinga mula sa lahat ng pang-aapi. Sa ganitong paraan, ang mga mamamayan ay mamumuhay nang mapayapa, ligtas, at may kaganapan.


Mga Gawa 10:34-35

At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:2

At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:21

At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:14

Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:28

Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:25

At pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:7

At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:4

Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:29

Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:1

Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:10-11

Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:23

Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:1

Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:7

Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:1

Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1-2

Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva; At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang; Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon. Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:17

Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:12

Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6-7

Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:34

Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:8

Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:26

At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: pagkatapos ay tatawagin ka, Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:17

Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:14

Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:6-7

Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:20

Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:18

Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1-2

Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:11

Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:29

Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:26-27

Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:5

Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:17

At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:1-4

Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin: At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba: at dadalanginang lagi siya ng mga tao: pupurihin nila siya buong araw. Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa. Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa. Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay: At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa. Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos. Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran. Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:4

Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:9

Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:1-2

Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya: Doo'y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat. Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod: Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin: At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan. At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya. Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon. Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:8

Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin: ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:1

Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:2

Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:10

Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:4

At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:8-9

Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1

Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:10

Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:22

Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:10

Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:20

Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:6

Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko. Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan. Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan. Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, at ang aking puso ay nagpalata sa akin. Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon. Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan. Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha. Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain. Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:26

At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:133

Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:10-11

Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:6

Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:8-9

Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi, sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili. Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29

Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 61:1-2

Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 37:27

Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:3

At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:11

At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19-20

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 3:4

Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:21

Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:1

Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:19

Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:9

Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:14

Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 39:12

Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:15

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:13

Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:3

Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:7

Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:10

Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:142

Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:16

Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:1-2

Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling. Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati: Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan. Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin? Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan. Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal. Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali. Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ikaw ang karapat-dapat, O Diyos na walang hanggan, kamangha-mangha, makatarungan, at walang katulad. Lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Jesucristo upang magpasalamat sa bansang aking kinamulatan. Ama naming minamahal, hinihiling ko na mapuno ito ng iyong kaluwalhatian, ng iyong kapangyarihan, at ng kapayapaang higit sa lahat ng pang-unawa. Sapagkat ang iyong salita ay nagsasabi: "At hanapin ninyo ang kapayapaan ng bayan na aking pinagdalhan sa inyo, at idalangin ninyo sa Panginoon; sapagkat sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon kayo ng kapayapaan." Nakatayo ako sa puwang upang mamagitan para sa kapayapaan ng aking bansa at para sa mga namumuno rito, dahil dito rin nakasalalay ang aking katahimikan. Ipadama mo sa akin, Espiritu Santo, na kailangan kong labanan ang kadiliman at ang mga kapangyarihan ng kasamaan upang makamtan ang kapayapaan. Diyos ng kaluwalhatian, dinadalangin ko ang aking pamilya at ang lahat ng iba pang pamilya, dahil sila ang pundasyon ng ating lipunan. Bawat isa sa kanila ay may responsibilidad na turuan ang mga mamamayan. Dalangin ko rin ang simbahan, ang mga pinuno nito, at ang mga kapatid. Tulungan mo kami, Panginoon, na maging mabuting halimbawa ng iyong pag-ibig, na hindi lamang ang pastor ang maging matuwid, kundi pati na rin ang mga nagsisimba. Dalangin ko ang mga tagapagtaguyod ng kultura na maging tagapagbigay ng mabuting kultura, edukasyon, at mataas na moralidad upang hindi sila madaig ng kadiliman, o mailigaw ang mga kabataan. Dalangin ko ang aming ekonomiya. Ang kaginhawaan sa buhay ay mahalaga para sa katahimikan ng espiritu, Panginoon, kaya't ipadala mo ang kasaganaan para sa mga negosyante, tagagawa, at tagapag-export ng lahat ng uri ng produkto. Ngayon, hinihiling ko ang buhay ng mga namumuno. Panginoon, nais naming mamuhay nang tahimik at mapayapa. Ipagkaloob mo sa amin ang isang mahusay at mapagkakatiwalaang sistema ng pamahalaan. Bunutin ang lahat ng korapsyon sa pulisya, sa guardia, sa bawat ahensiya ng pagpapatupad ng batas. Nawa'y gabayan, sawayin, at punuin sila ng karunungan ng iyong Espiritu Santo upang gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad at katotohanan. Protektahan, pagpalain, at ingatan mo sila at ang kanilang mga pamilya. Dalangin ko ang bansang aking tinitirhan dahil alam kong ikaw ay isang Diyos na hindi nalulugod sa kasamaan. Pagalingin mo ang aming lupain. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas