Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


73 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapala At Pagsumpa

73 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapala At Pagsumpa

Malinaw sa Biblia ang kahalagahan ng ating mga salita. Kapag nagsasalita tayo nang may biyaya at katapatan, tatanggapin natin ang pagpapala ng Diyos. Pero kapag nagsasalita tayo nang may kasinungalingan at kasamaan, susundan tayo ng mga sumpa at hindi magagandang resulta.

May kapangyarihan ang ating mga salita na magbigay-buhay o magdulot ng kamatayan. Kaya naman, ang anumang sabihin natin para sa pagpapala ay magkakatotoo, at ang anumang sabihin natin para sa sumpa ay hindi kalulugdan ng Diyos. Dapat tayong maging bukal ng walang humpay na pagpapala, iwasan ang pagmumura, at laging hanapin ang pagpapala sa ating sarili.

Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa salita ng Diyos at pag-unawa sa ating misyon sa mundo bilang bahagi ng katawan ni Cristo. Tandaan natin na bilang mga anak ng liwanag, dapat sumasalamin ang ating pananalita sa kaisipan ng ating Ama sa Langit, nagpapakita ng halimbawa ng totoong salita sa lahat ng oras.

Sa gitna ng mga paghihirap ng mundo, dalhin natin ang pagpapala ng Diyos sa lupa, naghahasik ng kapayapaan, pagkakaisa, kaayusan, at pagmamahal. Sinasabi sa atin sa Deuteronomio 28:2 na ang lahat ng mga pagpapalang ito ay darating at aabot sa atin kung susundin natin ang Panginoon nating Diyos.


Genesis 12:3

Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:28

Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:27

Pagpapala kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:26

“Sa araw na ito, binibigyan ko kayo ng pamimilian: pagpapala o sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:13

Bayan ng Juda at Israel, kayo ang naging sumpa sa mga bansa. Sinasabi nila, ‘Danasin sana ninyo ang kahirapang dinanas ng Juda at ng Israel.’ Ngunit ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala para sa kanila. Kaya huwag kayong matakot at lakasan ninyo ang inyong loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 8:34

Sa sandaling iyo'y binasa ni Josue ang Kautusan, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, ayon sa nasusulat sa aklat ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:10

Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:9

Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:13

Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 13:2

Ipinagbawal ito, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkain at inumin ng mga Ammonita at Moabita nang dumaan ang mga Israelita sa lupain ng mga ito noong lumabas sila sa Egipto. Sa halip, inupahan pa ng mga ito si Balaam upang sumpain ang Israel, subalit ang sumpang iyon ay ginawa ng Diyos natin na isang pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:1-2

“Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa. Sa ganoon makikita ng lahat ng bansa na kayo'y kanyang bayan, at matatakot sila sa inyo. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Pararamihin niya ang inyong anak, at mga hayop, at pasasaganain ang ani ng inyong bukirin. Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. Dahil dito, hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa. Gagawin kayo ng Diyos ninyong si Yahweh na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod. Uunlad kayo at hindi mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon. Huwag ninyong lalabagin ang alinman sa sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong lilihis sa kanan o sa kaliwa. Huwag kayong tatalikod kay Yahweh ni sasamba o maglilingkod sa mga diyus-diyosan. “Subalit kung hindi kayo makikinig kay Yahweh na inyong Diyos at hindi susunod sa kanyang mga utos at mga tuntuning ibinibigay ko sa inyo ngayon, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito: “Susumpain niya kayo, ang inyong mga lunsod at ang inyong mga bukid. “Susumpain niya ang imbakan ng inyong inaning butil at ang mga pagkaing nagmumula roon. “Susumpain niya kayo at magkakaroon lamang kayo ng iilang anak, mahinang ani, at kaunting alagang hayop. “Mabibigo kayo sa lahat ng inyong gagawin. Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:15

“Subalit kung hindi kayo makikinig kay Yahweh na inyong Diyos at hindi susunod sa kanyang mga utos at mga tuntuning ibinibigay ko sa inyo ngayon, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19-20

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal. Kapag kayo at ang mga anak ninyo ay manunumbalik kay Yahweh upang buong puso't kaluluwang sundin ang kanyang mga utos na aking binabanggit sa inyo ngayon, Ibigin ninyo si Yahweh, sundin siya at manatiling tapat sa kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:22

Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh, lupang masagana, kanilang bahagi; ngunit ang sinuman na kanyang sumpain, sa lupaing iyon ay palalayasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:1

“Naipahayag ko na sa inyo ang mga pagpapala at ang mga sumpa; piliin ninyo kung alin ang gusto ninyo. Kapag nangyari na sa inyo ang mga ito at naninirahan na kayo sa mga bansang bumihag sa inyo, maaalala ninyo ang bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:12

Nagpapakahirap kami at nagbabanat ng buto para kumita ng ikabubuhay. Idinadalangin namin ang mga lumalait sa amin; kapag kami'y inuusig, nagtitiis kami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:26-28

“Sa araw na ito, binibigyan ko kayo ng pamimilian: pagpapala o sumpa. Pagpapala kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos, ngunit sumpa kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:2

Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:17

Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:4

Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal; ang magsinungaling, inyong kasiyahan. Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala, subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 22:6

Napakarami nila. Magpunta ka agad dito at sumpain mo sila. Siguro malulupig ko sila pagkatapos mong sumpain sapagkat alam kong pinagpapala ang binabasbasan mo at minamalas naman ang mga isinusumpa mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:22

Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:12

Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 20:9

“Ang sinumang magmura sa kanyang ama at ina ay dapat patayin. Mananagot ang sinumang lumait sa kanyang ama at ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:2

“Kung hindi ninyo ito papakinggan at isasapuso bilang pagpaparangal sa aking pangalan, susumpain ko kayo at ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari. Sa katunayan, sinumpa ko na ang mga iyon, sapagkat hindi ninyo isinasapuso ang aking utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:17

“Sinumang magmura sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 6:24-26

Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-3

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi. Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:14

Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:13-14

Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.” Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1-3

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:1-14

“Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa. Sa ganoon makikita ng lahat ng bansa na kayo'y kanyang bayan, at matatakot sila sa inyo. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Pararamihin niya ang inyong anak, at mga hayop, at pasasaganain ang ani ng inyong bukirin. Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. Dahil dito, hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa. Gagawin kayo ng Diyos ninyong si Yahweh na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod. Uunlad kayo at hindi mabibigo kung susundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon. Huwag ninyong lalabagin ang alinman sa sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong lilihis sa kanan o sa kaliwa. Huwag kayong tatalikod kay Yahweh ni sasamba o maglilingkod sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:23

Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 1:21

Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:10-12

Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:9

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:4

Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan, silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:34

Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:38

Sila'y pinagpala't lalong pinarami ang kanilang angkan, at dumarami rin pati mga baka sa kanilang kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:35

Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:5

Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:25-26

Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman. Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-2

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:29

Naniniwala akong pagpunta ko riyan ay taglay ko ang masaganang pagpapala ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:20

Dahil sa pananampalataya, iginawad ni Isaac kina Jacob at Esau ang pagpapala para sa hinaharap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:17

Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain, upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:6

Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:11

Dahil sa salita ng matuwid ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama ang lunsod ay nawawasak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:13

Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 26:2

kumuha kayo ng unang bunga ng inyong mga pananim. Ilagay ninyo iyon sa isang basket at dalhin sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Yahweh na kung saan ay sasambahin ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:9

Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:5-6

Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:16

Sinuman sa lupain ang nais na pagpalain, doon siya humingi sa Diyos na matapat. At sinuman ang gustong mangako, sa pangalan ng Diyos na matapat, gawin niya ito. Mapapawi na at malilimutan, ang hirap ng panahong nagdaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:21

Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:7

Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 12:2-3

Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. Iniutos ng Faraon sa kanyang mga tauhan na paalisin ang mag-asawa, dala ang lahat nilang ari-arian. Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming mapagmahal at tapat na Diyos sa kalangitan, nagpapakumbaba ako sa iyong harapan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Gabayan mo po ako sa lahat ng aking mga desisyon, nawa'y ang mga ito ay magdulot ng pagpapala at hindi sumpa. Panginoong Hesus, bantayan mo po ang aking bibig, nawa'y ang lahat ng aking sabihin ay magbigay-buhay at magdala ng pagpapala, hindi kamatayan at sumpa. Sa gitna po ng mundong puno ng kasamaan, nawa'y ang aking pamilya at ako ay mamuhay nang kalugod-lugod at may integridad sa iyong paningin. Tulad ng sabi sa iyong salita, "Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama, ngunit kanyang pinagpapala ang tahanan ng matuwid." Huwag mo po sanang hayaang makapasok ang anumang karumihan o kasamaan sa aking buhay at sa buhay ng aking pamilya. Nawa'y maging mapagbantay ako upang ang iyong pagpapala ay maghari sa aming tahanan, isinasara ang lahat ng pintuan sa sumpa, pagkawasak, kahirapan, at kapahamakan, at hindi binibigyan ng puwang ang kaaway. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas