Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


56 Mga Talata sa Bibliya para Pagpalain ang isang Bahay o Tahanan

56 Mga Talata sa Bibliya para Pagpalain ang isang Bahay o Tahanan

Kapag nagkaroon tayo ng sariling bahay, pangarap natin na ang presensya ng Diyos ay manatili sa ating pamilya. Katulad ng pagkalinga Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga biyaya, dapat din nating ilaan sa Kanya ang mga ari-arian natin, dahil sa Kanya natin natanggap ang probisyong ito. Kaya naman, lumapit tayo sa Ama nang may galak at pagkakaisa upang magpasalamat sa Kanyang kabutihan.

Mahalaga rin na ipahayag natin ang Kanyang mga pangako araw-araw sa ating tahanan, upang ang liwanag ni Hesus ay patuloy na magningning sa loob nito at sa ating pamilya. “Pagkalooban mo po ngayon ng pagpapala ang tahanan ng iyong lingkod, upang manatili ito sa harap mo magpakailanman. Ikaw, Panginoong DIYOS, ang nagsalita nito, at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay pagpapalain ang tahanan ng iyong lingkod magpakailanman.” (2 Samuel 7:29)


Mga Awit 127:1

Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-9

Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 6:12

May nagbalita kay Haring David na pinagpalang mabuti ni Yahweh si Obed-edom. Ito'y ikinagalak niya, kaya kinuha niya ang Kaban ng Tipan at dinala sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 40:9

“Pagkatapos, kunin mo ang langis na pantalaga at buhusan mo nito ang buong tolda at ang lahat ng kagamitan doon upang maging sagrado. Gayundin ang gawin mo sa lahat ng kagamitan doon upang maging banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:3

Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang bahay, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:5

“Pagpapalain niya ang imbakan ng inyong inaning butil at ang mga pagkaing nagmumula roon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hagai 2:9

Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna, at sa bagong Templong ito ay mahahayag ang kasaganaan at katiwasayang ipagkakaloob ko sa aking sambayanan.” Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 17:14

Siya ang pamamahalain ko sa aking bayan at kaharian habang panahon. Mananatili magpakailanman ang kanyang trono.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:13

Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 17:12

Siya ang magtatayo ng aking templo at magiging walang katapusan ang kanyang paghahari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:24

“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:5-9

Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:17

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:4

Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hagai 2:7

Yayanigin ko ang mga bansa at dadalhin ko dito ang kanilang mga kayamanan. Ang Templong ito ay mapupuno ng kanilang mga kayamanan

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-4

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:18

Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19-22

Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:29

Ngayo'y pagpalain ninyo ang sambahayan ng inyong lingkod upang ito'y magpatuloy. Panginoong Yahweh, ikaw rin ang nangako nito kaya manatili nawa sa aking angkan ang iyong pagpapala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:11

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:7

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:3

“Pagpapalain niya kayo sa inyong mga bayan at sa inyong mga bukid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:6

Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:8

Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:16

Pinili ko at iniuukol ang Templong ito upang dito ako sambahin magpakailanman. Lagi kong babantayan at mamahalin ang Templong ito magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:9

Huwag maging mabigat sa inyong loob ang pagtanggap sa inyong mga kapatid sa inyong bahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:11

Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:6

Ang tahanan ng matuwid ay puno ng kayamanan, ngunit ang masama'y nagkukulang sa lahat ng kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:12-13

Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga nakatira doon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16-17

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:13

Dugo ang magsisilbing palatandaan ng mga bahay na inyong tinitirhan. Lahat ng bahay na makita kong may pahid ng dugo ay lalampasan ko, at walang pinsalang mangyayari sa inyo habang pinaparusahan ko ang buong Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:18

Ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa isang payapa, ligtas, at tahimik na pamayanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:3-4

Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang bahay, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan. Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito. Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magandang aral: Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan. Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay dahil sa karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:5-7

Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbabá, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:11

Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa, at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:10-11

Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal at kagalang-galang ang iyong pangalan, wala nang hihigit pa sa iyong kabanalan! Ama, aming idinadalangin ang mga araw ng pagpapala at tagumpay sa lahat ng pamilya sa mundo. Pagpalain mo po ang bawat tahanan, bigyan mo sila ng karunungan upang ito'y maitayo at ng pag-iingat upang manatili itong matatag, na kahit sa gitna ng pagsubok at problema ay hindi ito guguho, sapagkat nakasandig ito sa batong ikaw. Panginoon, tulad ng pagpapala mo sa tahanan ni Obed-Edom at sa lahat ng kaniyang ari-arian, gayundin po sana ang iyong pagpapala sa kanila at ang iyong presensya ay laging maghari sa kanilang tahanan. Sabi mo sa iyong salita: "Nalalaman ko ang mga plano ko para sa inyo, sabi ng Panginoon, mga planong may kapayapaan, at hindi ng kasamaan, upang bigyan kayo ng kinabukasang inaasam ninyo." Idinadalangin ko ang dugo ni Kristo sa kanilang pamilya at nawa'y ipadala mo ang iyong mga anghel upang sila'y bantayan. Ama, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas