Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


131 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Papuri

131 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Papuri

Isipin mo, ang pagpupuri ay pagkilala sa kadakilaan ng Diyos, pagbibigay pugay sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan, at walang sawang pagtataas ng Kanyang pangalan. Kailangan nating maging malapit sa Banal na Espiritu, dahil sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Kanya, mas nakikilala natin ang Diyos sa ating buhay.

Dahil dito, ang ating pagpupuri ay magiging may pagkaunawa, hindi lang basta pag-uulit ng narinig, kundi bunga ng personal na karanasan. Mas malalalim ang ating pagsamba sa Diyos at maiaakay natin ang iba na parangalan at dakilain Siya. Isang pribilehiyo ito na hindi lahat ay nabibigyan, kaya mahalagang ingatan ang ating puso at humarap sa Diyos nang may kalinisan at katapatan, walang anumang ikakahiya.

Napakahalaga na pahalagahan ang pagkakataong maglingkod sa Kanyang harapan at magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa lahat ng oras. Hayaan nating dumaloy sa ating mga labi ang bagong awit ng papuri para kay Hesus.

Bilang magkakapatid sa ministeryo, kailangan din nating magtulungan at magbantayan upang hindi tayo madaig ng kaaway. Ituon natin ang ating pansin sa kung ano ang tunay, dalisay, at mabuti. Magkaisa tayo sa iisang layunin: ang mapuri ang pangalan ng Diyos sa gitna ng Kanyang sambayanan.


Isaias 42:8

Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:12

Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos, ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:15

Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:25

Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan, sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang, ang panata kong handog ay doon ko iaalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:8

kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1

Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1

Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1

Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:21

Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako't pinapagtagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:6

Sa simula at mula pa wala akong inasahang sa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang; kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1-2

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:17

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:7

Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:3

Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:13

May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:9

Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:18

Pinasama namin sa kanya ang kapatid na kilala sa lahat ng iglesya dahil sa kanyang pangangaral ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:3

Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 11:17

Kasama rin nila si Matanias na anak ni Mica at apo ni Zabdi, mula sa angkan ni Asaf. Siya ang tagapanguna sa korong umaawit ng panalangin ng pasasalamat. Kasama rin niya si Bakbukuias na naging lingkod ni Matanias. Si Abda na anak ni Samua at apo ni Galal na mula sa angkan ni Jeduthun.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 9:5

Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila: “Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Purihin ang kanyang dakilang pangalan, na higit na dakila sa lahat ng papuri!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 33:16

Ipinatayo niyang muli ang altar ni Yahweh at naghandog siya ng handog na pagkaing butil at pasasalamat. Iniutos niya sa mga mamamayan ng Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 25:6

Ang kanilang ama ang namahala sa kanilang pag-awit sa Templo ni Yahweh, gayundin sa pagtugtog ng pompiyang, alpa, at lira. Sina Asaf, Jeduthun at Heman na namamahala sa kani-kanilang mga anak ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 6:32

Ginampanan nila ito ayon sa mga tuntuning itinakda ang kanilang mga tungkulin sa tabernakulo ng Toldang Tipanan, hanggang sa itayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:27

Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:8

Ang mga Levita naman ay sina Jeshua, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda at Matanias. Sila ang namahala sa pagkanta ng mga awit ng pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:46

Mula pa nang panahon ni Haring David at ng mang-aawit na si Asaf, ang mga mang-aawit na ang nangunguna sa mga awit ng pasasalamat at papuri sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:1

Lahat ng matuwid dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri'y magpuri sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 23:5

at 4,000 ang kinuhang mga bantay sa pintuan. Ang magpupuri kay Yahweh sa saliw ng mga instrumentong ginawa ni David ay 4,000 rin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:22

Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 29:31

Sinabi ni Ezequias sa mga tao, “Nalinis na ninyo ngayon ang inyong mga sarili para kay Yahweh. Lumapit na kayo at dalhin sa Templo ang inyong mga handog ng pasasalamat kay Yahweh.” Nagdala nga ang buong kapulungan ng mga handog ng pasasalamat at ang iba nama'y kusang-loob na nagdala ng mga handog na susunugin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 23:13

Nakita niyang nakatayo ang hari sa may haligi sa may pintuan ng Templo. Lahat ay masayang umaawit at may tumutugtog ng trumpeta at ng iba pang mga instrumento. Pinunit ni Atalia ang kanyang kasuotan at sumigaw, “Ito'y isang kataksilan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 23:30

Umaga't hapon, haharap sila kay Yahweh upang magpuri at magpasalamat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1-3

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang. Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala. Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa. Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan. Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto'y hindi mababali. Ngunit ang masama, ay kasamaan din sa taglay na buhay ang siyang kikitil. Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas, sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat! Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:1-2

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:6

Nakatayo ang mga pari sa kani-kanilang lugar, kaharap ang mga Levita na tumutugtog ng mga instrumentong ginawa ni Haring David upang pasalamatan si Yahweh. Ito ang awit nila: “Ang tapat niyang pag-ibig ay walang hanggan.” Hinipan naman ng mga pari ang mga trumpeta habang nakatayo ang buong sambayanan ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:1

Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:23

Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:3-4

Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan. Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:1-2

Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan, dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan, Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana, ang bukirin ay matubig, at palaging basang-basa; sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa, kaya naman pati tanim ay malago at sariwa. Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa, at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana. Ang pastula'y punung-puno ng matabang mga kawan, naghahari yaong galak sa lahat ng kaburulan. Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan, at hitik na hitik naman ang trigo sa kapatagan. Ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw! pagkat yaong panalangin nila'y iyong dinirinig. Dahilan sa kasalanan, lahat sa iyo ay lalapit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4

Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan, maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan; ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:28

Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:1

Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:13

Kaya nga, O Yahweh, kaming iyong lingkod, parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi't magpapasalamat sa iyong pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:4

Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:12

O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-2

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:1-2

Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.” Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan. Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:12

Kayong mga matuwid, kay Yahweh ay magalak, sa banal niyang pangalan kayo'y magpasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:1-3

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay. Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-5

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa! O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:33

Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan, siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:1-3

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam. sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay, para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha, bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.” Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami, kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat, kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin, ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose; mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena, pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh, na siyang nangakong siya'y tutubusin. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay. Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya, pinalaya siya nitong haring ito na namamahala. Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala, sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala. Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo, siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo. Sa bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta, sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira. Ginawa ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang, pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway. Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil, ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin. Saka inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos, sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod. Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila, sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita. Ang isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain, ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin. Ang ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy, pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:1

Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:8-9

Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:1

Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1-3

Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin. Ang kanyang pangalan ay papupurihan, magmula ngayo't magpakailanman, buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:17-18

Di na siya mapupuri niyong mga taong patay, niyong mga nahihimlay sa malamig na libingan. Tayo ngayong nabubuhay ang dapat magpasalamat, siya'y dapat na purihin, mula ngayon, hanggang wakas. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1-2

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sa aking paligid laging gumagala ang mga kaaway, winasak ko sila at lakas ni Yahweh ang naging patnubay. Kahit saang dako ako naroroon ay nakapaligid, winasak ko sila sapagkat si Yahweh ay nasa aking panig. Ang katulad nila ay mga bubuyog na sumasalakay, dagliang nasunog, sa apoy nadarang; winasak ko sila sapagkat si Yahweh ang aking sanggalang. Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway, subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan. Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay! Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay, sa pakikibaka sa ating kaaway.” Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay. Pinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis, ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid. Ang mga pintuan ng banal na templo'y inyo ngayong buksan, ako ay papasok, at itong si Yahweh ay papupurihan. Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:1-3

Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa, at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa. Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan, at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan, at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan. Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam, ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang. Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman, lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan. Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod, ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita; mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha! Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel, maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasok upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos. Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita, lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama. Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin, si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem. Purihin si Yahweh! Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1-2

Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:13

Ang mga matuwid magpupuring tunay, ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1-3

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat, Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo. Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat. Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin. Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay. Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa. Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo. Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila. aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay. Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman! Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1-2

Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:1

Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:1-5

Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan. hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon. Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh! Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan! Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin, mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1-3

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya. Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-6

Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira! Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin! Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan. Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:1-2

Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito: “Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan, sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon, nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw. Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:16

Sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” “Naririnig ko,” tugon ni Jesus. “Hindi ba ninyo nabasa sa kasulatan: ‘Pinalabas mo sa bibig ng mga sanggol at ng mga pasusuhin ang wagas na papuri’?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:46-47

At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:37-40

Nang siya'y malapit na sa lungsod, palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kahanga-hangang pangyayaring kanilang nasaksihan. Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!” Sinabi naman sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, patigilin ninyo ang inyong mga alagad.” Kaya't patakbo siyang nauna sa dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro. Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo, kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:24

Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:47

Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:25

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:11

At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19-20

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15-16

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:11

“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nagkaroon ng buhay at nalikha.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:15

Pagkatapos ay hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay paghahari na ngayon ng ating Panginoon at ng kanyang Cristo. Maghahari siya magpakailanman!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 15:3-4

Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga paraan! Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo, sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:1-3

Pagkatapos nito, narinig ko ang tila sama-samang tinig ng napakaraming tao sa langit na umaawit ng ganito, “Aleluia! Ang kaligtasan, ang karangalan at ang kapangyarihan ay tanging sa Diyos lamang! Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo at tulad ng iyong mga kapatid na nagpapatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus ang diwa ng propesiya.” Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Sumigaw siya nang malakas at tinawag ang mga ibon sa himpapawid, “Halikayo, at magkatipon para sa malaking handaan ng Diyos! Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!” At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. Matuwid at tama ang kanyang hatol! Hinatulan niya ang reyna ng kahalayan na nagpasamâ sa mga tao sa lupa sa pamamagitan ng kanyang kahalayan. Pinarusahan siya ng Diyos dahil sa pagpatay niya sa mga lingkod ng Panginoon!” Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay. Muli silang umawit, “Aleluia! Walang tigil na tataas ang usok na mula sa nasusunog na lungsod!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:18

At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:3

Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:12-13

Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos, ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog. Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:6-8

Sa simula at mula pa wala akong inasahang sa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang; kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw. Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga, malakas kang katulong ko na di nila maunawa; kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:6

Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:22

Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya'y ibalita, umawit sa galak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:10-12

Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:2

Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:12-13

Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem! Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion! Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 38:20

Si Yahweh ang magliligtas sa akin, kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan. Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:21

Nilalang ko sila upang maging aking bayan, upang ako'y kanilang laging papurihan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:13-14

Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:8

Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33-36

Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya? Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:57

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:24

Kaya't nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:12

Kaming mga unang umasa sa kanya ay pinili niya at hinirang upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:12

Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:12

Sinabi niya sa Diyos, “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:11

Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171-172

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:4-5

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi; ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:21

Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:30

At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:68-69

“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:37

Nang siya'y malapit na sa lungsod, palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kahanga-hangang pangyayaring kanilang nasaksihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at Makapangyarihang Diyos, Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng papuri at karangalan! Amang Banal, lumalapit ako sa Iyo nang may pusong nagpapasalamat dahil pinagkalooban Mo akong muli ng pagkakataong purihin at sambahin Ka sa araw na ito. Dalangin ko po na patuloy Mong palakasin ang bawat ministeryo ng pagpupuri at pagsamba. Bigyan Mo po ng panibuting sigla ang buhay ng mga musikero at mananamba sa Iyong kaharian, upang araw-araw ay mamuhay silang nakatalaga sa Iyo. Ipadama Mo po sa kanila na ang tunay na pagsamba ay nagmumula sa pusong mapagpakumbaba na kinikilala ang Iyong kadakilaan. Hindi lamang ito basta pag-awit o pagtugtog, kundi pagsasabuhay ng pananampalataya. Kahit sa gitna ng pagkukulang, kahinaan, at mga pagsubok, nawa’y lalo nilang mapagtanto na kailangan nila ang Iyong lakas at presensya upang makapag-alay sa Iyo ng tunay na pagsamba sa espiritu at katotohanan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas