Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


63 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Trabaho o Trabaho

63 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Trabaho o Trabaho

Kaibigan, lagi nating tandaan na ang kapakumbabaan at pasasalamat ang dapat nating maging tatak bilang mga taong kinikilala ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Isipin mo, kapag sinisikap nating gawin ang lahat ng ating mga gawain nang may kahusayan at katapatan, parang pinaparangalan natin Siya at binubuksan ang mga pinto para sa Kanyang mga biyaya.

Kaya naman, sa bawat gagawin natin, alalahanin natin na para sa Panginoon ang lahat ng ito. Tiwala lang at sumunod tayo sa Kanya, at makikita natin kung paano Niya pagpapalain at pasasaganain ang ating mga buhay. Parang "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa" 'di ba?


2 Tesalonica 3:10

Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:2

Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:22

Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:27

Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:17

Panginoon naming Diyos, kami sana'y pagpalain, magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin! Magtagumpay nawa kami!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:10

Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako'y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi sa dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:23

Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang, ngunit ang puro salita, ang bunga ay kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:11

Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:5

Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:58

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:4

Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:28

“Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:27

Ihanda mo muna ang iyong bukid para mayroon kang tiyak na pagkakakitaan bago ka magtayo ng bahay at magtatag ng tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:11

Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:11

Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:24

Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:6-8

Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad, pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod, ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:5-8

Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong paggalang, takot at katapatan, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:10

Anuman ang ginagawa mo'y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya sapagkat sa daigdig ng mga patay na kasasadlakan mo ay wala kang gagawin, ni pag-iisipan man, ni pagbubuhusan ng kaalaman o karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:11-12

Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pakialaman ang sariling gawain, at magtrabaho kayo upang mabuhay tulad ng itinuro namin sa inyo. Dahil dito, kayo ay igagalang ng mga hindi mananampalataya at hindi kayo aasa sa iba para sa inyong ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:9

Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:4

Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:4-5

Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:22

Kaya naisip kong walang pinakamabuti sa tao kundi pakinabangan ang kanyang pinagpaguran; ito ang ating bahagi. At sino ang makakapagsabi sa kanya kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:15

Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:6

Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:4-5

Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop. Ang nag-iimbak kung tag-araw ay nagpapakilala ng katalinuhan, ngunit ang natutulog kung anihan ay nag-iipon ng kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:7

Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:29

Alam ba ninyo kung sino ang pinaglilingkuran ng mga mahusay magtrabaho? Sila'y naglilingkod sa mga hari, hindi sa mga alipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:22

Mga alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y talagang tapat at may takot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:2-3

alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:14-30

“Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya't tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salaping ginto ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis. Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto. Ngunit ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon. “Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at sila'y pinag-ulat. Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima nama'y matatalino. Lumapit ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Panginoon, ito po ang limanlibong salaping ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping ginto na tinubo nito.’ “Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, makihati ka sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’ “Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto at ang sabi, ‘Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.’ “Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya't pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’ “Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang salaping iniwanan ninyo sa akin.’ “Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko tanim at inaani ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano'y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:24-25

Ang mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos. Kung wala ang Diyos, sino pa ba ang makakakain o makakaranas ng kasiyahan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-2

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:12

Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang kanyang pagkain. Ngunit ang mayaman ay hindi man lamang dalawin ng antok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:9

Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:26

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:15

Ang taong tamad ay laging nakatihaya; kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:25-26

Gutom ang papatay sa taong batugan, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay. Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw, ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:16-17

Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:18

Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.” Nasusulat din, “Ang manggagawa ay karapat-dapat bayaran.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 31:3-5

Pinuspos ko siya ng aking Espiritu at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. Ginawa ko ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:23

Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at ang huli, ang simula at ang wakas, ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng papuri at karangalan. Ama, nagpapasalamat ako sa aking trabaho, sa pagpapala mo sa akin sa pamamagitan nito, at sa pagbukas mo ng daluyan ng biyaya para sa aking buhay sa panahong ito. Hinihiling ko po na bigyan mo ako ng karunungan at kahinahunan upang magampanan ko ang aking mga tungkulin nang masigasig at maayos, nang walang reklamo o pagrereklamo, kundi may kababaang-loob at katapatan ng puso, na parang para sa iyo at hindi para sa mga tao, dahil sa iyo magmumula ang aking gantimpala. Sabi nga po sa iyong salita, "Ngunit sa biyaya ng Diyos ako’y naging ganito; at ang kaniyang biyaya sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan; bagkus ako’y nagpagal na higit kay sa kanilang lahat: gayon ma’y hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na sumasa akin." Panginoong Hesus, pinagpapala ko ang buhay ng aking mga pinuno, mga awtoridad, mga kasamahan sa trabaho, at ang kanilang mga pamilya. Tulungan mo po akong magkaroon ng matalino at maingat na pag-uugali araw-araw, na maging mabuting halimbawa sa kanila upang ang presensya ng iyong Espiritu Santo ang maghari sa lugar na ito at lalong-lalo na sa aming kapaligiran sa trabaho. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas