Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


70 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-ibig sa Kapwa

70 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-ibig sa Kapwa

Isipin mo, kapamilya natin ang lahat sa simbahan, ang malaking pamilya ng Diyos. May espesyal na lugar ka rito. Tayong lahat ay bahagi ng iisang katawan, at si Kristo Hesus ang ating ulo.

Ang Diyos ay pag-ibig. At dahil minahal Niya tayo, gusto Niya ring mahalin natin ang lahat ng tao sa ating paligid. Walang pinipili, walang kondisyon. Gusto Niyang madama mo nang lubos ang pagmamahal Niya para magawa mong mahalin ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.

Kapag sinunod mo ang salita ng Diyos, ang utos Niyang magmahalan tayo, mag-iiba ang pananaw mo sa mga tao. Gugustuhin mong pagalingin ang may sugat na puso, tulungan ang nadapa, ipagtanggol ang naaapi, at ibalik sa tamang landas ang mga nahihirapan.

Kapag sinabi ng Diyos na mahalin mo ang iyong kapwa, ang ibig Niyang sabihin ay tulungan mo sila sa kanilang pangangailangan. Maging karamay ka sa kanilang paghihirap. Huwag kang maging manhid sa kanilang pinagdadaanan. Sa halip, maging instrumento ka ng pagmamahal ng Diyos dito sa lupa. Maniwala ka, matutuwa Siya nang lubos.

Bilang mga anak ng Diyos, mahalagang sundin natin ang Kanyang mga utos at itinakdang alituntunin. Magpakita tayo ng pagmamahal sa lahat ng tao sa ating paligid. Maging matulungin tayo sa kanilang pangangailangan. Ipanalangin natin ang isa't isa. Hingin natin sa Banal na Espiritu na palakasin tayo at ipakita kung gaano tayo kamahal ni Hesus, para makamtan natin ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa.

Makiramdam tayo sa mga nagdadalamhati. Madamayan natin ang mga nasasaktan. Huwag nating kalimutan ang mga biyuda at mga ulila.

Sabi sa Roma 12:10, "Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Pagdating sa paggalang sa isa't isa, sikapin ninyong mauna ang iba." Tandaan, ang pagmamahal natin sa ating mga kapatid kay Kristo ay dapat din nating ipakita sa lahat ng tao.


Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:10

Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:21

Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:9

Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo magmahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:3

At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1

Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27

Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:12

Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:13

Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13-14

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:17

Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:39

Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:9

Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:16

Dito natin nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:32

Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:8

Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:20-21

Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay kayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan dahil sa kanyang habag sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14

Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:4-5

Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34-35

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:13

Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 12:5

kaya't nanatiling nakabilanggo si Pedro. Subalit ang iglesya ay taimtim na nanalangin sa Diyos para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:18

Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:26

Ipinahayag ko na sa kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:8

Saksi ko ang Diyos na ang pananabik ko sa inyong lahat ay kagaya ng pagmamahal sa inyo ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:22

Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:17

Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:10

Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:11

Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17-18

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:23

Ito ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:27

Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:14

Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:8

Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:2

Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:20-21

Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1-2

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa. Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo. Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod sa Diyos. Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:8

Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos ng Diyos na ating hari, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:12-14

Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghahanda ka ng isang salu-salo, huwag ang iyong mga kaibigan, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, dahil aanyayahan ka rin nila at sa gayon ay susuklian ang iyong ginawa. Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag. Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:14

Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:10

Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:20-21

Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.” Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:21-22

Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:36

Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 3:12

Nawa'y palaguin at pasaganain ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:21

Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:9

Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila ang aking Diyos, sagana sa awa at pagmamahal. Matuwid ang bawat salita ng Kanyang bibig. Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Kinikilala ko ngayon ang Kanyang kadakilaan at kapangyarihan. Itinataas ko ang aking tinig sa aking Manunubos. Lumalapit ako sa Iyo, Panginoon, nananalangin para sa iglesia ni Cristo. Sabi ng Iyong salita, "Masdan ninyo, kay ganda at kay sarap na ang magkakapatid ay magsama-samang naninirahan sa pagkakaisa! Doon ay ipinagkakaloob mo ang pagpapala at buhay na walang hanggan." Panginoon, nawa'y mabuhay ang salitang ito sa Iyong iglesia. Nawa'y magmahalan kami gaya ng pagmamahal Mo sa amin. Nawa'y maging watotohanan at dalisay ang aming pagmamahalan bilang magkakapatid, walang bahid ng pagkukunwari. Bunutin Mo sa Iyong iglesia ang pagkakawatak-watak, ang mga awayan, ang mga sama ng loob, ang mga panghuhusga, at ang mga pagbubulungan. Ipinapahayag ko na hindi kailanman magtatagumpay ang kadiliman laban sa Iyong iglesia. Sa dakila at maluwalhating pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas