Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


53 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapala ng Pamilya

53 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapala ng Pamilya

Alam mo, mula pa noong paglikha ng tao, ang plano ng Diyos para sa pamilya ay punong-puno ng pagpapala at kabutihan. Napakahalaga ng pamilya sa Kanya. Isipin mo, isa ito sa pinakamahalagang nilikha Niya noong ginawa Niya ang mundo.

Sa Biblia, ang dami nating mababasang pangako ng pagpapala para sa pamilya. Napakabuti at maawain kasi ng ating Ama sa Langit. Kaya naman, puro kabutihan ang iniisip Niya para sa lahat ng pamilya sa mundo. Sa gitna ng kasamaan at kasalanan, iniingatan Niya tayo nang may walang hanggang pagmamahal.

At ang maganda pa nito, lahat ng pagpapalang ito, abot-kamay natin! Pero kailangan din nating gawin ang ating parte para ma-activate ang mga ito. Una sa lahat, kailangan nating mapalapit sa Diyos. Magbasa tayo ng Kanyang salita, lagi tayong manalangin, at sundin natin ang Kanyang mga utos.




Mga Gawa 16:31

Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:3

Pagpapalain ko ang magmamagandang loob sa iyo. Pero isusumpa ko naman ang susumpa sa iyo. Sa pamamagitan mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 12:28

Sundin ninyo ang lahat ng tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo, para laging maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng lahi ninyo, dahil mabuti at tama ang pagsunod sa mga ito sa paningin ng Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 28:14

Ang mga lahi mo ay magiging kasindami ng alikabok sa lupa. Mangangalat sila sa ibaʼt ibang bahagi ng lupa. Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 17:7

Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo at sa mga lahi mo sa susunod mo pang mga henerasyon, na patuloy akong magiging Dios ninyo. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:3

Sapagkat binigyan kita ng tubig na pamatid uhaw at babasa sa iyong lupang tigang. Ibibigay ko ang aking Espiritu sa iyong lahi at pagpapalain ko sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:14

Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:4

Ngunit kung may mga anak o apo ang isang biyuda, sila ang dapat kumalinga sa kanya bilang pagpapakita ng takot nila sa Dios at bilang pagtanaw ng utang na loob sa magulang nila. Sapagkat nakalulugod ito sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-4

Mapalad kayong may takot sa Panginoon, na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan. Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya. Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo. Ganito pagpapalain ang sinumang may takot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:57

Samahan sana tayo ng Panginoon na ating Dios tulad ng pagsama niya sa ating mga ninuno. Huwag sana niya tayong itaboy o pabayaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Ang taong matuwid ay walang kapintasan. Mapalad ang mga anak niya kung siya ang kanilang tinutularan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 1:21

At dahil sa iginagalang ng mga kumadrona ang Dios, binigyan sila ng Dios ng sarili nilang pamilya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-7

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

Pero kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga dios na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog ng Eufrates, o sa mga dios ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Pero para sa akin at sa pamilya ko maglilingkod kami sa Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:23

Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:20

Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1-4

Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon. At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag. Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot nʼyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot nʼyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin nʼyo bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Dios ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. “Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. Sapagkat isinugo ako ng Dios para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tykicus, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, para malaman nʼyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko. Ito ang dahilan kung bakit pinapupunta ko siya sa inyo: Para malaman nʼyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo. Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Pagpalain nawa ng Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng nagmamahal sa kanya nang tapat. At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.” At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:27-28

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:39

Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay upang sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1-3

Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon. At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag. Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot nʼyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot nʼyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin nʼyo bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Dios ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. “Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. Sapagkat isinugo ako ng Dios para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tykicus, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, para malaman nʼyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko. Ito ang dahilan kung bakit pinapupunta ko siya sa inyo: Para malaman nʼyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo. Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Pagpalain nawa ng Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng nagmamahal sa kanya nang tapat. At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3-5

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon. Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama ay parang pana sa kamay ng sundalo. Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19

Kaya kayong mga hindi Judio ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kaisa na ng mga pinabanal at kabilang sa pamilya ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:20

Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17-18

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:18-21

Mga babae, magpasakop kayo sa asawa nʼyo, dahil iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan. Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay. Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang nʼyo sa lahat ng bagay, dahil kalugod-lugod ito sa Panginoon. Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo para hindi sila panghinaan ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:28-29

Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi, “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit ikaw ang pinakamabuti sa kanilang lahat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 49:28

Sila ang 12 anak ni Jacob na pinanggalingan ng mga lahi ng Israel. At iyon ang huling habilin ni Jacob sa bawat isa sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Cristiano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Dios ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Dios ang mga panalangin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:26

Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram, at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

Ako ang magtuturo sa iyong mga mamamayan, at magiging mabuti ang kanilang kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:19

Pinili ko siya para ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1

Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1-2

Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos. Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama. Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:19-20

“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit. Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7-8

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Maraming salamat po, Panginoon, sa buhay na kaloob mo. Nagpapasalamat ako sa kalusugan at sa walang sawang awa mo bawat umaga. Salamat po sa 'yong katapatan, sa paggabay sa aking mga hakbang, at sa 'yong presensya sa aking buhay. Nagpapasalamat din po ako sa pamilyang ipinagkaloob mo at hinihiling ko na manatili ang iyong pagpapala sa amin. Nawa'y mabuhay kami nang may pagkakaisa at malalim na pakikipag-ugnayan sa'yo upang maging mabuting halimbawa kami sa iba. Dalangin ko rin po na ang bawat miyembro ng aking pamilya ay magkaroon ng pusong handang maglingkod sa'yo nang may buong sigla. Alam ko pong nais mo na ang bawat pamilya ay mamuhay ayon sa iyong plano at layunin. Tulungan mo po kaming matutong mamuhay nang may pagkakaunawaan. Bigyan mo kami ng karunungan upang makagawa ng tamang desisyon, na ang bawat isa ay magabayan ng iyong Banal na Espiritu, nang sa gayon ay patuloy na dumaloy ang iyong pagpapala sa amin. Hinihiling ko rin po na palakasin mo kami sa bawat pagsubok, at patuloy naming masaksihan ang iyong kadakilaan sa lahat ng aspeto ng aming buhay. Ingatan mo po kami at ilayo sa lahat ng kapahamakan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas