Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


71 Mga talata sa Bibliya para sa magkasintahan

71 Mga talata sa Bibliya para sa magkasintahan

Alam mo, itong pag-ibig, parang isang regalong galing sa Diyos na kayang magpabago ng buhay natin. Ito 'yung purong esensya na mula mismo sa puso Niya. Sabi nga sa Bibliya, "Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig." (1 Juan 4:8) Tinuturuan tayo ng Diyos kung paano magmahal nang tapat, dalisay, at walang hinihintay na kapalit.

Ang makaramdam ng pag-ibig ay simula pa lang. Ang tunay na pagpapakita nito, 'yun ang may kapangyarihang magpabago. Kaya nitong lampasan ang kahit anong pagsubok, harapin ang pinakamahirap na sitwasyon, at baguhin ang takbo ng buhay. Nasa Bibliya ang mga kasagutan at gabay na kailangan natin, puno ng karunungan at mga talata na magpupuno sa atin ng pagmamahal.

Sa araw-araw, gawin nating sentro si God sa lahat ng ating ginagawa. Isama natin Siya sa ating mga plano, lalo na sa mga espesyal na araw kasama ang ating minamahal. Mag-date kayo na sinasamba ang Ama. Sa ganitong paraan, mabubuo natin ang isang masaya at malusog na relasyon, na pinatatag ng Banal na Espiritu, at kayang harapin ang anumang pagsubok sa tulong ng Diyos.

Huwag nating kalimutan na ang pag-ibig ay hindi lang para sa isang espesyal na araw. Araw-araw ay pagkakataon para mahalin natin ang ating partner, katulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos. 'Yung mga maliliit na bagay na nagpapakilig, 'yung respeto at pag-uunawaan, 'wag nating kalimutan. Ito ang pag-ibig na kayang magpabago ng buhay at relasyon!


Awit ng mga Awit 8:6-7

Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:16

Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:7

Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; at walang kapintasan sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:9

Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata, ng isang kuwintas ng iyong leeg.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:10

Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:8

Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:4

Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:15

Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:12

At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:2

Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:7

Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:16

Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:13

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:6

Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 6:3

Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:5

Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:19

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:33

Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:11-12

Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 3:12

At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:2

Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:17

Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:18

Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:18

At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25-28

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12

Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:3

Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:20

At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:3-4

Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang. Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 3:4

Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:18

Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:9

Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko. Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13-14

Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo. Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 85:10

Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 7:10

Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10

Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo; Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan daan man ang diablo. Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan. Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig. Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 5:16

Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:32

Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus: Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:8

Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:2-3

Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:39

At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-12

Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:1-2

Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa. Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa; Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya. At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat. Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak: Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas. Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao. Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo. Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya. Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi. Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:4

Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:2

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:3-5

Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari; At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas. Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon: Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa, At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa. At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala. Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila. Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin. Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti. Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios. Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Diyos! Salamat po sa aking kabiyak, sa pag-ibig na inilagay Mo sa aming mga puso para sa isa’t isa. Dalangin ko po na ang aming pagmamahalan ay maging nakabatay sa respeto, pag-uunawa, at pangalalaga ng Iyong salita. Sa ngalan ni Hesus. Nawa’y manatili kaming matatag sa bawat pagsubok at kahirapan, nananalig sa Iyong salita: “Ang maraming tubig ay hindi makapaglalagas ng pag-ibig, ni mapapaapaw man ng mga ilog.” Panginoon, Ikaw ang sentro ng aming buhay, kahit sa gitna ng aming mga kakulangan at kahinaan, nawa’y ang Iyong biyaya at pagkalinga ang magtaguyod sa amin sa lahat ng oras. Ipinapahayag ng Iyong salita: “Ang pag-ibig ay matiisin, mabuti, hindi mainggitin, hindi mayabang, hindi naghahanap ng sarili.” Nawa’y ang aming mga desisyon ay laging naaayon sa Iyong banal na kalooban, laging iniisip ang kabutihan ng isa’t isa. Espiritu Santo, tulungan Mo po kaming mapaglabanan ang mga tukso at manatiling tapat sa isa’t isa. Ingatan Mo po kami, takpan Mo kami ng Iyong dugo. Gibain Mo po ang lahat ng pakana ng kaaway at itinataboy namin ang lahat ng nais sumira sa aming pagmamahalan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas