Alam mo, ang mga pastor natin, hindi sila perpekto. Tao rin sila, may mga pinagdadaanan, may mga pagsubok na kinakaharap araw-araw. Hindi natin trabaho na husgahan sila o ituro ang kanilang mga pagkakamali. Si Cristo Hesus lang ang may karapatang humatol, Siya lang ang tunay na Hukom.
Ang magagawa natin para sa kanila ay ilapit sila sa Diyos sa panalangin. Hilingin natin sa Espiritu Santo na palakasin sila sa kanilang mga kahinaan at huwag silang pabayaan. Alam naman natin na laging nakaabang ang diyablo para sirain ang mga pastor, alam niyang kapag nasira ang pastor, pwede niyang pahintuin ang gawain ng Diyos, maghasik ng pagkakawatak-watak, at tuluyang masira ang ministeryo.
Hindi sapat na sabihin lang natin na mahal natin sila. Kailangan nating ipakita ang pagmamahal natin sa pamamagitan ng ating mga gawa. Maging kalasag tayo para sa kanila. Tao lang din sila, kailangan din nila ng karamay at ng taong tutulong sa kanila.
Kung gusto mong mapalapit sa mga pastor at maging bahagi ng kanilang ministeryo, dapat matuto tayong maging mapagkumbaba at bantayan ang ating puso. Huwag nating asamin ang posisyon na hindi natin pinaghirapan sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila. Huwag din nating hanapin ang papuri ng tao.
Gawin nating magaan ang ating panalangin, ibigay natin kay Kristo ang lahat ng ating pasanin. Manalangin tayo ayon sa kalooban ng Diyos, humingi tayo ng gabay sa Espiritu Santo para maging epektibo ang ating panalangin at makita natin ang bunga nito sa tamang panahon. Kaya hinihikayat ko kayong lahat na maging mahusay na tagapamagitan para sa ating mga lider espirituwal. Huwag tayong tumigil sa pananalangin para sa kanila, tulad ng sinasabi sa Hebreo 13:71.
Kaya't muling sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: ako nga ang pintuang dinaraanan ng mga tupa.
alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo. At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.
Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila'y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.
Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan at isa ang pastol.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’
Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y nanlulupaypay at litung-lito, parang mga tupang walang pastol.
At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.
Ikumusta ninyo kami sa mga namumuno sa inyo at sa lahat ng kapatid. Kinukumusta kayo ng mga kapatid sa Italia.
Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos.
Ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa. Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan.
“Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.
alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo.
At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya,
At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.
Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod. Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos. Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.
At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal; hindi sila sumangguni kay Yahweh. Kaya hindi sila naging matagumpay, at ang mga tao'y nagsipangalat.
Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.
Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras?
Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.
Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?
Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. Kailangang subukin muna sila, at kung mapatunayang sila'y karapat-dapat, saka sila gawing mga tagapaglingkod. Gayundin naman, ang mga babaing tagapaglingkod ay dapat maging kagalang-galang, hindi tsismosa, mapagtimpi at matapat sa lahat ng mga bagay. Ang mga tagapaglingkod sa iglesya ay dapat isa lamang ang asawa at maayos mangasiwa sa kanilang mga anak at sambahayan. Ang mga tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay iginagalang ng mga tao at buong tiwalang makapagpapahayag tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon: Siya'y nahayag nang maging tao, pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan. Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo.
Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa ng iglesya. Hindi siya dapat mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi mapusok o sakim,
O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.
Sa ganyan ding paraan, ipinag-uutos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita.
Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo.
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.
Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid.
Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naliligaw, ngunit ngayon kayo'y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
“Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati.
Tulad niya'y mga tupa, sa patayan din hahantong, itong si Kamatayan ang kanyang magiging pastol. Ang matuwid, magwawagi kapag sumapit ang umaga, laban doon sa kaaway na ang bangkay ay bulok na sa daigdig ng mga patay, na malayo sa kanila.
Kaya ako'y nagdumali, upang hindi na mabalam, sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan.
Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap. Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin. Kayo rin ay gusali ng Diyos.
Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”
Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
Tinupad mo, O Yahweh, ang pangakong binitiwan, kay buti ng ginawa mo sa lingkod mong minamahal.
Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at may sapat na kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa.
Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.
Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy.
Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.
Siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan sa kanyang pastulan, mga tupang kanyang inaalagaan. At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:
Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!
Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat. Ikaw ba'y tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin.
“Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa bundok upang hanapin ang naligaw? Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”
O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak. Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan; doon sila umiinom sa batis ng kabutihan.
Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika.
Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang pumili ka ng mga matatandang mamamahala sa iglesya sa bawat bayan, ayon sa iniutos ko sa iyo.
Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag.
Bakit hindi ninyo pinapalakas ang mahihina, ni ginagamot ang mga maysakit, ni hinihilot ang mga pilay? Bakit hindi ninyo hinahanap ang nawawala, ni ibinabalik ang nalalayo? Sa halip ay ginagamitan ninyo sila ng kamay na bakal.
Ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan na siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo ang nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.
Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan. Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.
Kayong matalino, ang bagay na ito'y inyong unawain, pag-ibig ni Yahweh na di kumukupas ay inyong tanggapin.
Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.
Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.
“Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.
Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa,
Ako ang pinakahamak sa lahat ng mga pinili ng Diyos. Gayunma'y minarapat niyang ipagkaloob sa akin ang natatanging karapatan na ito, ang mangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil tungkol sa di-masukat na kayamanan ni Cristo,
“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.
Kung ipahintulot man niya na kayo'y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong Guro ay hindi magtatago sa inyo. Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”
Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.
Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.
kay buti mo, O Yahweh! Kay ganda ng iyong loob; sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.
Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”
Binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.
At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!”
Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.
Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman.
Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Ngunit ikaw, O Yahweh, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitiwan mo sa akin ay totoo.
Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?
Makikita ninyo, may haring mamamahala nang matuwid, at mga pinunong magpapairal ng katarungan. Pagkalipas ng isang taon mabibigo na kayo, sapagkat wala na kayong mapipitas na bunga ng ubas. Manginig kayo sapagkat matagal kayong nagpabaya at nagwalang bahala. Maghubad kayo ng inyong kasuotan, at magsuot ng damit-panluksa. Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan sapagkat wasak na ang masaganang bukirin at ang mabunga ninyong ubasan. Tinubuan na ito ng mga tinik at dawag. Tangisan ninyo ang dating masasayang tahanan, at lunsod na noo'y puno ng kagalakan. Pati ang palasyo ay pababayaan at ang pangunahing-lunsod ay mawawalan ng tao. Ang mga burol at tore ay guguho; ang lupain ay magiging tirahan ng maiilap na asno at pastulan ng mga tupa. Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang espiritu ng Diyos. Ang disyerto ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana. Ang katarungan at katuwiran ay maghahari sa buong lupain. Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman. Ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa isang payapa, ligtas, at tahimik na pamayanan. Kahit pa umulan ng yelo sa kagubatan at mapatag ang kabundukan. Sila'y magiging kanlungan sa malakas na hangin at pananggalang sa nagngangalit na bagyo; ang katulad nila'y batis sa tuyong lupain, parang malaking batong kublihan sa disyerto!
Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.
Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.
Ang mga pinunong mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos.
Bibigyan ko kayo ng mga pinunong sumusunod sa akin, at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa.
At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro.
ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.