Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


60 Mga Talata sa Bibliya upang Pagpalain ang Israel

60 Mga Talata sa Bibliya upang Pagpalain ang Israel

Alam mo, kalooban talaga ng Diyos na pagpalain natin ang Israel, ang Kanyang hinirang na bayan. Malinaw na malinaw ito sa Kasulatan, na sa lahat ng bansa, pinili Niya ang Israel para ipakita ang Kanyang kadakilaan.

Isipin mo, ang layunin ng Diyos sa pagpili sa Israel ay para maging huwaran sila para sa ibang mga bansa. Para sa pamamagitan nila, lahat ng pamilya sa mundo ay pagpapalain. Nakakamanghang pag-isipan 'di ba?

Napakalawak ng awa ng Diyos. Kahit ang mga taong nagpako kay Kristo, may natira pa ring ilan sa kanila na pinapanatili Niya. Talagang hindi masukat ang biyaya ng Diyos.

Manalangin tayo nang taimtim para sa mga natitirang ito. Ipagdasal natin ang lahat ng naninirahan sa Israel. Kasi sabi nga, ang nagpapala sa Israel ay pagpapalain din.

At siyempre, huwag din nating kalimutan na ipanalangin ang lahat ng bansa sa mundo. Nawa'y lahat tayo ay mapuspos ng pagmamahal at biyaya ng Diyos.


Genesis 12:2

Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:23

Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: “Muling sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa kanyang mga lunsod, kapag ibinalik ko na sila sa kanilang tahanan: ‘Pagpapalain ni Yahweh ang bundok na banal ng Jerusalem, na kanyang tinatahanan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 19:24

Sa araw na iyon, ang Israel ay magiging kapanalig ng Egipto at Asiria, at sila'y magiging pagpapala sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:13

Iibigin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo. Magkakaroon kayo ng maraming anak, at bibigyan ng masaganang ani, inumin at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop. Tutuparin niya ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 9:22

Itinaas ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 26:3

Dito ka muna; sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi ang buong lupaing ito, tulad ng aking ipinangako sa iyong amang si Abraham.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 48:20

Sinabi pa niya ito: “Ang mga Israelita, sa Diyos ay hihilingin, dahil kayo'y pinagpala, sila ma'y pagpalain din. Sa kanilang kahilingan, ganito ang sasabihin: ‘Kayo nawa ay matulad kay Efraim at Manases.’” Sa ganitong paraan ginawa ni Jacob na una si Efraim kay Manases.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:3

Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:9

Ang lahi nila ay makikilala sa lahat ng bansa, ang mga anak nila'y sisikat sa gitna ng madla; sinumang makakita sa kanila ay makikilalang sila ang aking bayang pinagpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 49:25

Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo, ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo. Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan, malalim na tubig sa lupa'y bubukal; dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:16

kapag sinunod ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon mula kay Yahweh na inyong Diyos, at kung mahal ninyo siya at ginagawa ang kanyang kagustuhan, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Bibigyan niya kayo ng mahabang buhay at gagawing isang malaking bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6

Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:1-2

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila! Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan, dala ang gantimpala sa mga hinirang. At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling. Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol? Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh? May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya? Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan? Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan? Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa? Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan, tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan; at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang. Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon. Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon. Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa. Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad? Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao, na binalutan ng ginto, at ipinatong sa pilak? Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:1

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 39:5

Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:13

Bayan ng Juda at Israel, kayo ang naging sumpa sa mga bansa. Sinasabi nila, ‘Danasin sana ninyo ang kahirapang dinanas ng Juda at ng Israel.’ Ngunit ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala para sa kanila. Kaya huwag kayong matakot at lakasan ninyo ang inyong loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:11

Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:1-2

Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:15

Ilalayo niya kayo sa mga karamdaman. Alinman sa mga sakit na ipinaranas sa mga Egipcio ay hindi niya padadapuin sa inyo kundi sa inyong mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:18-19

Si Yahweh, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla; ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa. Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman, at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan! Amen! Amen!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:5

Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala, mga bansang hindi ka kilala'y sa iyo pupunta. Darating sila alang-alang sa iyong Diyos na si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, sapagkat pinaparangalan ka niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:7

“Ang mga kaaway na magtatangkang lumaban sa inyo ay matatalo ninyo sa tulong ni Yahweh. Sasalakayin nila kayo ngunit magkakanya-kanya sila sa pagtakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:27

Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 2:8

Pagkatapos ng pangitaing ito, isinugo ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa mga taong nanamsam sa kanyang bayan at ipinasabi ang ganito: “Sinumang lumaban sa aking bayan ay para na ring lumaban sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:8

Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 137:5-6

Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 30:30

Ang kaunti ninyong kabuhayan bago ako dumating ay maunlad na ngayon, sapagkat pinagpala kayo ni Yahweh dahil sa akin. Kaya, dapat namang iukol ko na ngayon ang aking panahon sa aking sambahayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:12-13

Ang Diyos ay magpapala, hindi tayo lilimutin, pagpapala'y matatamo nitong bayan ng Israel; pati mga pari'y may pagpapalang kakamtin. Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala, kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 3:8

Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 22:18

Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 28:14

Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:7

At ang mga sumpang ito'y ipapataw ni Yahweh sa inyong mga kaaway na nagpahirap sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:4

“Walang maghihirap sa inyo sa lupaing ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh sapagkat tiyak na pagpapalain niya kayo

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:22

Ang sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan: “Huhudyatan ko ang mga bansa, at ang mga anak mo'y iuuwi nila sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:13-14

Pinili ni Yahweh, na maging tahanan ang Lunsod ng Zion. Ito ang wika niya: “Doon ako titira panghabang panahon, ang paghahari ko'y magmumula roon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:1-2

Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip. Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 37:21-22

habang sinasabi mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Titipunin ko ang mga Israelita mula sa mga dakong kinatapunan nila upang ibalik sila sa sarili nilang bayan. Sila'y pag-iisahin ko na lamang. Isa lamang ang magiging hari nila; hindi na sila mahahati, sila'y gagawin kong isa na lamang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 62:6-7

Naglagay ako ng mga bantay sa mga pader mo, Jerusalem; hindi sila tatahimik araw at gabi. Ipapaalala nila kay Yahweh ang kanyang pangako, upang hindi niya ito makalimutan. Huwag ninyo siyang pagpapahingahin hanggang hindi niya naitatatag muli itong Jerusalem; isang lunsod na pinupuri ng buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 27:29

Hayaan ang mga bansa'y gumalang at paalipin; bilang pinuno, ikaw ay kilalanin. Igagalang ka ng mga kapatid mo, mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo. Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din, ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:4

May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:5

“Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:24-26

Titipunin ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:2-3

Gumawa ka ng mas malaking tolda, palaparin mo ang kurtina niyon. Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon, pahabain mo ang mga tali. Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos. Sapagkat kakalat kayo sa buong daigdig, aangkinin ng inyong lahi ang ibang mga bansa; at pananahanan nila ang mga lunsod doon, na iniwanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 87:1-3

Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod, ang lunsod na ito'y higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob. Kaya't iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 12:10

“Ang lahi ni David at ang mga taga-Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:26-27

Pagpapalain ko sila at ang lupain sa palibot ng burol na itinalaga nila sa akin. At pauulanin ko sa kapanahunan. Sila'y pauulanan ko ng pagpapala. Mamumunga ang mga punongkahoy sa kabukiran. Mag-aani sila nang sagana buhat sa kanilang lupain at sila'y mamumuhay doon nang panatag. At kung mapalaya ko na sila mula sa umaalipin sa kanila, makikilala nilang ako si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:14-15

Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan, anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang. Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos, pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:22-23

Ang sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan: “Huhudyatan ko ang mga bansa, at ang mga anak mo'y iuuwi nila sa iyo. Ang mga hari ay magiging parang iyong ama at ang mga reyna'y magsisilbing ina. Buong pagpapakababang yuyukod sila sa iyo bilang tanda ng kanilang paggalang; sa gayon ay malalaman mong ako nga si Yahweh. Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:10

“Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ni Yahweh, at ipahayag ninyo sa malalayong lupain: ‘Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila'y muli kong titipunin at aalagaan, gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:1-2

Magbangon ka, O Diyos, kaaway ay pangalatin, at ang mga namumuhi'y tumakas sa kanyang piling! At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod, ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos. May utos na pinalabas na si Yahweh ang nagbigay, ang nagdala ng balita ay babaing karamihan; ang balitang sinasabi: “Nang dahil sa takot, mga hari't hukbo nila'y tumatakas sa labanan!” Kaya ang mga babae na ang nagparte ng samsam. Para silang kalapati, nararamtan noong pilak, parang gintong kumikinang kapag gumalaw yaong pakpak; (Bakit mayro'ng sa kulungan ng tupa napasadlak?) Mga haring nagsitakas pagsapit ng Bundok Zalmon, ang yelo ay pinapatak ni Yahweh sa dakong iyon. O kay laki niyong bundok, yaong bundok nitong Bashan; ito'y bundok na kay raming taluktok na tinataglay. Sa taluktok mong mataas, bakit kinukutya wari yaong bundok na maliit na ang Diyos ang pumili? Doon siya mananahan upang doon mamalagi. Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal. At sa dakong matataas doon siya nagpupunta, umaahon siya roon, mga bihag ang kasama; kaloob mang nagbubuhat sa tauhang nag-aalsa, tinatanggap ng Panginoong Yahweh na doon na tumitira. Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah) Kung paano'ng yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila papaalisin; at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw, sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:8

Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan, sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 1:11

Iginagalang ang aking pangalan ng lahat ng mga bansa mula silangan hanggang kanluran. Nagsusunog sila ng insenso at nag-aalay ng malilinis na handog para sa akin. Ako'y pinaparangalan nilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:2-3

Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at paniki, ang mga rebultong yari sa ginto at pilak na ginawa nila upang kanilang sambahin. Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga bitak ng matatarik na burol, upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan, kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig. Huwag ka nang magtitiwala sa kapangyarihan ng tao. Siya ay hininga lamang, at tiyak maglalaho. Ano nga ba ang maitutulong niya sa iyo? Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:26

Kapag nangyari iyon, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19-20

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal. Kapag kayo at ang mga anak ninyo ay manunumbalik kay Yahweh upang buong puso't kaluluwang sundin ang kanyang mga utos na aking binabanggit sa inyo ngayon, Ibigin ninyo si Yahweh, sundin siya at manatiling tapat sa kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:4

Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:34-35

Ipahayag ng balana, taglay niyang kalakasan, siya'y hari ng Israel, maghahari siyang tunay; 'yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan. Kahanga-hanga ang Diyos sa santuwaryo niyang banal, siya ang Diyos ng Israel na sa tana'y nagbibigay ng kapangyariha't lakas na kanilang kailangan. Ang Diyos ay papurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at wakas. Nawa’y pagpalain Mo ang lahat ng salinlahi ng Iyong bayan. Sa gitna ng mga alitan at digmaan, ikaw ang lumaban para sa Iyong minamahal na bansa. Pagpalain Mo ang Israel at lahat ng naninirahan dito, pagpalain Mo ang kanilang pagpasok at paglabas, palagi nawa silang ligid ng Iyong biyaya, paglingap at awa. Nawa’y ang Iyong kapayapaan na higit sa lahat ng pang-unawa ay manahan sa kanilang mga puso. Hinihiling ko rin na kilalanin nila sa kanilang buhay ang bagong tipan ng kaligtasan, na Iyong itinatag sa krus sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo. Panginoon, sabi ng Iyong salita, “Pagpapalain ko ang mga nagpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga sumusumpa sa iyo; at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.” Diyos ko, hindi ako titigil sa paghiling ng kapayapaan at pagpapala para sa Iyong bansa, dahil doon nakasalalay ang aking pagpapala at ng aking pamilya. Panginoon, sa Iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas