Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


77 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Walang Kasalanang Pagbibigay

77 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Walang Kasalanang Pagbibigay

Isipin mo si Job, kung paano niya inihahandog ang mga anak niya sa Panginoon matapos ang bawat pagdiriwang. Maaga pa lang ay nag-aalay na siya para sa kanila, baka sakaling nagkasala sila sa Diyos. Iniisip niya, baka may nasabi o nagawa silang hindi kalugod-lugod sa Kanya. Naghahandog siya ng mga toro para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Pero ngayon, alam natin na ang mahalagang dugo ni Cristo Hesus ang siyang naglilinis at nagpapatawad sa atin. Kaya, ang buhay mo mismo ang dapat mong ihandog sa Panginoon. Maging pasasalamat mo ang iyong buhay dahil sa kapatawarang ipinagkaloob Niya at dahil tinanggap ka Niya nang buong puso.

Mas mahalaga sa Kanya ang pamumuhay nang banal, ang pagsunod sa kalooban Niya nang may pag-ibig, kaysa sa anumang materyal na bagay na maihahandog mo. Ang nais Niya ay ang maging tapat ka sa Kanya, na ang puso mo ay laging nag-uumapaw sa kabutihan, na parang mabangong samyo na nakalulugod sa Kanya.

Nang tanggapin mo si Hesus bilang iyong tagapagligtas, pinatawad ka na Niya. Kaya ngayon, layuan mo na ang kasamaan at gumawa ka ng mabuti araw-araw. Sa ganitong paraan, magiging kalugod-lugod na handog ka sa Kanya na tumawag sa iyo mula sa kadiliman patungo sa Kanyang kahanga-hangang liwanag.


Exodus 29:36

Araw-araw, maghahandog ka ng isang bakang lalaki para sa pagpapatawad ng kasalanan. Gagawin mo ito upang maalis ang kasalanan sa altar. Pagkatapos, buhusan mo ito ng langis upang maging sagrado.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:25

Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:12

at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:3

“Kung ang nagkasala'y ang pinakapunong pari, at nadamay pati ang sambayanan, mag-aalay siya ng isang batang toro na walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:14

at pagkatapos ay malaman nila ito, maghahandog ng isang batang toro ang buong kapulungan para sa kanilang kasalanan. Dadalhin nila ito sa harap ng Toldang Tipanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:19-20

Kanyang susunugin sa altar ang lahat ng taba “Sabihin mo sa bayang Israel kung ano ang dapat nilang gawin kapag sila'y nagkasala o hindi sinasadyang nakalabag sa alinmang utos ni Yahweh. tulad ng ginagawa sa taba ng torong inihandog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ito ang gagawin ng pari upang mapatawad ang buong sambayanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:7-8

Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:20

tulad ng ginagawa sa taba ng torong inihandog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ito ang gagawin ng pari upang mapatawad ang buong sambayanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:23-24

Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 25:2

“Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 31:50

Dala po namin ang mga gintong alahas na aming nasamsam tulad ng pulseras, singsing, hikaw at kuwintas, upang ihandog kay Yahweh bilang kabayaran sa aming buhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:8

“Ang tanong ko nama'y, matuwid bang pagnakawan ng tao ang Diyos? Hindi! Ngunit pinagnanakawan ninyo ako. Sa paanong paraan? Sa mga ikasampung bahagi at mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:37

“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo paparusahan ng Diyos. Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo'y patatawarin din ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:7

Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:8

Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:38

Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:32

“Kung ang handog para sa kasalanan ay isang tupa, kailanga'y babaing walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:8

Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal, dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:1-4

“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’ “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.” “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.” “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” “Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman.” “Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. “Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:30

“Lahat ng ikasampung bahagi, maging binhi o bunga ng pananim ay nakalaan kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:10

ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Sanlinggo. Sa araw na iyon, dalhin ninyo kay Yahweh na inyong Diyos ang inyong kusang handog mula sa inyong ani, ayon sa dami ng pagpapala niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:5

“Kung maghahandog kayo sa akin ng handog pangkapayapaan, gawin ninyo iyon ayon sa mga tuntuning ibinigay ko upang maging kalugud-lugod sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:17

ayon sa kanilang makakaya, ayon sa dami ng pagpapalang tinanggap ninyo mula kay Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 23:23

Ngunit kailangang tuparin ang anumang kusang-loob na pangako ninyo kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 22:20-21

Huwag kayong maghahandog ng anumang bagay na may kapintasan, sapagkat hindi iyon kalugud-lugod. Kailangan ding walang kapintasan ang baka, tupa o kambing na dadalhin bilang handog pangkapayapaan, ito man ay pagtupad sa panata o kusang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 1:4

Sinuman sa inyo na nangingibang-bayan, kung nais bumalik doon, dapat siyang tulungan ng kanyang mga kababayan. Dapat siyang bigyan ng pilak at ginto, mga bagay na kakailanganin, at mga hayop, gayundin ng mga kusang-kaloob na handog para sa Templo ni Yahweh sa Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:17

ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbabá't pusong mapagtapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 31:14

Si Korah na anak ni Imna at isang Levita ang bantay sa pintuan sa gawing silangan, ang pinamahala sa pagtanggap at pamamahagi ng mga kusang-loob na handog. Siya ang nagbibigay sa mga pari ng bahagi ng handog ng pasasalamat na para kay Yahweh at ng bahagi ng handog para sa kasalanan na kakainin ng mga pari sa banal na lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:5

Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 18:28

Sa gayong paraan, kayo man ay maghahandog ng ikasampung bahagi kay Yahweh sa pamamagitan ng ikasampung bahagi ng tinatanggap ninyo sa mga Israelita. Iyon naman ay ibibigay kay Aaron.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:27

Ang handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos, lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:14

“Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob sapagkat ang lahat ng ito ay galing sa inyo at ibinabalik lamang namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:5

Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:3-4

Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17-19

Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan. Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:6

Buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat kay Yahweh, dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:9

Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:33-35

“Sinasabi ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang kanyang bunga at masama ang punongkahoy kung masama ang kanyang bunga, sapagkat sa bunga nakikilala ang puno. Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 31:12

upang doon ilagay ang mga kaloob at mga ikasampung bahagi. Si Conanias na isang Levita ang ginawa nilang katiwala sa lahat ng ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na si Simei.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:14-15

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:11-15

“Walang halaga sa akin ang dami ng inyong mga handog. Sawa na ako sa mga tupang sinusunog at sa taba ng bakang inyong inihahandog; hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, mga kordero at mga kambing. Sinong nag-utos sa inyo na maghandog sa harap ko? Huwag na ninyong lapastanganin ang aking templo. Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; nasusuklam ako sa usok ng insenso. Nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon, kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga; ang mga ito'y walang saysay dahil sa inyong mga kasalanan. “Labis akong nasusuklam sa inyong pagdiriwang ng Pista ng Bagong Buwan at ng iba pang kapistahan; sawang-sawa na ako sa mga iyan at hindi ko na matatagalan. Kapag kayo'y nanalangin sa akin, hindi ko kayo papansinin; kahit na kayo'y manalangin nang manalangin, hindi ko kayo papakinggan sapagkat marami na ang inyong pinaslang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:1-4

Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang may dalang mga handog sa Templo. At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at magdidigmaan ang mga kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kamangha-manghang kababalaghan buhat sa langit. “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo'y dadakpin at uusigin. Kayo'y lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin, isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador. Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok. Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.” Nakita rin niya ang isang mahirap na biyudang naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo. “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. Sapagkat iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan. Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito bilang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito. Mamamatay sila sa tabak, at ang iba'y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila.” “Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.” At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. Sinabi niya sa mga alagad, “Ang inihandog ng mahirap na biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat. Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.” “Ang katakawan, paglalasing at kabalisahan sa buhay na ito ay alisin ninyo sa inyong isip. Mag-ingat kayo at baka bigla kayong abutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao.” Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng labis na sa kanila, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang ikabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3-4

Kaya't mag ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa.” “Saan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ kailangang patawarin mo siya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:21-22

Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:10

Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:108

Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:10-12

Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:25

Kung gagamit kayo ng bato sa altar na inyong gagawin, huwag kayong gumamit ng batong tinapyasan ng paet. Ang paggamit ng paet ay isang paglapastangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24-25

Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:18

“Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:3-4

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:12

Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:7

“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:34

Sinabi…ginagawa: Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila'y nagpalabunutan upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat kasuotan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:18

Narito ngayon ang katibayan ng labis-labis na kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:19

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:5

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:26-27

Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at taga-Acaya na magpadala ng tulong para sa mga mahihirap na kapatid sa Jerusalem. Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:2

Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang huwag nang manghingi pa ng tulong pagpunta ko riyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:35

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15-16

Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang Manunubos! Sa araw na ito, dumadalangin ako sa'yo at hinahanap ang iyong mukha. Sa ngalan ni Hesus, tulungan mo akong magkaroon ng pusong mapagpatawad. Iparamdam mo sa akin na ang galit at sama ng loob ay nakakasira sa aking pakikipag-ugnayan sa'yo. Ninais mo na ako'y maging handog na kalugod-lugod sa iyo. Sabi ng iyong salita, "Kaya't kung dinadala mo ang iyong handog sa altar, at doon mo naalaala na ang iyong kapatid ay mayroong laban sa iyo, iwan mo muna ang iyong handog doon sa harapan ng altar, at humayo ka, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at pagkatapos ay bumalik ka, at ihandog mo ang iyong alay." Panginoon, kahit pa ako ang nasaktan, bigyan mo ako ng lakas ng loob at kababaang-loob na magpatawad at makipagkasundo sa aking kapatid at mahabag sa kanya, tulad ng iyong pagkahabag sa akin. Espiritu Santo, tulungan mo akong maunawaan na ang pinakamagandang handog ko sa'yo ay ang aking pusong puno ng iyong pagmamahal at pagpapatawad, at malaman na ito ang malaking kaibahan na nagpapakilala sa akin bilang anak ng Diyos. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas