Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aani

107 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aani

Nabanggit nang maraming beses sa Biblia, sa Lumang Tipan at Bagong Tipan, ang ideya ng pag-aani. Hindi lang ito tumutukoy sa pagkolekta ng mga ani sa bukid, kundi may malalim din itong espirituwal na kahulugan.

Sa Galacia, binanggit ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-aani sa espirituwal na aspeto: "Huwag kayong padaya: hindi kayo maaaring maglaro sa Diyos. Kung ano ang itinanim ng isang tao, iyon din ang kanyang aanihin." (Galacia 6:7). Mahalagang tandaan na lahat ng ating ginagawa ay may kaakibat na bunga, positibo man o negatibo. Tulad ng isang magsasaka na nagtatanim ng mga buto para sa masaganang ani, dapat din tayong magtanim ng mabubuting gawa at asal para umani ng mga biyaya sa ating buhay.

Ibinahagi rin ni Hesus ang talinghaga tungkol sa trigo at mga damo sa Mateo 13:24-30. Ipinaliwanag niya kung paano kumakatawan ang mabuting butil sa mga sumusunod sa Diyos at namumunga, habang ang mga damo naman ay sumisimbolo sa mga gumagawa laban sa kaharian ng Diyos. Itinuturo sa atin ng talinghagang ito na ang huling pag-aani ay ang paghuhukom, kung saan ang bawat isa ay paghihiwalayin ayon sa kanilang mga gawa at asal.

Ang pag-aani ay may kaugnayan din sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Dahil marami ang ani at kakaunti ang manggagawa, kailangan nating lahat, bilang bahagi ng katawan ni Kristo, na puntahan ang mga kaluluwang nabalitaan na ng ebanghelyo ng kaligtasan at simulan nang mag-ani. Inihanda na ni Hesus ang daan para sa atin, at sinabi Niya na sa panahong ito, mag-aani tayo ng napakaraming kaluluwa para sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan.


Mateo 9:37-38

Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:10

Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:37

Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:35

“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6

Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 67:6

Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:5

Ang nag-iimbak kung tag-araw ay nagpapakilala ng katalinuhan, ngunit ang natutulog kung anihan ay nag-iipon ng kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:37

Sila'y nagbubukid, nagtatanim sila ng mga ubasan, umaani sila ng saganang bunga, sa lupang tinamnan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:12

Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:2

Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5-6

Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 1:11

Malungkot kayo, mga magsasaka! Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada, sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:3-4

“Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ang aking mga utos, Wawasakin ko ang inyong mga altar sa burol at ang altar na sunugan ng insenso. Itatakwil ko kayo at itatambak ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng inyong mga diyus-diyosan. Wawasakin ko ang inyong mga lunsod, at iiwanan kong tiwangwang ang mga santuwaryo at hindi ko tatanggapin ang mga handog ninyo. Sasalantain ko ang inyong mga lupain at magtataka ang mga kaaway ninyong sasakop niyon. Uusigin ko kayo ng tabak at magkakawatak-watak kayo sa iba't ibang lupain. Maiiwang nakatiwangwang ang inyong lupain at iguguho ang inyong mga lunsod. Sa gayon, mamamahinga nang mahabang panahon ang inyong lupain samantalang kayo'y bihag sa ibang bansa. Makakapagpahinga ang inyong lupain, hindi tulad nang kayo'y naroon. “Ang mga maiiwan doon ay paghaharian ng matinding takot kaya't may malaglag lamang na dahon ng kahoy ay magkakandarapa na sila sa pagtakbo na parang hinahabol ng tagâ kahit wala naman. Magkakadaganan sila sa pagtakbo na parang hinahabol ng tagâ, gayong wala namang humahabol. Hindi ninyo maipagtatanggol ang inyong sarili sa mga kaaway. Mamamatay kayo sa lupain ng inyong mga kaaway. Ang malalabi naman ay mamamatay sa hirap dahil sa kasalanan ninyo at ng inyong mga ninuno. pauulanin ko sa tamang panahon at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy sa kaparangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:5

Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom, kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila. Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:5

“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 62:8-9

Sumumpa si Yahweh at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan: “Hindi na ibibigay ang inyong ani upang kainin ng mga kaaway; hindi rin makakainom ang mga dayuhan, sa alak na inyong pinaghirapan. Kayong nagpagod at nagpakahirap, nagtanim, nag-ani, ang siyang makikinabang at magpupuri kay Yahweh; kayong nag-alaga at nagpakahirap sa mga ubasan, kayo ang iinom ng alak sa mga bulwagan ng aking Templo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:24

Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:39

Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 10:12

Maghasik kayo ng katuwiran, at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig. Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa, sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh. Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 25:4-5

Ang ikapitong taon ay taon ng lubos na pamamahinga ng lupain, isang taóng nakatalaga para kay Yahweh. Huwag ninyong tatamnan sa taóng iyon ang inyong bukirin Ituring ninyo siyang katulong o dayuhang upahan, at maglilingkod siya sa inyo hanggang sumapit ang Taon ng Paglaya. Pagdating ng panahong iyon, palalayain ninyo siya pati ang kanyang mga anak upang bumalik sa kanyang pamilya at ari-arian. Akong si Yahweh ang naglabas sa kanila sa Egipto; hindi sila dapat ipagbili upang maging alipin. Huwag ninyo silang pagmamalupitan; matakot kayo sa Diyos. Kung kailangan ninyo ng aliping lalaki o babae, doon kayo bumili sa mga bansa sa inyong paligid. Maaari ninyong bilhin bilang alipin ang mga anak ng mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Maaari ninyo silang ipamigay sa inyong mga anak at maaari rin ninyo silang gawing alipin, ngunit huwag ninyong aalipinin o pagmamalupitan ang kapwa ninyo Israelita. “Kung dahil sa labis na kahirapan at mapilitan ang isang Israelita na ipagbili ang kanyang sarili sa isang dayuhang mayaman, siya ay may karapatang lumaya. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid, amain, pinsan, kamag-anak o siya mismo kung kaya na niya. at huwag pipitasan ang mga punong ubas na hindi naalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 18:12-13

“Ibinibigay ko rin sa iyo ang pinakamainam sa lahat ng unang bunga ng halaman na ihahandog nila sa akin, gayundin ang langis, alak at pagkain. Ang lahat ng iyan ay para sa inyo at maaaring kainin ng sinumang kasambahay mo na malinis ayon sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:16

“Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani tuwing aanihin ninyo ang unang bunga ng inyong mga bukirin. “At ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng mga Tolda sa pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at ng mga bungangkahoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:19

“Kung sa pagliligpit ng ani ay may maiwan kayong mga uhay, huwag na ninyong babalikan iyon; hayaan na ninyong mapulot iyon ng mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Sa ganoon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ninyong gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:22

“Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Sanlinggo, ang unang pag-aani ng trigo, gayon din ang Pista ng mga Tolda tuwing matatapos ang taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 4:29

Kapag hinog na ang mga butil, agad itong ginagapas ng taong naghasik sapagkat panahon na para ito'y anihin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:3

Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:8

Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan, at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 3:13

Ubod sila ng sama; gapasin ninyo silang parang uhay sa panahon ng anihan. Durugin ninyo silang parang ubas sa pisaan hanggang sa umagos ang katas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 8:22

Hanggang naririto't buo ang daigdig, tagtanim, tag-ani, palaging sasapit; tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig, ang araw at gabi'y hindi mapapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:13

Ang sugong tapat ay kasiyahan ng nagsugo sa kanya, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 6:11

“Nakatakda na rin ang parusa sa iyo, Juda, sa sandaling ibalik ko ang kasaganaan ng aking bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:30

‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:15

Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at nagsalita nang malakas sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa lupa!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:18

Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:21-22

“Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo'y magpapahinga maging ito ma'y panahon ng pagbubungkal ng lupa o ng pag-aani. “Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Sanlinggo, ang unang pag-aani ng trigo, gayon din ang Pista ng mga Tolda tuwing matatapos ang taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 8:20

At sumigaw ang bayan: “Dumaan na ang tag-araw, tapos na rin ang anihan, ngunit hindi pa kami naliligtas!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:18

Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 17:11

Ngunit kahit tumubo man ang mga halaman at mamulaklak sa araw na inyong itinanim, wala kang aanihin pagdating ng araw kundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:8

Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:16

Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:15

Pitong araw kayong magpipista sa lugar na pipiliin ni Yahweh; pagpapalain niya ang inyong mga pananim at lahat ng inyong gagawin para makapagdiwang kayong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:7

Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:6-8

Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:23

“At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:6

Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat unang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:17

Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:15

Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila'y namumunga dahil sa pagtitiyaga.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 26:12

Nang taóng iyon, si Isaac ay nagsaka sa lupain ng Gerar at makasandaang ibayo ang kanyang inani kaysa kanyang itinanim. Pinagpala siya ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:10-11

“Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik, kundi dinidilig nito ang lupa, kaya lumalago ang mga halaman at namumunga at nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain. Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:5

Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka, at masisiyahan sa ibubunga niyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 9:13

Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:13

Iibigin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo. Magkakaroon kayo ng maraming anak, at bibigyan ng masaganang ani, inumin at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop. Tutuparin niya ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:24

Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 4:8

At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at namunga nang marami, may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisandaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:24-30

Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’ ‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ganito ang sinabi niya: “May isang magsasakang lumabas upang maghasik. ‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:20

Magiging maligaya ang lahat dahil sa saganang tubig para sa mga pananim at malawak na pastulan ng mga baka at asno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:15

“Kayo'y maghahasik subalit hindi mag-aani. Magpipisa kayo ng olibo ngunit hindi makikinabang sa langis nito. Magpipisa kayo ng ubas ngunit hindi makakatikim ng alak na katas nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 2:23-24

“Magalak kayo, mga taga-Zion! Matuwa kayo dahil sa ginawa ni Yahweh na inyong Diyos. Pinaulan niya nang sapat sa taglagas, at gayundin sa taglamig; tulad ng dati, uulan din sa tagsibol. Mapupuno ng ani ang mga giikan; aapaw ang alak at langis sa mga pisaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:11

Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:36-38

Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol. Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:8

Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:4

Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 3:12

Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 27:12

Sa araw na iyon ay titipunin ni Yahweh, ang mga Israelita gaya ng inaning trigo; mula sa Ilog Eufrates hanggang sa hangganan ng Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:24

Pakatandaan ninyo: hangga't hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, mamumunga ito nang sagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:10-11

“Anim na taon ninyong tatamnan ang inyong mga bukirin at anim na taon din ninyong aanihin ang bunga. Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:4

Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman, datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:49

Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:18

Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.” Nasusulat din, “Karapat-dapat lamang na bayaran ang manggagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:6-9

Sinabi pa sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito. “May isang taong may tanim na puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ang puno, ngunit wala siyang nakita. Dahil dito, sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na't nakakasikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin ngayon. Huhukayan ko po ang palibot at lalagyan ng pataba, baka sakaling mamunga na sa susunod na taon. Kung hindi pa, saka po ninyo ipaputol.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:1-2

Mayroong ubasan ang aking sinta, sa libis ng bundok na lupa'y mataba, kaya ako'y aawit para sa kanya. Sa bawat walong ektaryang ubasan, dalawampu't dalawang litrong alak lamang ang makukuha; sa bawat sampung kabang inihasik, limang salop lamang ang aanihin. Kawawa ang maaagang bumangon na nagmamadali upang makipag-inuman; inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing! Tugtog ng lira sa saliw ng alpa; tunog ng tamburin at himig ng plauta; saganang alak sa kapistahan nila; ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa. Kaya nga ang bayan ko ay dadalhing-bihag ng hindi nila nalalaman; mamamatay sa gutom ang kanilang mga pinuno, at sa matinding uhaw, ang maraming tao. Ang daigdig ng mga patay ay magugutom; ibubuka nito ng maluwang ang kanyang bibig. Lulunukin nito ang mga maharlika ng Jerusalem, pati na ang karaniwang tao na nagkakaingay. Ang lahat ng tao'y mapapahiya, at ang mayayabang ay pawang ibababa. Ngunit si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, pupurihin siya sa hatol niyang matapat, at sa pagpapakita ng katuwiran, makikilalang ang Diyos ay Banal. Sa gayon, sa tabi ng mga guho ay manginginain ang mga tupa at mumunting kambing. Kawawa kayo, mga makasalanan na walang ginawa kundi humabi ng kasinungalingan; hindi kayo makakawala sa inyong kasamaan. Sinasabi ninyo: “Pagmadaliin natin ang Diyos upang ating makita ang kanyang pagkilos; maganap na sana ang plano ng Banal na Diyos ng Israel, nang ito'y malaman natin.” Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato, mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito. Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayan at nagpahukay pa ng balong pisaan. Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga, ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 4:7

Hindi ko rin pinapatak ang ulan na kailangan ng inyong halaman. Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi. Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:14

Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ang sinabi niyang iyon ay narinig ng kanyang mga alagad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 12:13

Naghasik ng trigo ang mga tao, ngunit tinik ang inani; nagpakahirap sila sa paggawa, subalit wala silang pinakinabangan. Wala silang inani sa kanilang itinanim dahil sa matinding galit ko sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:7

Makituloy kayo sa bahay na iyon at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat tumanggap ng sahod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:1

Nakakalungkot ang nangyari. Ang katulad ko'y isang taong gutom. Naghahanap ng bungangkahoy ngunit walang makita ni isa man. Wala ni isang ubas o kaya'y isang igos na labis kong kinasasabikan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:29

“Huwag ninyong kalilimutang maghandog ng inaning butil, alak na mula sa katas ng ubas at langis sa takdang panahon. “Ihahandog ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:11

Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:9

“Pagkalipas ng pitong linggo mula sa unang araw ng paggapas,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:24-26

“Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.’ “Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:24

Tulad nila'y mga halamang walang ugat, bagong tanim at natutuyo agad; at tila dayaming tinatangay ng hangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:36-38

Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't magkasamang magagalak ang nagtatanim at ang umaani. Dito nagkakatotoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’ Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang naghirap dito at kayo naman ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:10

Hindi ba tayo ang tinutukoy niya? Alang-alang sa atin kaya iyon isinulat, sapagkat ang magsasakang nag-aararo at ang naghihiwalay ng mga butil sa uhay ay gumagawa sa pag-asang may bahagi sila sa aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:2

Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:9

Sinabi sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Uubusin ang Israel katulad ng isang ubasang walang ititirang bunga. Kaya't tipunin mo ang lahat ng maaari mong iligtas, habang may panahon pa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 23:10

“Sabihin mo rin sa mga Israelita na kapag naroon na sila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, tuwing anihan ay magdadala sila sa pari ng isang bigkis ng una nilang ani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:21-23

Natatakot po ako sa inyo dahil kayo'y napakahigpit; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo at inaani ang hindi ninyo itinanim.’ Sinagot siya ng hari, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan ay hahatulan kita. Alam mo palang ako'y mahigpit at sinasabi mo pang kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko itinanim. Bakit hindi mo na lamang idineposito sa bangko ang aking salapi? May tinubo sana iyan bago ako dumating.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:4

Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:20

Kaya nga, ibubuhos ko sa lugar na ito ang aking galit at poot. Madadamay sa ipapataw kong parusa ang mga tao, mga hayop, at pati mga punongkahoy at mga halaman. Ang aking poot ay gaya ng apoy na walang sinumang makakapatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 37:30

“Ito ang magiging palatandaan ninyo: Sa taóng ito, ang kakainin ninyo'y bunga ng halamang dati nang nakatanim. Sa susunod na taon, ang kakainin ninyo'y ang ani sa tutubong supling ng halamang iyon. Ngunit sa ikatlong taon, magtatanim na kayo ng panibago, at ang kakainin ninyo'y ang ibubunga nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:41

Tandaan ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:44

“Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:16

Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain; ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim at matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain. At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan, sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:36

Sinabi niya, “Subalit ngayon, kung kayo'y may balutan o lalagyan ng pera, dalhin na ninyo. Ang sinumang walang tabak, ipagbili ang kanyang balabal at bumili ng isang tabak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:8

“Pagpapalain niya ang inyong mga kamalig at lahat ng inyong gawain; pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 11:6

Sa umaga, inihahasik mo ang iyong binhi. Hindi ka tumitigil sa paggawa hanggang gabi sapagkat di mo tiyak kung alin ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. O kaya'y umaasa kang lahat ay iyong papakinabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:1-16

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't pumayag ka sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’” At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:24-25

Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid? Hindi ba't kung maihanda na ang lupa, ito'y sinasabugan niya ng anis at linga? Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada at sa mga gilid naman ay espelta?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:14-16

“Ipagpipista ninyo ako nang tatlong beses isang taon. Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw na huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa. Ito'y gagawin ninyo sa takdang araw ng unang buwan, ang buwan ng pag-alis ninyo sa Egipto. Walang haharap sa akin nang walang dalang handog. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani tuwing aanihin ninyo ang unang bunga ng inyong mga bukirin. “At ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng mga Tolda sa pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at ng mga bungangkahoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:23-25

“Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, tatlong taon kayong hindi kakain ng bunga ng mga punong tanim ninyo roon. Sa ikaapat na taon, ang mga bunga nito'y ihahandog ninyo sa akin bilang pasasalamat. Sa ikalimang taon, makakain na ninyo ang mga bunga nito, at ang mga ito'y mamumunga nang sagana. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:37-38

Sila'y nagbubukid, nagtatanim sila ng mga ubasan, umaani sila ng saganang bunga, sa lupang tinamnan. Sila'y pinagpala't lalong pinarami ang kanilang angkan, at dumarami rin pati mga baka sa kanilang kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, karapat-dapat ka sa lahat ng papuri at pagsamba. Kinikilala ng aking buong pagkatao na ikaw ang Diyos na higit sa lahat. Pinagpapala ng aking kaluluwa ang iyong presensya, dahil sa walang hanggan ay mabuti ka at ipinakikita mo ang iyong walang hanggang katapatan sa aking buhay. Pinupuno mo ako ng iyong kapayapaan at tinuturuan mo akong lumakad sa iyong kalooban. Nagpapasalamat ako sa lahat ng iyong ginagawa at gagawin pa sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa iyong awa, sa iyong pagmamahal, at sa iyong dakilang kabutihan. Minamahal na Espiritu Santo, iniaalay ko ang aking sarili sa iyong harapan upang hilingin na ikaw ay tumingin sa akin at patnubayan ako sa layunin na iyong inihanda para sa aking buhay. Dinadalangin ko na ibuhos mo ang iyong mga biyaya sa aking mga pagsisikap upang ako ay makaani ng mabubuting bagay sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Nawa'y maging matuwid sa iyong paningin ang lahat ng aking gagawin, upang ako ay makaani ng mabuti. Bigyan mo ako ng karunungan upang makagawa ng tamang mga desisyon, ng lakas upang magtiyaga sa mga pagsubok, at ng pasasalamat upang kilalanin na ang lahat ng ako at ang lahat ng mayroon ako ay dahil sa iyong walang hanggang pag-ibig. Nagtitiwala ako sa iyong walang hanggang kabutihan at nagpapasalamat ako sa iyong pakikinig sa aking panalangin. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas