Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


98 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsunod sa mga Magulang

98 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsunod sa mga Magulang

Alam mo, nais ng Diyos na matuto tayong lahat, bata, kabataan, o kahit matanda na, na igalang at sundin ang ating mga magulang. Para mabuhay tayo nang may karunungan.

“Igalang mo ang iyong ama at ina, gaya ng iniutos sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, upang humaba ang iyong buhay at maging maayos ang iyong pamumuhay sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.” (Deuteronomio 5:16). Nakaka-inspire talaga 'di ba?

Isipin mo, kahit si Hesus, noong bata pa Siya, kahit Siya ang Anak ng Diyos, sinunod Niya ang mga magulang Niya dito sa lupa. At lumaki Siyang puno ng karunungan. Lalo pa kaya tayo, dapat nating tularan ang magandang halimbawa Niyang ito.

Malaking biyaya ang naghihintay sa mga sumusunod sa kanilang mga magulang sa lahat ng bagay. Tandaan natin, may gantimpala ang pagsunod sa salita at mga walang hanggang prinsipyo ng Diyos. Kaya kapit lang tayo at patuloy na sumunod.


Exodus 21:15

“Sinumang magbuhat ng kamay sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:30

mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:16

“‘Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:1

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8

Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:20

Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 7:10

Halimbawa, iniutos ni Moises na ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’, at ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:24

Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:4

Sinabi ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:3

Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:20

Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:20

Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:16

“‘Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’ “Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:20-21

Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw. Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:5

Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:20

Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:26

Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:22

Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:24-25

Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:7

Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:11

May mga taong naninira sa kanilang ama, masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:17

Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:1

Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:19

Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 22:7

Nawala na ang paggalang sa mga magulang. Inapi ninyo ang mga dayuhan, gayon din ang mga ulila at balo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 1:6

Pinagsabihan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga paring lumalapastangan sa kanyang pangalan, “Pinaparangalan ng anak ang kanyang ama at ng alipin ang kanyang panginoon. Kung ako ang inyong ama, bakit hindi ninyo ako iginagalang? Kung ako ang inyong Panginoon, bakit hindi ninyo ako pinaparangalan? Nilalapastangan ninyo ako at pagkatapos ay itatanong pa ninyo, ‘Sa anong paraan namin kayo nilalapastangan?’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 4:6

Muling magkakasundo ang mga ama at ang mga anak. Kung hindi'y mapipilitan akong magtungo riyan at ganap na wasakin ang inyong bayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:19

igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:28-31

“Ano ang palagay ninyo rito? May isang taong may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at magtrabaho ka roon.’ ‘Ayoko po,’ tugon nito, ngunit nagbago ito ng pasya at nagtrabaho sa ubasan. Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng Panginoon at ibibigay niya agad ang mga iyon sa inyo.” Lumapit din ang ama sa ikalawa at ganoon din ang kanyang sinabi. At tumugon ito, ‘Opo,’ ngunit hindi naman pumunta sa ubasan. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: ang mga maniningil ng buwis at ang mga bayarang babae ay nauuna pa sa inyo na makapasok sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:19

Alam mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:51

Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:20

Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:26-27

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:2-3

“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:4

Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:16

Kailangang alagaan ng babaing mananampalataya ang mga kamag-anak nilang biyuda upang hindi sila maging pabigat sa iglesya. Sa gayon, ang aalagaan ng iglesya ay iyon lamang mga biyudang walang ibang maaasahan sa buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:2

Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:9

Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:17

“Sinumang magmura sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 20:9

“Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 21:18-21

“Kung matigas ang ulo at suwail ang isang anak, at ayaw makinig sa kanyang mga magulang sa kabila ng kanilang pagdisiplina, siya ay dadalhin ng kanyang mga magulang sa pintuang-bayan at ihaharap sa pinuno ng bayan. ipagbigay-alam ninyo iyon sa matatandang pinuno at mga hukom upang sukatin nila ang distansya ng mga lunsod sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Ang sasabihin nila, ‘Matigas ang ulo at suwail ang anak naming ito; at ayaw makinig sa amin. Siya ay lasenggo at nilulustay ang aming kayamanan.’ Pagkatapos, babatuhin siya ng taong-bayan hanggang sa mamatay. Ganyan ang inyong gagawin sa masasamang tulad niya. Mapapabalita ito sa buong Israel at matatakot silang tumulad doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:1

Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 17:20

Kinabukasan, maagang bumangon si David. Ipinagbilin niya sa iba ang mga tupang inaalagaan at nagpunta sa lugar ng labanan, dala ang pagkaing ipinabibigay ng kanyang ama. Nang dumating siya sa kampo, palusob na ang buong hukbo at isinisigaw ang kanilang sigaw pandigma.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 17:22

Iniwan ni David sa tagapag-ingat ng kagamitan ang kanyang dala at tumuloy siya sa lugar ng labanan upang kumustahin ang kanyang mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 2:19

Kaya't pumunta si Batsheba kay Haring Solomon upang sabihin ang kahilingan ni Adonias. Tumayo ang hari upang siya'y salubungin, yumuko sa kanya, at saka naupo sa kanyang trono. Nagpakuha ng isa pang trono, inilagay sa kanyang kanan at doon pinaupo ang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 35:18-19

At sinabi ni Jeremias sa angkan ng mga Recabita, “Ganito ang ipinapasabi sa inyo ni Yahweh: Naging masunurin kayo sa utos ng inyong ninunong si Jonadab. Sinunod ninyo ang lahat ng kanyang batas, at tinupad ninyo ang lahat ng iniutos niya sa inyo. Kaya naman, akong si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel ay nangangako: Ang lahi ni Jonadab na anak ni Recab ay hindi mawawalan ng isang lalaking mamumuno at maglilingkod sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:14

Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan, at hindi pa rin ako magiging pabigat sa inyo. Sapagkat kayo ang nais ko, at hindi kung anong mayroon kayo. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8

Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:23

Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:40

Ang bata'y lumaking malusog, puspos ng karunungan, at kalugud-lugod sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:46-47

Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:20-24

At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila. “Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18

Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:15

Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:4-7

Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang; ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam. Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi itong Banal na Diyos ng Israel. Ang kapangyarihan niya'y ayaw nilang gunitain, gayong sila'y iniligtas sa kaaway nilang taksil. Ang ginawa nitong Diyos na lubos na hinangaan, ay nangyari sa Egipto sa lupain nitong Zoan. Yaong mga ilog doo'y naging dugong umaagos, kaya walang makainom sa batis at mga ilog. Makapal na mga langaw at palaka ang dumating, nataranta silang lahat, di malaman ang gagawin. Dumating ang maninira sa taniman ng halaman, mga tanim ay kinain ng balang na di mabilang. Pati tanim na ubasa'y winasak ng ulang yelo, anupa't sa kalamiga'y namatay ang sikamoro. Nang ulanin na ng yelo, mga baka ay namatay, sa talim ng mga kidlat namatay ang mga kawan. Sa ganito ay nadama ang matinding poot ng Diyos, kaya sila ay winasak sa sama ng kanyang loob, mga anghel ang gumanap ng parusang sunud-sunod. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan, yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan; dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw. Yaong lahat na panganay sa Egipto ay pinatay, ang panganay na lalaki sa Egiptong lahi ni Ham. Tinipon ang kanyang hirang na animo'y mga tupa, inakay sa lupaing ilang sa kanyang pangunguna. Inakay nga at naligtas, kaya naman di natakot, samantalang ang kanilang kaaway ay nangalunod. Inihatid sila ng Diyos sa lupain niyang banal, sa bundok na mismong siya ang kumuha sa kaaway. Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan, pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan; sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan. Ngunit sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos, hindi nila iginalang ang kanyang mga utos; katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod, nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros. Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit, nang makita ang dambana ng larawang iniukit. Sumamâ ang loob niya noong ito ay mamasid, itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo, yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao. Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan, binayaan na mahulog at makuha ng kaaway. Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway, kaya naman ang marami sa kanila ay namatay. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan, dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa, ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa. Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; parang taong nagpainit sa alak na iniinom. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali, napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil, at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim. Sa halip, pinili niya'y ang sambahayan ni Juda, at ang bundok naman ng Zion ang tirahang minahal niya. Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-7

Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:10

Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:1-3

Aking anak, salita ko sana ay ingatan, itanim sa isip at huwag kalimutan. Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan, mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan. Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot, di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot. Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan, walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang. Lalaki'y kanyang susunggaban at pupupugin ng halik, at ang kanyang sasabihing punung-puno ng pang-akit: “Nasa amin ngayon ang marami kong mga handog, katatapos ko lang tupdin ang panata ko sa Diyos. Ako ay narito upang ika'y salubungin, mabuti't nakita kita pagkatapos kong hanapin. Ang aking higaa'y sinapnan ko nang makapal, linong buhat sa Egipto, iba't iba pa ang kulay. Ito'y aking winisikan ng pabangong mira, bukod pa sa aloe at mabangong kanela. Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa, ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya. Ako ay nag-iisa, asawa ko'y nasa malayo, pagkat siya ay umalis sa ibang lugar nagtungo. Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal, turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata. Marami ang baon niyang salapi, pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.” Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok, sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog. Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok, parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod, mailap na usa, sa patibong ay nahulog, hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos. Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad, hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas. Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig, at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig. Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis, sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan. Ito'y itali mo sa iyong mga kamay, at sikapin mong matanim sa iyong isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:32-33

“At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan, sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay. Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo, huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:29

Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3-5

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak. Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:3-4

Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang bahay, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan. Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito. Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magandang aral: Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan. Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay dahil sa karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:3

Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:4

Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:12

Ang mga tagapaglingkod sa iglesya ay dapat isa lamang ang asawa at maayos mangasiwa sa kanilang mga anak at sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:7-8

Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo. Sa gayon, mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:17

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:3

sapagkat ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman napakahirap sundin ang kanyang mga utos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:19-24

Pakinggan mo itong ipapayo ko sa iyo at tutulungan ka ng Diyos. Ikaw ang lalapit sa Diyos para sa kanila at magdadala sa kanya ng kanilang mga usapin. Si Jetro ang nag-aruga kay Zipora nang ito'y pauwiin ni Moises sa Midian Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga tuntunin, at ikaw rin ang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu. Sila na ang bahalang humatol sa maliliit na usapin, at ang mabibigat na kaso lamang ang ihaharap sa iyo. Sa gayon, hindi ka masyadong mahihirapan sapagkat matutulungan ka nila sa iyong gawain. Kung ganoon ang gagawin mo, na siya namang utos ng Diyos, hindi ka mahihirapan at madali pang maaayos ang anumang suliranin ng taong-bayan.” Pinakinggan ni Moises ang payo ng kanyang biyenan at sinunod niya ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:14

Ako'y kanyang magiging ama at siya'y aking magiging anak. Kung siya'y magkasala, paparusahan ko siya tulad ng pagpaparusa ng ama sa nagkakasalang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:1-2

Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas. Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan. Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya. Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18-19

Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:10

Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:20

Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga tuntunin, at ikaw rin ang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:5

ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:1

Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:11

Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:29

at kasama ko ang nagsugo sa akin at hindi niya ako iniiwan, sapagkat lagi kong ginagawa ang kalugud-lugod sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:5-6

Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:17

Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:52

Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:12-13

Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:13

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, ikaw ang pinakamagandang halimbawa ng pagsunod para sa mga magulang, at alam naming nais mo rin kaming maging katulad mo – mga anak na may pusong masunurin at handang matuto, na pinahahalagahan ang iyong mga utos at itinuturing na mahalaga ang bawat aral at gabay ng aming mga magulang. Dalangin ko po na bigyan mo ang bawat anak ng pusong nakakaunawa at sumusunod sa iyong salita. Nawa'y ang iyong Banal na Espiritu ay magbigay sa kanila ng karunungan araw-araw upang igalang at mahalin ang kanilang mga magulang. Hayaan mong ang puso ng mga anak ay bumaling sa kanilang mga magulang nang may paggalang, pagpapasakop, at pagsunod, upang magkaroon sila ng mahaba at masaganang buhay. Sabi mo nga po sa iyong salita: “Igalang mo ang iyong ama at ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos, upang humaba ang iyong buhay at maging maunlad ka sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” Panginoong Hesus, palayain mo at panumbalikin ang buhay ng mga anak. Gibain mo po ang anumang paghihimagsik, kapalaluan, katigasan ng ulo, at pagsuway sa kanilang mga puso. Lagyan mo sila ng pagnanais na hanapin ang iyong presensya at pagnilayan ang iyong salita, upang ang kanilang buhay ay mabago at mapatnubayan mo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas